Part 1

110 0 0
                                    

"Bff!"

"BFF!"

"HOOOY MARIA MARGARITA!!!!" ang sigaw ng best friend kong si Tin na nandito na naman sa bahay namin.

"Maka-sigaw to. Tsaka maka-Maria Margarita ka naman, wagas! Ano ba problema mo?" sagot ko naman.

Ako nga pala si Mary Margareth Reyes. 3rd year highschool. At meron akong best friend na nagngangalang Kristin. Madalas siyang nandito sa bahay, para na siyang nakatira dito, para ko na ring kapatid kasi feel at home siya lagi sa bahay at close rin sila ni mommy at daddy. Childhood best friend ko rin kasi siya.

"Nakatutok ka na naman sa twitter! Baka makain ka na nyan?" Patawa ni Tin.

"Alam mo naman kasing dito ko lang siya kayang pagmasdan ng matagal, dito lang ako nakakapagpapansin sa kanya, dito ko lang siya kayang kausapin. Kasi lahat ng to, di ko naman nagagawa kapag nasa school tayo." madramang sagot ko.

Ang tinutukoy ko dito, ay si Adrian. 3rd year din, same school pero nasa ibang section. Malas ko nga dahil hindi kami naging classmates.. Matagal ko na siyang crush. Since grade 5 pa kami, siya na talaga ang crush ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya maipagpalit sa ibang guys, siguro meron lang talaga siyang katangian na hindi ko makita sa iba. Simple lang naman siya, may itsura, matangkad, medyo chubby pero cute, maputi at medyo matalino.

Nang dahil sa Twitter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon