Part 5

37 0 0
                                    

(Isang araw, sa library..)

"BFF!! Nandyan ka pala. Kanina pa kita hinahanap!" malakas na boses ni Tin.

"Shhh Bff. Hinaan mo lang boses mo. Baka mapagalitan tayo." sabi ko.

"Labas nga muna tayo.. Kasi bff, *sabay ngiting kinikilig*"

"Oh bakit? Ang ngiti natin ah. Abot tenga." sabi ko.

"May nag-abot sakin ng letter. Bigay ko daw sayo."

"Sino?"

"Basta.. Basahin mo na lang." sagot ni Tin.

"Hi Margareth. Hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula dito. Kasi.. Matagal na kitang gusto. And I think I'm falling in love for you.. Hindi ko lang maamin sayo dati kasi baka layuan mo ko at sa tingin ko ay may gusto ka dun sa taong nagbigay sayo nung letter last week. Naalala mo ba yun? Napadaan ako sa likod mo nun.. Nagtago ako para pakinggan ka habang binabasa yun.. Nalungkot ako sa mga narinig ko.. :( Naalala mo din ba yung tweet mo nun? Sabi mo, "Bakit ka wala sa mood? :(" Hindi ko alam kung bakit o para kanino yun. Pero sumagot ako dun.. Sabi ko, "Kasi may gusto ka ng iba. :(" Para sayo yun. Nakita ko kasi kung paano ang ngiti at reaksyon mo nung nabasa mo yung letter. Kaya ito, gumawa din ako ng letter para sayo. Minsan pag nagkakasalubong tayo, nagpapacute ako. Pumoporma ako. Matagal na rin akong nagpapapansin sayo sa Twitter. Madalas akong nagttweet ng kung ano anong parinig sayo pero mukhang di mo napapansin. Kaya naglakas loob na kong umamin sayo.. MAHAL KITA MARY MARGARETH REYES. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon para iparamdam at ipakita sayo yun.. I LOVE YOU.

Sabay tayong umuwi mamaya? Hihintayin kita sa bench na malapit sa gate. :)"

*superduperultramegakiligvibes*

*ngitingwagasnaabottenga*

"My God BFF!!! Speechless ako :""""">" nakangiting sabi ko.

"Pumunta ka mamaya sa gate ha.. Chance mo na yan Bff. Wala ng hiya hiya." sabi ni Tin.

(Dumating ang uwian)

Pagpunta ko sa may gate, ayun siya. Nakaupo sa may bench. Kinakabahan ako, pero sabi nga ni bff, chance ko na to. At wala ng hiya hiya. :)

"Hi?" sabi ko.

"Marge! Hatid na kita sa inyo?" sagot niya.

"Osi--ge." *kabado pa, pero um-oo na ko. Sino ba namang magpapakipot pa eh, eto na yun. 4 years mong crush. Magpapakipot pa ba ko? Haha.*

Nang dahil sa Twitter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon