26- The Reunion (first plan FAILED !)

143 1 0
                                    

The Story Of Us ♥♥♥

 written by: naughtyGIRLove

26- The Reunion  (first plan FAILED !)

-------

~TRICIA's POV~

hindi ako papayag na maging masaya silang dalawa habang ako at si Charles ay naghihirap

matagal ko nang inalis sa bokabularyo ko ang salitang KAIBIGAN at BESTFRIEND !!

kailangan ko nang gumawa ng paraan para mapaghiwalay silang dalawa.

isip! isip ! isip !

*ting*

alam ko na ! 

SI CHARLES !

~CHARLES's POV~

"pre ayos ka lang ?" tanong sa akin ni Dwn

nandito kami ngayon sa may club house habang sila nagpapakasaya dun sa hall

"oo ayos lang ako" pretend na sagot ko kahit hindi naman talaga ako okay

"mukhang hindi naman eh. oh eto" sabay abot ng baso na may beer . inabot  ko yun tapos ininom ko ng straight. hindi naman talaga ako umiinom eh pero eto nalang siguro ang dahilan para makalimutan ang problema

di ko na talaga kaya . parang sasabog na ako dahil sa nakikita ko . alam kong masaya na siya pero bakit iba ang nararamdaman ko ? parang gusto ko siyang agawin

pero hindi tama eh. mali yung iniisip ko. eh pano yung deal namin ni Chris ? mababalewala nalang ba yun ? ganun na ba talaga siya kasama para agawin sa akin ang babaeng pinakamamahal ko?

"diba Dwn nagmahal ka na din ?" tanong ko kay Dwn tapos ininom ko yung beer

"oo pero nasaktan din ako eh" sabi ni Dwn tapos tumingin sa kawalan

"kwento mo nga sa akin pre yung storya niyo kasi hindi ka pa nagkukwento sa amin about sa ex mo eh" hindi pa talaga siya nagkukwento sa amin about dun sa EX niya

"wag na ! ayokong pag-usapan. basta nasaktan ako, yun na yun! tska di naman bagay na mag open ako sa kapareho kong lalaki noh. hahaha " -Dwn

"loko ka talaga !" yun lang ang nasabi ko. kasi naman eh mukang timang yung kausap ko. pwede namang mag open ang lalaki sa kapwa niya lalaki diba ?

um-OO kayo ! haha joke lang

"hi ! pwedeng makijoin ?" sabi nung babae pero hindi ko alam kung kami ba sinasabihan ni Dwn. tska di ko din naman pinapansin

"pre tayo ba sinasabihan nun?" tanong ko kay Dwn

"Tricia kami ba ?" -Dwn

si Tricia lang pala

"yes. pwede?" tanong niya sa amin

"Sure!" sagot ko

umupo siya sa tabi ko tapos nagshot ng kalahating baso ng tequilla. tahimik lang kami . wala ngang nagsasalita eh. ang tanging maririnig mo lang ay yung ingay na nanggagaling sa hall.

"pre punta muna ako dun ahh" tumango ako at umalis na si Dwn

"so musta ?" biglang tanong sa akin ni Tricia

"ayos lang naman." sabi ko habang nakatingin sa baso

"I know hindi. pareho lang tayo ng nararamdaman Charles." -Tricia

The Story Of Us ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon