Before I Let You Go

13 0 0
                                    

Saturday, March 8, 2008. (My 13th Birthday)
I sent a group message to all my friends and classmates para magpasalamat sa mga bumati sakin. Ang alam ko, noong mga panahon na to ay 1st year student ako ng isang private school sa Pasig. Then nagreply yung classmate kong si Sharmaine ng "Happy Birthday" so I texted her back, I said "Thank you Sharmaine!" Akala ko tapos na ang conversation pero nagreply ulit siya.

"Sharmaine pala pangalan ng may-ari netong sim. Napulot ko lang kasi to sa jeep kahapon tapos nung in-insert ko ngayon nagtext ka na birthday mo ngayon kaya ni-replyan kita ng Happy Birthday para i-check kung may load" BLAH BLAH BLAH.

Dave Ernest Pañares daw pangalan niya, 3 years older than me, taga somewhere in Manggahan (di ko pa alam kung saang lupalop ang Manggahan noon, akala ko sobrang layo nun sa amin).

Tinext din niya ako gamit yung # talaga niya. I helped him to return the simcard to my classmate.

Kahit naisuli na niya yung simcard patuloy parin yung communication naming dalawa na umabot sa punto na noong summer ng 2008 araw araw na kaming magkatext.

Naging textmates kami for couple of weeks then bigla siyang nanligaw sakin, nag-confess siya n mahal na daw niya ako kasi ang bait ko daw. Nakita daw niya FRIENDSTER ko (Friendster pa uso nun, hindi facebook), ang ganda ko daw tapos na-inlove daw siya sa boses ko lalo na pag kumakanta.

So as a 13 year old girl na 1st time lang mabigyan ng mga gantong compliments, I started to like him hanggang noong April 2008, sinagot ko na siya kahit di ko pa nakikita mukha niya since wala siya friendster at ayaw niyang gumawa. Ok lang naman sakin yun kasi Inisip ko na hanggang text lang naman to e. Di naman kami nagkikita at di ako makikipagkita sa kanya. So ganun nga ang nagyari.

Ang 1st boyfriend ko ay hanggang text at tawag lang. trip trip lang yun di seryoso kay noong dumating ang May 2008, nakipagbreak na ako kasi gusto na niyang makipagkita. Ayaw ko talaga ng meetups kasi panget ako, mataba na pandak. -.-
After nun, itinigil ko narin ang communication namin.

November 1, 2009 (10th Birthday ng Best Friend Cousin ko na si Elaine)
Nagka-bonding bonding kami ng mga pinsan ko at mga kababata ko sa Carissa. Super uso nun ang textmates kaya naghingian sila ng textmates. Di ko kinuha yung mga binibigay nila kasi di naman ako interesado, medyo focus na ako sa pag-aaral nun dahil may resectioning na nagaganap sa school namin na naka-based sa grade. Pero nung ako na yung hiningian nila, wala akong nagawa kundi ibigay yung kaisa-isa na naging katextmate ko which is Dave.

May 28, 2010 (7th Birthday ng kapatid ni Elaine)
Nagkita kita kami ulit ng mga pinsan ko at mga kababata ko sa Carissa. Nabalitaan kong may boyfriend na daw yung isa kong pinsan na si Shyra sa text named Lawrence or Lence for short. Pinsan daw yun ni Dave.
At dahil pakielamera akong lubos, kinilala ko yung Lence. Tinext ko siya para tingnan kung karapatdapat siya para sa pinsan ko pero sa bandang huli naging taga payo at taga pagbati nila akong dalawa.

Naging textmate ko si Lence at si Shyra.

Dahil sa text lang sila magjowa, di nagtagal nagbreak din sila pero dahil naging kaibigan mo na si Lence, paminsan minsan nakakatext ko parin siya.

June 15 - August 19, 2010 (1st Serious Relationship ko) His name was Archie, and we broke up because we are too immature.

After nung kay Archie, naghanap ako ng rebound. Nanghingi ako kay Shyra ng katext at binigay niya si Robi. Naging kami ni Robi pero on and off at dahil sa rebound lang at wala akong balak magseryoso, naging kami rin nun pinsan niyang si Jover na isang mayamang tibo na pinapaloadan ako ng 100 per week para mag-unlicall and text for 5days.

Di parin ako nakakapagmoveon nun kay Archie kaya di nagtagal nagbreak din kami ni Robi at Jover.

September 2010. (2 months na akong heartbroken)
Biglang may nagtext sakin, Ace Garcia daw taga Santolan (Di ko parin alam kung saan yun, basta malapit lang daw samin) pinsan daw siya ni Lence. Malandi si Ace, sobrang malandi at dahil broken ako at naghahanap ng rebound, nakipaglandian ako sa kanya.

Broken Hearted PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon