The Story Behind

3 0 0
                                    

May part-time job siya ngayon summer sa isang supermarket. Nung una, morning shift siya medyo nawawalan na siya ng time sakin. Aware siya na nawawalan siya ng time sakin kaya lagi siyang magpa-promise na babawi siya.

Pero di natutupad.

Then naging afternoon shift siya. 1pm na yung pasok niya, so umasa ako na kahit papano magkakaroon na siya ng time sakin. Tapos ayun niyayaya ko siyang magjogging o mag-date pero tinatanggihan parin niya ako. Inshort, di parin niya tinutupad yung promise niya na babawi siya.

Pero inintindi ko lahat yun.

Sa sobrang pagka-miss ko sa kanya, ako na yung gumagawa ng effort na magkita kami. Ako na yung pumupunta sa bahay nila para makasama ko siya pero nandun parin yung tampo ko kasi di niya tinutupad promise niya.
10pm uwi niya galing sa trabaho. Araw araw ko siyang hinihintay para makapagusap lang kami. Kahit na antok na antok na ako hinihintay ko parin siya. Tapos isang araw naisipan kong yayain siyang mag-jogging kinabukasan kasi day off niya yun pero tinanggihan na naman niya ako, inintindi ko yun pero nung gabi na pauwi na dapat siya bigla siyang nagtext na papunta siya sa bahay ng katrabaho niya kasi magpa-party party daw sila dun.

Bigla akong nagalit. Sobrang galit na halos maiyak ako. Pag sakin walang time pag sa mga katrabaho niya may time siya. Nag-away kami. Di ko daw siya iniintindi. :'(

Nung mga oras na yun. Nanlumo ako sa sarili ko. Binigay ko lahat ng efforts ko at inintindi ko siya pero bakit ganun. Sa sobrang galit ko nakipagbreak ako sa kanya. Para din ma-realize niya yung mga pagkukulang niya sakin.

Sinuyo niya ako nun at after 1week pinatawad ko siya at nagkabalikan kami.
Binalikan ko siya kasi sabi niya.

"Di na ako magpa-promise na babawi ako sayo, gagawin ko nalang"

Tapos bumawi naman siya kasi kinabukasan pinuntahan niya na ako sa bahay at nagbonding kami kasama yung kapatid ko. Sobrang saya ko nun. Pero di ko inakalang last na pala yun.

On that week din, may ginawa nanaman siyang di ko nagustuhan. Pumunta siya sa overnight swimming kasama ang mga katrabaho niya ng di nagsasabi sakin.
Kundi pa nag-chat sakin yung ate niya na sabihin daw sa kanya na umuwi na siya saka ko pa malalaman.

Umiyak nanaman ako sa galit. Bakit di niya sinabi sakin? Di naman ako magagalit ah. Saka papayagan ko naman siya.

Sa sobrang galit ko nagpost ako sa wall niya at pinagmumura siya.

Sabi niya babawi siya. Isang araw na bawi lang tapos tapos na? Kakagaling lang namin sa away tapos gagaguhin nanaman niya ako? :'(

Nakipagbreak ulit ako. Sobrang nasasaktan na ako. Ang pinakamasakit nun. Di siya nagpaliwanag kung bakit niya nagawa sakin yun. :'(

Tapos tinatanong ko siya kung bakit niya nagawa yun wala siyang maisagot. Tapos galit daw sakin pamilya niya kasi minura ko daw siya sa facebook. Nadala lang naman yun ng galit ko sakanya e. :'(

Nag sorry lang siya pero di na niya ako sinuyo pa. :'(

7th day after naming mag-away nagmakaawa ako sa kanya pero pinagtabuyan niya ako. Nung 10th day may bago na pala siya tapos nalaman ko lang last week. Tapos pumayag akong magpa-tymer sakanya at sa babae. Pero nung nakita kong di niya mahiwalayan yung babae pinutol ko na communication namin.

Alam ko narin na 3 month pregnant na ako. Sinabi ko na sa kanya at sa babae pero parang wala na silang pakielam sakin at sa bata.

Kaya sumuko na ako. Walang kaming lugar mag-ina sa kanya. Masakit na lalaking walang tatay ang anak ko pero wala na akong magagawa e. :'(

"I gave my best to you,
Nothing for me to do
But have One Last Cry"

- One Last Cry

Broken Hearted PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon