Prologue

25 3 0
                                    

"I'll be there in 15 minutes."

Papasok na ako ng kotse ng tumawag si Lia, my secretary, para i-remind sa akin na may meeting ako with the PR team this morning. They will finally present to me the newest endorser ng bagong clothing line for men ng company ni Mommy. Ako na kasi ang nag take-over ng position niya dahil gusto nalang daw niya mag relax kasama ang mga amiga niya. Hindi na rin ako tumanggi dahil ayoko na rin naman mag work sa company ni Dad.

Agad na akong sumakay sa sasakyan ko at nag instruct sa driver na sa Primrose Fashion and Co. ako dalhin. As I was looking through my window, napansin kung medyo cloudy at mukhang uulan pa.

"We need to hurry. Baka maabutan pa tayo ng ulan at ma-traffic pa tayo." I said habang nakatingin pa rin ako sa madidilim na ulap.

Nung malapit na kami sa building, konti-konti nang pumatak ang ulan. Napabuntong hininga nalang ako dahil di pa nito nahintay na makarating ako sa opisina.

Nang huminto na ang kotse sa drop off area ng building, agad kaming sinalubong ng limang guard na may kanya-kanyang dalang payong. Nagmadali nang bumaba ang driver saka binuksan ang aking pinto.

Nagpasalamat ako sa mga ito at tuluyan na nga akong nakapasok sa building. From afar, nakita ko na si Lia na nakatayo malapit sa front desk. I was about to get her attention when suddenly, may biglang nagtilian na mga babae sa likod ko.

"Nandiyan na siya!"

"OMG ang pogi sobra!"

"I love you, Ran!"

Ran?

Nilingon ko ang mga ito at nakitang nagkukumpulan sila sa isang saakyan na kaka-park lang rin sa drop off area. Dahan-dahang bumukas ang pinto nun at may lumabas na isang matangkad na lalaki. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil nahaharangan ito ng mga payong na dala-dala ng mga guard.

Nang makita kong nagsimula na itong maglakad papasok, doon ko na nakita ang kabuuan nito.

Nanlaki bigla ang mga mata ko when I recognized who he is.

"Ran! Ran Takahashi!" sigaw ng isang babae sabay tili.

No, it can't be.

Ngumiti ito sa mga babaeng nakaabang sa kanya sa lobby at bahagyang kinawayan ang mga ito.

The man whom I betrayed 7 years ago is now in front of me, smiling like I didn't break his heart.

When his eyes met mine, that's when I lost it. Tears ran down my face. Who am I kidding anyway? After all this time, he's still the most beautiful star that I want to protect.


Ran Takahashi • You Were BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon