PROLOGUE

19 1 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Papa, huwag mo po kami iiwan ni mama ha? i love you po!" sambit ng usang inosentent bata. tila ba't punong puno ng saya ang kaniyang mga mata nang yakapin nya ang kaniyang ama.

"Oo naman anak. Pangako iyan. Mahal din kita anak." Sagot naman ng kaniyang ama. Maya maya pa ay biglang naglaho ang kaniyang ama at nagsimulang dumilim sng paligid. Tumahimik ito ngunit may dalawang hugis ng taong nasa harapan nya at nagaaway ang mga ito. Anino lamang iyon ngunit hinding hindi nya malilimutan kung sino sila.

Unti unti at lumakas ang sigawan at napaka sakit nito sa pandinig niya.

"Walang hiya ka! Napaka baboy mo! Talagang kaibigan ko pa!" Sigaw ng kaniyang ina.

"Itahimik mo ang bunganga mo o papatahimikin kita!" Sigaw ng kaniyang ama na nagpanginig ng kaniyang buong katawan. Kitang kita nya sa kanyang maliliit na mata kung paano tinutukan ng baril ng kaniyang ama ang kaniyang ina.

At sa isang putok ng baril.. nagising ako sa pagkakatulog.

Pawis na pawis ang buo kong katawan. Narinig kong may kumakatok sa pinto kaya't dali dali ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang may ari ng bahay na naniningil na naman.

"Hindi ko pa nga ho kasi mababayaran." Pangungumbinsi ko dito. "Alam nyo naman pong naraid yung bar na pinag tatrabahuan ko diba?"

"Sinungaling! Magbayad ka bukas o maaabutan mo ang mga gamit mo sa labas ng apartment mo!" Sigaw nya bago ako tinalikuran.

Totoo naman ang sinasabi ko. Waitress ako sa isang bar pero naraid yun dahil may mga nagbebenta pala ng ipinagbabawal na gamot. Mabuti na lang at may back up work ako. At don ako papasok ngayon.

Nagbihis ako ng pagkaiksi iksing party dress at pinatungan muna iyon ng jacket na mahaba. Sumakay ako ng jeep papunta sa bar at pinagtitinginan pa ako ng mga lalaki dahil sa suot ko.

Mga lalaki nga naman.

Pagkababa ko ay halos umabot sa kabilang lote ang pila dahil may bidding event ngayon. Kaya naman sa likod ako ng bar dumaan. Pagka pasok ko palang ay bumungad na agad sa akin ang kaibigan ko at hinila palapit sa upuan upang ayusan.

"Teh, ready ka na ba malaspag? Ahihihi" malanding bulong sa akin ni Cindy. May katagalan na rin siyang nagtatrabaho dito. Ngayon lang ako magiging "product" ngayon dahil kadalasan ay waitress ako. Natiming-an pa ngang bidding event ngayon at maraming mayayaman ang dadalo.

Sikat kasi ang bar na ito sa lugar namin, kaya naman marami ang dumadayo. Bukod kasi sa bidding event, at masasarap na pagkaing binebenta, talaga namang hindi ka magsasawang tignan ang mga kababaihan.

Nang matapos ayusan ay kaagad kaming tinawag upang tumayo sa stage. Kaagad na tinapatan kami ng spotlight at nagiba ang tingin ng mga kalalakihan sa amin. Mula sa kaliwa hanggang sa kanan ay pangalawa ako.

Nauna nang pagagawan ang katabi kong babae. Maganda siya, pati na ang hubog ng katawan, at chinita rin.

"Ms Arielle Gozon, bidding starts at two hundred thousand!" Kaagad na nagtaas ng kamay ang mataba at matandang lalaki. Tinuro naman sya ng host.

"Two million pesos!" Ani nito. Napatingin ako sa katabi ko at kitang kita ko kung paano siya napalunok ng marinig ang sinabi nito. Alam ko na agad kung ano ang nararamdaman nya pero pinilit nyang ngumiti.

"Okay! Going once, going twice! Sold to mister Jimenez!" Sambit ng host. Agad namang bumaba ng stage si Arielle at lumapit sa lalaking iyon. Kitang kita ko kung paano siya hawakan ng walang hiyang lalaking yon pero sa tingin ko ay tinitiis nya yon.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang sasapitin ko sa lugar na ito. Kung hindi lamang para sa pera at tatakbo na ako paalis dito.

Parang nanglambot ang tuhod ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang audience habang ngumingiti ng peke at pilit.

Para sa pera..

"Okay next! Ms. Cheska Baltazar, bidding starts at five hundred pesos! Nako, maganda at sexy si miss Cheska, unahan niyo naaa!" Maarteng sabi ng bading na host. "You know the drill, boys!" dagdag pa ng kasama niya at kumindat.

"Five million!"

"No! ten million! sa akin nalang siya!"

"30 million!"

Samutsaring sigawan ng mga lalaking gusto akong makuha. Ngunit may isang nagpatahimik sa kanilang lahat.

Kaagad na nabaling ang tingin ko sa Isang lalaking guwapo, matangkad, at mukang bata pa. Bakas din ang pagiging elegante nito sa pananamit pa lamang. Kung titignan siyang mabuti ay mag mukha talaga siyang Italian o yung mga lalaking guwapo na makikita sa mga palabas sa tv.

Ngumisi ito bago sabihing ang mga katagang nagpalambot pa lalo ng mga tuhod ko. "One billion pesos. She's mine."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Before the Sun RisesWhere stories live. Discover now