Chapter 9: Nyebe

1.6K 21 7
                                    

Nabitin ba kayo? Well, lalo na dito sa chapter na to.bwahaha XD Ang saya-saya isulat ng tsapter na to. Enjoy sana kayo sa pagbabasa. 

Nga pala, paki-support naman nung bago kong story, Tomorrow's Chances, isasali ko sana siya sa watty awards 2012. Thank you sa lahat ng nagbabasa nito at nagcomment, nagvote. Hindi ko man maisa-isa pero sobrang napapangiti ako nun.haha Salamat ulit :D

Song on the right, fairy tail's opening (1-10).   

CHAPTER 9: NYEBE

“Denise?”

Hinihingal siya dahil ata sa pagkahabol sa akin. Hindi ko naman in-expect na susundan niya ako, nakakahiya tuloy yung ginawa ko kanina, hagalpak na ako ng katatawa. Inayos ko muna ang sarili ko at nagconcentrate, galit ako sa babaeng to kahit anong mangyari.

“Ano ba yon?” tanong ko sa kanya na medyo naiirita ang tono ko.

“Ahh,” sabi niya ng mahina, mukhang natakot ata sa akin, “Tungkol sana kay Stan.”

“Bakit? Sayo na naman siya ah. Anong problema dun?” dire-diretso kong pagkakasabi sa kanya, “Kung nag-aalala ka na agagawin ko siya, wag kang mag-alala sayong sayo na siya.”

“Hindi naman yun eh,” sagot niya sa akin, “Alam ko naman na hindi ako ipagpapalit ni Stan kasi mahal niya ako.”

“Yun naman pala. Ano pang gusto mong sabihin sa akin?” tanong ko sa kanya, galit na talaga ako. Ang kapal ng mukha niya, first year lang siya, mas matanda pa din ako sa kanya kaya dapat matuto siyang gumalang.

“Sana magkabati na kayo ni Stan,” sabi siya sa akin ng mahinahon.

Hindi ko siya sinagot. Nagsalita muli siya, “Alam ko naman na gustong gusto ka na niya kausapin ulit. Namimiss ka na niya kahit hindi siya sabihin sa akin at alam ko namang miss mo na din siya. Parang kapatid na ang turing niyo sa isa’t-isa.”

Tiningnan ko siya sa mata at mukhang sincere naman siya kaso ayoko. “Oo miss ko na siya,” amin ko kay Denise, “Kaso hindi pwedeng dalawang babae ang nasa buhay niya. Hindi pwedeng lagi na lang siya mamimili sa ating dalawa.”

Sasagot na sana si Denise kaso inunahan ko na, “Alam ko, hindi ako girlfriend pero simula’t sapul ako ang lagi niyang pinipili. Lahat ng gusto ko, sinusunod niya pero kung mahal ka niya talaga, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya kahit anong mangyari kaya sayo na siya. Hindi na kailangan ibalik na yung dati na meron sa amin. Masaya naman siya eh.”

Naglakad na ako palayo pero may ihinabol ako sa sinabi ko, “Wag kang mag-alala kakausapin ko siya kagaya ng dati pero hanggang dun na lang yun.”

Nakarating na ako sa beach ng hindi ko na mamalayan dahil busy ako sa pag-iisip ng mga sinabi ko kay Denise. Tama ba yung sinabi ko?

“Oh, andyan na si Risa!” sigaw ni Dan, ipinatong ko yung phone ko dun sa mga ibang gamit nila at nagtatakbo na papunta sa kanila. Hindi katagalan dumating si Lance at ang ate ko na may dalang ice cream, syempre pabilisan kami sa pagpunta sa kanila. Hindi naman halata na sabik na sabik kami sa ice cream.

Dahil hindi alam ng barkada na close na kami ni Lance, hindi ko siya kinakausap o pinapansin, busy din naman kasi siya kay ate. Kinuha ko yung cellphone ko kaso wala nga pala akong dalang towel, naiwan ko sa cottage, hihiram na sana ako kay Mia kaso may biglang pumatak sa mukha ko na twalya.

Pagkatanggal na pagkatanggal ko napasigaw agad ako, “Sino ba naman-”

Natigilan ako dahil si Stan pala yun, kaholding hands niya si Denise. Ngumiti siya, “Gamitin mo muna.”

Trying Again (Tagalog) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon