Chapter 22: YOU'll SEE

582 17 3
                                    

Chapter 22: YOU'll SEE

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakarating sa bahay. Ang alam ko lang dumating ako sa bahay at pagpasok ko sa pinto namin. Nagulat na lang ako sa sigaw ni mama, "Mari Alyssa! Anong nangyari sayo? Bakit basang basa ka?"

Malayong tinig lang ng boses ni mama ang naririnig ko habang tinatanong niya ako at itinutulak papuntang banyo. Kinuha din ni mama ang heater at iniwan na niya ako. Saka ako napaupo at napasandal sa may pinto. Niyakap ko ang aking tuhod at naghagulgol. Kahit gusto ko man pigilan dahil alam kung maririnig ako, hindi ko mapigilan ang mga luha ko at ang hinanakit sa puso ko.

Hindi pa din ako makapaniwala na nagsinungaling sa akin si Stan. Alam niya at nakita niya kung gaano ako nasaktan noong iniwan ako ni Keith pero hindi man lang niya sinabi sa akin. All he did was watched me suffer and go through hell. I trusted him but he betrayed me. My best friend chose to lie to me.

Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa kusina. Isang mangkok ng mainit na sopas ang nag-iintay sa akin. Si mama lang ang nandoon. Noong tiningnan ko ang salas saka ko nakita ang iba, si ate lang ang wala. Laking pasasalamat ko at kilala ako ng pamilya ko. Hindi nila ako tinanong kung bakit ako nag-iyak at kung bakit pugto ang aking mata. Ang tinanong lang nila ay kung saan ako galing at kung bakit ako nagpakabasa. Mga maiikling sagot lang ang ibinigay ko sa kanila.

Mabilis din ako nakatulog pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko na malamig lamig dahil sa pagkabasa buti na lang hindi nasira pati na ang cellphone ko. Hindi ako nag-isip ng kahit ano. Una, dahil ayoko. Pangalawa, gusto ko ng matulog para wala na akong maramdaman. Sleep lets you escape reality even for a little while. At kahit anong hiling ko pagkagising ko na sana magkasakit ako ay hindi nagkatotoo. Hindi masama ang pakiramdam ko. Wala na akong nagawa kung hindi bumangon bago pa ako akyatin ni mama.

Pagkadating ko sa school at sa classroom, busy lahat ng tao at nagkakagulo. Pagkababa ko ng gamit ko, tinanong ko ang katabi ko kung anong meron, ang sagot niya, "Nakalimutan kasi nila na may assigment tayo sa chemistry."

Napakunoot na lang ako ng noo saka nagpunta kay Dan. Mukha bang naalala ko pa yun kagabi? Dadali akong kumopya dahil pangalawang subject namin ngayon yun. Kaya nang dumating na ang recess, nakalimutan ko na halos lahat ng nangyari kaso biglang nagpakita si Stan sa room namin. Madalas kasi na sa room o sa hallway lang kami natambay pag recess, fifteen minutes lang kasi at may tindahan naman ng snacks sa second floor.

Tumayo agad ako sa upuan ko at dumiretso sa kabilang pinto para hindi makasalubong si Stan. Hindi pa ako handang harapin si Stan. Ni hindi ko pa naiisip yung sinabi sa akin kagabi ni Keith. Oo, galit ako sa kanya pero mas nangingibaw ang sakit kesa sa galit. Magulo pa ang utak ko at nababalot ako ng kaba nang nakalabas na ako ng room namin.

Nakahinga na ako ng maluwag ng nakalampas na ako ng room ng section a dahil nasa dulo ang cr ng babae samantalang sa kabilang dulo ang para sa lalaki.

"Risa." narinig kong may tumawag sa akin ng nasa tapat na ako ng hagdan. Dahan dahan akong lumingon dahil kilala ko yung boses. Nagdalawang isip pa nga ako kung hindi ko na lang papansinin at didiretso na lang dahil ilang hakbang na lang at nasa cr na ako.

"Stan?" ang una kong sinabi pagkaharap ko sa kanya.

Nandoon siya at nakatayo habang nakapamulsa. Hindi ako ngumiti. Hindi ko kaya. Straight face lang ako habang tinaasan ko siya ng kilay.

"Tatanong ko lang sana kung saan ka pupunta at hindi mo ako pinansin."

Pagkasabi niya nun biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ng pag-aalala. Lumunok muna ako bago ko siya sinagot, "Cr lang ako."

Trying Again (Tagalog) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon