Chapter 3

12 1 0
                                    

Nang nag-angat ako ng tingin, isang lalaki ang nakita kong naka-ngiti. Naka-suot siya ng white jersey t-shirt na may number 20 sa gitna na tinernuhan ng plain black jersey shorts. Napatulala ako ng ilang segundo dahil sa napaka among mukha nito. He's sporting a short side fringe haircut na may pagka curly ng konti ang dulo. May pagka chinito siya at matangos ang ilong. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang maliit na nunal sa upper side ng right cheek niya. Mamula-mula rin ang balat niya at hindi biro ang tangkad niya. Feeling ko nasa 6ft. siya.

Nahiya ang height ko na 5'4.

Hindi pa rin naalis ang tingin ko sa kanya. He looks familiar. Have we met before?

Bumalik lang ako sa realidad nung biglang siyang nagsalita.

"Mukhang kailangan mo ata niyan, Miss." sabi niya na hindi makatingin sa akin ng diretso.

Tinignan ko ulit ang hawak niyang panyo at dahan-dahang kinuha ito sa kamay niya. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at a-akmang ibabalik 'to sa kanya nang bigla niya akong pinigilan.

"It's okay, you can keep it. May extra naman ako dito." ngumiti siya sabay hawak sa batok niya.

I'm about to thank him nang biglang mag ring ang phone ko.

"Please excuse me for a while. I need to take this call." Hindi ko na siya hinintay makasagot at lumayo na ako ng konti sa kanya.

Pag sagot ko, sigaw ni Nicole ang umalingawngaw sa tenga ko na parang tunog ng ambulance.

"CASSANDRA YSABEL ATIENZA! KANINA PA AKO NAG TE-TEXT SA'YO! REPLY REPLY RIN 'PAG MAY TIME! KALOKA KA!", sigaw niya dahilan para mailayo ko ng di oras ang phone ko sa tenga ko.

"Oo na, pupuntahan na kita. Magkita nalang tayo sa cafeteria. Bye." binaba ko na agad at baka magsisigaw pa ang loka. I'll deal with her later.

Paglingon ko, nandoon pa rin iyong lalaki na nagbigay sa akin ng panyo. Nang makita niya akong palapit, sumilay ulit ang ngiti sa labi niya.

"I have to go.", pagpapaalam ko. "My friend is looking for me na. Thank you ulit dito. And pasensiya na if na-istorbo pa ata kita sa practice niyo.", sabi ko.

He chuckled. "Like I've said, okay lang. Basta next time na magkita tayo, sana hindi ka na malungkot or umiiyak."

Tumango ako nag umpisa nang maglakad papuntang exit. Bago ako humakbang sa unang baitang ng hagdan, napahawak ako bigla sa dibdib ko.

"Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko na ewan?" bulong ko sa sarili ko.

Pagpunta ko ng cafeteria, nakabusangot si Nicole. Wala pa namang patience maghintay ang isang 'to.

Mabilis ko siyang nilapitan at hinila ang upuan sa tabi niya. "I'm sorry! Dumaan kasi ako ng gym nung free time ko. Di ko napansin text mo."

"Kung di lang kita bestfriend, F.O na talaga." sabay irap niya.

Kinurot ko ang pisngi niya kaya bigla siyang napa-aray at pinalo ang kamay ko.

"Ano ba, Cassie! Parang tanga 'to!" sigaw niya sa akin.

Tumawa ako. "Sorry na, okay? Libre nalang kita ng lunch para di ka na mag maktol."

Biglang ngumisi ang loka. Sabi ko na, pagkain lang talaga magpapa-rupok dito.

Pagkatapos kumain, dumiretso na kami ni Nicole sa auditorium. Pagpasok namin, sinubukan kong hanapin si Kuya Seven pero di ko siya nakita. Pumuwesto kami sa left side bandang gitna na upuan. 5 minutes nalang mag 1pm na kaya medyo dumadami na rin ang tao.

Nagsimula agad ito sa tamang oras. Nagkaroon lang ng introduction ng mga admin ng school at short video ng history ng CU. Nag discuss rin ang Dean ng Student Affairs ng mga do's and don'ts kapag nasa school premises habang may mga namimigay ng student handbook. After nun, introduction na ng mga organizations na pwede naming salihan. Unang sumalang ang Student Council. Isa-isa silang pinakilala mula sa pinakababa hanggang sa pinaka mataas na position. Nagulat ako nang sabihin ng host ang pangalan ni Kuya Seven as President ng Student council.

"Let's all welcome, Rhys Svenson Atienza, President of the Student Council!". Ang daming nagpalakpakan nang umakyat sa stage ang Kuya ko. Meron pa ngang tumili na parang kinikilig. Hindi ko nalang gaano pinansin dahil bata palang naman kami, marami nang humahanga sa kanya dahil sa katalinuhan niya.

Oh eh di ikaw na, Kuya Seven.

"Alam mo, gwapo sana ang Kuya mo eh. Kaso.." sabay umakto si Nicole na parang nilamig bigla.

Natawa ako sa ginawa niya. Di ko rin siya masisi dahil sa tagal naming magkaibigan, nakilala na niya si Kuya Seven bilang tahimik at cold na person.

Pinakilala rin ang School Choir, Dance Club, mga academic organizations and even ang Theater Club. Matapos iyon, in-announce ng host na magpo-proceed na sa Sports. May mga narinig akong konting tilian sa harap kaya medyo na-curious ako. Pagkapasok ng mga players from different sports, naghiyawan na ang audience. Kahit si Nicole na panay na ang hampas sa akin.

"Nicole, nakakarami ka na ah. Di na ako natutuwa." pagalit kong sabi.

Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagsigaw.

Sus, lalaki nanaman siguro 'to.

Unang pinakilala ang Men and Women's basketball team. In fairness naman, mukhang may ibubuga sila. Sa tindig palang nila sa stage, mararamdaman mong napaka competitive nila. Not to mention, may mga hitsura rin.

Sumunod ang CU Pep Squad na may pa-basket toss pang ganap. Ako nalang iyong natakot para doon sa hinagis.

Humikab ako at tinanong ang sarili kung matagal pa ba 'to. Gusto ko na kasing umuwi at magbasa nalang ng libro.

"And last, but definitely not the least, The Volleyball Men and Women's Varsity Team!" sigaw nang host na lalong nagpa-hyper sa audience.

Isa-isa nang pinahilera ang mga lalaking member. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino iyong isa.

Si Handkerchief guy??

Halos mabasag na ang eardrums ko sa tilian nung isa-isa na silang binigyan ng mic. Bigla pang sumigaw 'to si Nicole.

"MINE PO LAHAT!!!!!!"

Napa-face palm nalang ako. Ano ba 'to, online selling?

Nang ibalik ko ang tingin sa stage, siya na ang susunod na magpapakilala.

"I'm Ran Takahashi, outside hitter of CU Volleyball Team." he said in a deep voice sabay ngiti.

Napaawang ang labi ko at natulala saglit. So iyon pala ang pangalan niya.

Cute.

Sinabunutan ko ng patago ang sarili ko. Anong bang pinagsasabi ng utak ko bigla? Hindi ko pa naman ganoon kakilala ang tao and yet, may ganito na akong nalalaman. Nagising lang ulit ang diwa ko nung sumigaw nanaman ulit si Nicole.

"ADD TO HEART NA AGAD!!" Sabay tawa nung mga nasa harapan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ran Takahashi • You Were BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon