chapter 13

4.7K 176 22
                                    

kasalukuyan siyang nasa labas kung saan ginanap ang aniversary ng parent ni chase. matapos siyang halikan nito nagpaalam siyang lalabas muna sandali. sa nahihiya siya, ang dami kasing nakakita sa paghalik nito sa kanya at siya naman nitong walang nagawa kundi tugunin iyon. napapikit siya sabay kasabay ng malalim na paghinga ang pinakawalan niya.

bigla naman siya nataranta ng may biglang tumakip na mga kamay sa mga mata niya.

"chase?" tawag niya.

"ouch!" boses iyon ni luke.

"anong ginagawa mo rito?" taka niyang tanong ng harapin siya nito.

"inimbitahan ako nila tito" sagot nito sabay yakap.

"so ibig sabihin, kanina ka pa dito? bakit di kita nakita kanina?"

"eh busy kayo sa pagsasayaw....... masarap dito sa labas, napakasarap ng simoy ng hangin" sagot nito sa kanya. agad siyang natigilan. so kung nasa loob ito kanina ibig sabihin nakita nito ang ginawa ni chase............

"pweding tayo naman ang sumayaw?" bulong nito sa kanya. kagalat labi siyang tumango and in just a second nagsimula silang sumayaw. wala naman sigurong makakakita sa kanila dahil abala ang lahat sa loob.

"bakit?" naiilang niyang tanong nang mapansin niyang titig na titig ito sa kanya.

"mas gumanda ka ngayon, you know muntik na kitang hindi makilala" sabi nito. bahagyang lumapit ang katawan nila sa isat-isa ng hilahin siya nito.

siguro kung hindi niya kilala ang binata baka nasapak niya ito sa paraan ng pagngiti nito matapos siyang purihin.

"sira ka talagang, matagal na akong maganda" biro niya.

Her Accidental HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon