#9 Rebound

13 0 0
                                    

Inayos ko na ang gamit na dadalhin ko at ang damit na susuotin ko para mamaya. Nag aya kasi sila ate na isasama niya kami sa outing nila ng mga classmates niya.

"Bilisan mo na at andiyan na ang sasakyan sa labas at saka nag hihintay narin si Lucas." Agad ko namang pinipigilan ang emosyon ko.

Hindi single si Kuya Lucas. May jowa sya kaya naman ayaw ko umepal sakanya. Pero itong si ate todo ganyan nang ganyan saakin.

"Ate naman. Alam mo namang may jowa iyong tao." Saway ko.

"Joke lang 'to naman di mabiro." Napangiwi nalang ako.

Hindi naman kasi joke lang iyon para saakin. Umaasa parin ako na sana ako nalang pero ayaw ko namang mang-agaw ng jowa ng may jowa 'no.

"Dito kana sa front seat Sabel." Pag aaya ni kuya Duke na siyang magmamaneho ng Ford Ranger Raptor na sasakyan. Siya ang pinaka close friend ni ate at isa sa pinagkakatiwalaan ko.

"Sge kuya! papunta na." Agad na akong umupo at sinirado ang pinto ng sasakyan.

Nakita ko agad si Kuya Lucas at ate at isang babae na hindi ko kakilala ang nasa likoran namin ni Kuya Duke. Yung iba nilang kasama ay nasa Likod.

"Kamusta naman pag-aaral mo?" Tanong ni Kuya Duke.

"Okay naman po, Kuya. Medyo nahihirapan lang pero maganda parin." Ani ko.

Agad naman sila napatawa lahat sa likod.

"I feel you, Sabel." Sabi ng babaeng hindi ko kakilala. Ito ata ang jowa ni Kuya Lucas. Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko.

Napasinghap nalang ako at tinitigan ang side mirror. Nakita kong tumitingin si Kuya Lucas saakin. Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kanya. Baka napatingin lang naman siya doon at hindi talaga ako ang tinitignan. Hindi naman ako asumera.

"Andito na tayo." Sabi ni Kuya Duke. Agad namang humanap ng mapag pa-parkinggan si Kuya.

Nakita kong nagsibaba-an na sila sa likod at binababa yung mga gamit na dala-dala namin kaya binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at bumaba na.

"Tara let's go!"

"This is exciting! Wooh!"

"Excited na ako, Pre!"

"Ako din, Pre!"

Kanya-kanya nilang reaksyon nang makita nila ang itsura ng Mintugsok Falls. Pati ako ay namangha sa ganda ng lugar.

"Tulungan mo sila doon sa mga pagkain, Sabel. Ako na bahala sa mga gamit." Bilin ni Ate.

"Okay noted, Ate." Saad ko.

"Ah ate tulungan na kita." Ani ko sa babae kanina sa sasakyan.

"Ay wag na okay na ako na bahala kaya ko na ito." Sabi niya sa malumanay na boses. Muka naman siyang mabait-kaya siguro nagustugan siya ni Kuya Lucas.

Tumango nalang ako at ngumite. Agad na akong nag picture picture sa lugar ngunit may pamilyar na muka ang nakita ko. Si Andrew-ex ko. After ng huli naming break up ay ngayon ko lang sya ulit nakita. Bumalik agad lahat ng ala-ala saakin.

"Baka kailangan mo." Agad akong napaangat ng tingin sa kamay na may panyo na galing kay Kuya Lucas.

"No. I'm okay, Kuya." Hindi ko kasi napansin na napaluha na pala ako kakatingin.

"Can I have a favor?" Agad naman akong napatingin sakanya. Nang hindi umiimik.

"Pwede bang huwag mo na akong tawaging kuya? 2 years lang naman ang pagitan natin." Ani niya habang diretso ang tingin sa kung saan ako nakatingin.

Tumango lang ako pero hindi ko alam kung nakita niya.

"Ex mo?" Tanong niya.

"Childhood mistake." Sagot ko.

"So pag naking tayo ba tawag nun 'adulting mistake'?

"Ha?" Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya.

"Kailangan ko paba ulitin?"

"Kuya may jowa ka-siya pag tripan mo."

"Paano kung wala? Pwede ba kitang pag tripan kung ganon?" Ani niya.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi ko na alam ang gagawin kaya bumalik nalang ako sa kung saan andon sila ate. Ayaw ko umasa. Alam ko namang nagbibiro lang sya.

"Ate... Si Andrew... Nandito... Ate uuwi nalang ako please..." Pinipigilan ko lang ang luha ko na pumatak sa muka ko.

"Ha? Eh wala masyadong nasasakyan sa labasan saka ayoko na iisa kalang uuwi." Pag-aalala ni Ate.

"Ate hindi ko kaya." Pumatak na sa muka ko ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"No. You will stay here. Ipakita mo sakanya na okay kana." Seryosong tugon ni ate.

Agad naman siyang umalis at nabigla ako nang lapitan ako ni Kuya Lucas.

By this time kinuha ko na ang panyong ino-offer niya ulit nang maka lapit sya saakin. Hindi ko na talaga kaya.

"I'm sorry for being insensitive kanina. I didn't know na ganon ang nangyare." Saad niya.

Alam kong kinuwento ni ate ang nangyare kaya sya may alam pero hindi ko na inisip 'to.

"Kuya, isasauli ko nalang to sayo bukas. Hayaan mo muna ako mapag-isa." Ani ko.

"You can keep it. At saka hindi kita hahayaan mag-isa dahil bilin saakin ng ate mo na huwag kita iiwan." Dipensa niya.

"Puntahan mo nalang kaya jowa mo. Nakakabadtrip ka tingnan." Sabi ko para mahiya naman sya at umalis.

"I don't have a girlfriend." Agad namang napaangat ang tingin ko sakanya.

"Binibiro kalang nila na may girlfriend ako. I know your secret." Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

"Oh, edi congrats. Pinagtutulungan niyo pala ako eh. Edi ayos." Maga na ang mata ko dahil nakita ko ito sa monitor ng cellphone ko pero parang wala atang planong tumigil ang luha ko. I-dagdag pa 'tong pinagkakatuwaan lang pala nila akong lahat.

"Sabel, you misinterpret it. Ayaw muna kitang e-pressure kasi alam ko namang hindi lang saakin iikot ang mundo mo."

"Wow big words! E sayo nanga umiikot pakialam mo ba?" Sarkastikong sabi ko.

"Can I be your boyfriend then?"

"Go." Wala nakong ibang maisip kundi ang galit at sakit. Galit dahil sa pinagkakatuwaan lang nila ako at sakit dahil sa nakita ko kanina. I want to use him para ipakita kay Andrew na naka move on na'ko!

___

10/21/23 8:07 pm

Short story dumpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon