Chapter 2

12 1 0
                                    

Habang nakatitig ako sa field, bigla akong kinalabit ni Nicole.

"Cassie, di ba Kuya mo iyon?" tanong niya.

Nabuhayan ako bigla at nilingon ang direksyon na tinuro ni Nicole. Confirmed! Si Kuya Seven nga. Nagmadali akong lumabas ng kubo at hinabol siya papuntang International building. Ito ang pinaka bago at usually nandito ang mga classroom ng mga HRM students.

"Kuya Seven!!" sigaw ko.

Nang marinig niya ako, napatigil siya at biglang lumingon. Hingal na hingal ako habang nakahawak ako sa aking dibdib.

"Cassandra? What are you doing here? Don't you have class?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Maaga natapos ang klase namin Kuya. 10:30am pa ang next ko. Akala ko hindi na kita makikita ngayong araw." sabi ko.

Tumawa siya ng bahagya.

"That's impossible, Cassandra. Hindi naman sobrang laki ang school na 'to para di tayo magkita."

Napangiwi ako sa pagbanggit niya ng first name ko ng dalawang beses.

"Just call me Cassie. Masyado ka namang formal, Kuya." sabay tawa ko.

He sighed. "Ano bang masama sa Cassandra? It's still your name. Nag college ka lang ayaw mo na gamitin iyon?"

Napa-irap ako sa sinabi ni Kuya Seven.

"Bahala ka nga, Kuya. Babalik na ako doon kay Nicole. Let me know nalang later if pwede tayo magsabay umuwi."

Napamulsa si Kuya. "I don't think na makakasabay ako. You have a Freshmen orientation later. After nun, may meeting pa kami na mga Studen Council."

Ako naman ang napakunot ng noo. Ano daw? Freshmen orientation? Wala namang sinabi sa amin kanina si Mrs. Arroyo or iyong staff doon sa Admissions office.

"I know what you're thinking. Hindi nila nasabi agad kasi nagkaroon ng miscommunication between the admins and the studen council. Kaya naman may mag te-text sa inyo about that." explain ni Kuya.

Pagkatapos niyang sabihin iyon, nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Nilabas ko ito at tinignan kung sino ang nag text. Pagtingin ko, it's from our school.

"TO OUR DEAR FRESHMEN CONSOLANIANS, YOUR AFTERNOON CLASSES WILL BE SUSPENDED. PLEASE PROCEED TO THE AUDITORIUM AT 1PM FOR YOUR FRESHMEN ORIENTATION. THANK YOU."

Biglang nagsalita ulit si Kuya Seven. "Looks like na-received mo na ang notification. See you later, my dear sister." sabay alis.

Nang bumalik ako sa kubo na tinatambayan namin, nakita kong ngiting-ngiti si Nicole.

"Ay, anong meron? Did I miss something?" tanong ko sa kanya.

Tumili siya na parang kinikilig sabay sabing, "Oo, friend!! Sayang, di mo nakita!! Mga anghel na bumaba sa langit para pa-ibigin tayong mga NBSB!!"

Ano daw? Anghel?

"Nicole, hindi magpapakita sa'yo ang kung sinumang anghel kasi demonyo ka." pang-aasar ko sa kanya.

Umirap siya.

"Wow, nagsalita ang hindi anak ni Satanas. Hiyang-hiya ako sa'yo eh 'no? Tama nga lang na hindi mo sila nakita. Baka maging abo ka sa kinakatayuan mo." sabay tawa niya.

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Kahit ilang beses kaming mag bardagulan, never kaming napikon sa isa't-isa.

Hindi na rin kami nagtagal ni Nicole sa kubo. May klase na rin kasi siya ng 10:30am kaya naghiwalay na kami. Wala kaming parehas na subjects dahil malayo ang scope ng HRM sa course niyang Communication Arts.

Ran Takahashi • You Were BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon