Part 4

33 0 0
                                    

(Sa canteen..)

Pagkabili namin ng pagkain, umupo na kami.

"Bff! Si Adrian oh." sabi ni Tin.

"Nasan?" sabi ko naman na patingin tingin sa gilid.

"Ayun oh. *sabay turo* Bakit parang malungkot siya tsaka nag-iisa lang siya oh? Mukhang wala pa sa mood ang itsura."

"Aw, bakit kaya.." pagtataka ko.

(Sa bahay)

Syempre bukas agad ako ng twitter ko para tingnan ang tweets niya.

Ito ang mga recent tweets niya.

"Wala sa mood."

"Aw.. :("

"Sana ako na lang siya. :("

"Bat ba hindi ko magawa yun?"

*Ayun, sabi na nga ba, wala siya sa mood. Ang lungkot nya. Bakit kaya? Ang gara pa ng mga tweets niya. Hindi ko maisip pero ano kaya ang mga meaning nun?*

Nagtweet ako..

"Bakit ka wala sa mood? :("

Maya maya..

Nagulat ako. Nagtweet siya. Sabi nya,

"Kasi may gusto ka ng iba. :("

Pero syempre, ayoko mag-expect na sagot niya yun sa tweet ko. Hindi ko naman kasi sya minention at hindi niya rin ako minention. Mahirap na rin mag-expect, mahirap at masakit madissappoint. Kaya deadma na lang..

Mga sumunod na araw, wala lang. Normal lang. Papasok sa school, makikinig sa teacher, makikipagdaldalan, kakausapin si bff, makakasalubong si crush, uuwi ng bahay, magttwitter. Ganun lang. Puro random tweets ang mga tine-tweet niya..

Nang dahil sa Twitter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon