Ang galing. Nakapagupdate pa din ako kahit may quiz kami sa accounting bukas. Kasi naman pagod na ako mag-aral. Hay buhay! Ang hirap! XD
Anyways, here's chapter 5.
Enjoy <3
Pic ni Lance with new hair style on the right side and the song is What if by Colbie Caillat in the movie, Letters to Juliet :D
CHAPTER 5: THE FIFTH PERSON
Agad agad akong umiwas ng tingin at tinulak siya, “Hay naku, ewan ko sayo. Kung ayaw mo magpagupit edi wag mo. Uuwi na lang ako at nasasayang ang oras ko dito.”
Pagkatapos kong sabihin yun tumayo na ako at naglalakad papunta sa labas.
Akala ko susundan niya ako pero wala. Walang Lance na pumigil sa akin.
Papara na sana ako ng jeep ng biglang nagvibrate yung phone ko.
1 new message received. Si Lance. Ang sabi niya sa text niya ay ito, ‘ Pumasok ka na nga. Ayokong maiwan mag-isa sa mga bakla.’
Napangiti naman ako nung nabasa ko yun at syempre, bumalik na ulit ako sa loob. Pagkapasok ko, nakaupo na siya at ginugupitan na. Aaminin ko, ito lang ang tanging paraan na naisip ko para hindi ko na siya masyado maalala kay Lance. At kung paano niya nalaman, may idea na ako kung sino ang nagsabi sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto at lumapit na sa akin si Lance. Yung ngiti ko abot ata sa tenga kasi napailing siya nung nakita niya ako.
“Ayos ah. Gwapo ka na ngayon,” biro ko sa kanya na may halong hampas sa balikat niya.
“Matagal na akong gwapo,” yabang niya sa akin. Nakangiti na din siya habang tinitingnan niya yung bagong gupit niyang buhok sa salamin.
“Yabang mo. Tara na nga at may pupuntahan pa tayo. Magbayad ka na,” utos ko sa kanya at lumapit na nga siya dun sa naggupit sa kanya.
Pagkatapos niyang magbayad, kasunod pa niya yung naggupit sa kanya nung papunta na siya sa akin. Hindi pa rin nawawala yung ngiti sa mukha ko kasi for sure may gusto yung bakla sa kanya. Kung wala nga ako dito, nachansingan na tong lalaking ito ng todo.
“Tara?” aya niya sa akin. Yung right hand niya nakalagay sa pockets niya.
Tumango lang ako at napagsalamat ako dun sa bakla, “Salamat po.”
“You’re welcome iha,” sabi nung bakla at may pahabol pa siya, “Gwapo naman talaga yang boyfriend mo at bagay na bagay kayo.”
Nagulat naman ako dun at napaspeechless ako samantalang si Lance napatawa ng malakas.
Pagkalabas namin ng parlor, hinampas ko ulit siya.
Napahawak siya sa braso niya kung saan ko siya pinalo. Medyo nabawasan yung pagtawa niya. “Bakit mo ba ako pinalo? Kanina ka pa ah. Quota ka na.”
“Pano ba naman kung makatawa ka parang wala ng bukas? Ano bang nakakatawa ha?”
“Kasi naman napagkamalan ka nung bakla ng girlfriend kita. Eh hindi naman kita type kaya nga nireject kita kahapon-”
Napatigil siya at mukhang narealize niya ata yung nasabi niya. Napasimangot naman ako.
“Sorry. Hindi ko naman gusto sabihin yun, natawa lang-”
Pinutol ko na yung sinasabi niya. “Ang yabang mo talaga at tska hindi naman ako magcoconfess sayo kung hindi ka-”
Natigilan din ako ng narealize ko na ang sasabihin ko ay, ‘kamukha ka ni Keith.’
BINABASA MO ANG
Trying Again (Tagalog) [Completed]
Teen FictionNabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan a...