Broken Vow

1 0 0
                                    

Noong tayo pa, lagi kong sinasabi sayo na "sobrang natatakot ako na mawala ka sakin"
Tapos lagi mong sagot "hinding hindi ako mawawala sayo mahal ko pangako"

Lagi tayong nag-aaway, pero kahit gaano pa kalala o kababaw yung away natin lagi parin tayong nagkakabati kasi
"Nagmamahalan tayo"

Lagi mo pa sinasabi sakin noon na,
"Ang swerte ko sayo mahal ko"
"Masaya ako kasi may makakasama na ako habambuhay"
Ikaw Lamang Walang Iba"
"Ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay"
"ikaw lang ang babaeng papakasalan ko"
"Ikaw lang ang gusto kong maging nanay ng mga magiging anak ko"
"Ikaw lang ang gusto kong makasama sa huling segundo ng buhay ko"

Alam ko at nararamdaman ko na sobrang mahal mo ko kaya sobrang minahal din kita.

Kaya di ako makapaniwala sa mga ginawa mo. Di ako makapaniwalang nagawa mo akong lokohin.

Naghanap ka ng iba.

Sayang magpa-5 years na sana tayo ngayong taon. Ang dami pa naman natin plano. Mga plano na kahit kailan di na matutupad.

Siguro nga may kasalanan din ako kung bakit ka nagbago pero di ko akalain na ganun ganun mo lang ako pinalitan, ganun ganun mo nalang ako saktan.

Akala ko kahit anong mangyari sa atin ako lang yung mamahalin mo kasi soulmate tayo sabi mo diba? Naka-tadhana na tayo? Sabi mo pa nga, tayo ang magpapatunay ng forever.

Sa totoo lang, hanggang ngayon umaasa parin ako na mahal mo parin ako. Umaasa akong babalik ka pa sakin kahit sinasampal sampal na ako ng reyalidad na masaya ka na sa babaeng yun. Kitang kita naman sa pictures niyo nung nag-date kayo e.

Sorry ini-stalk ko facebook niyo dalawa kahit alam kong masasaktan lang ako sa makikita ko.

Bakit ganun? Kahit sobra mo akong sinaktan, mahal na mahal parin kita?

Lahat na ginawa ko pero di parin kita makalimutan. Ang dami dami na nagsasabi na di ka deserving para sakin, kalimutan na daw kita, maghanap nalang daw ako ng iba at kung anu-ano pa pero wala e. Mahal parin kita, umiiyak parin ako tuwing gabi, umiiyak parin ako tuwing namimiss kita, umiiyak parin ako tuwing maaalala ko yung masasayang alaala natin na alam kong never nang mangyayari ulit.

Gusto ko ulit maramdaman yung yakap at halik mo pati narin yung init ng kamay mo tuwing magka-holding hands tayo.

"I'd gave my soul to hold you once again
And never let this promise end"

- Broken Vow

Broken Hearted PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon