Rinig ang ingay ng ulan na dumadaosdos papunta sa lupa at hanging pakaliwa kanan kung humaplos sa aking katawan na nagpapalamig ng paligid.
"Oh, dear. Nagluto ako ng champorado come here." Pag-aaya ni Mommy.
"Coming." Usad ko.
"Balita ko wala na raw kayo ni Anthony?" Halos mapaso ako sa champoradong kinakain ko nang biglang binanggit ni Mommy si Anthony—ang long term boyfriend ko. Highschool palang kami na till we both graduated.
"Yes, Mommy." Sabi ko sabay iwas ng tingin.
"Sayang naman at mabait pa naman sya." Sus Mommy kung alam mo lang.
"It's just that hindi talaga kami para sa isat-isa. At tsaka wag na po natin siyang pag usapan." Ayaw ko na marinig uli ang pangalan niya. Nakakasuka.
Tumango lang si mommy at tinapos ang pagkain niya sabay pumunta sa kusina. Naiwan akong nakatungatunga at malalim ang iniisip sa mesa. Hindi parin mag sink in sa utak ko na wala nasya.
Bigla akong nakarinig ng doorbell kaya naman agad itong binuksan ni mommy.
"Dear si ano..." Ani ni Mommy.
"Huh?" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan.
"Ex mo." Agad namang nanlaki ang mata ko nang makita syang basang basa at naghahabol ng hininga.
Agad na akong lumapit at iniwan kami ni Mommy.
"Blaire can we talk?" Agad niyang sabi. Kahit umuulan at nababasa sya rito ay kitang kita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
"Umalis kana nga lang." Pagtatakwil ko.
"Blaire, listen. Mali ang nakita mo. Trust me!"
"Kitang-kita na nang buong mata ko ano pabang kailangan kong makita?" Ani ko sabay sarado ng pintuan pero agad niya itong napigilan.
"Blaire, listen. Ang yumayakap saakin ay si Annalese. She's my cousin. Lumapit sya saakin para himingi ng tulong dahil abusive ang nobyo noya ngayon. It's not what you think Blaire." Halos matuyo na ang buhok niyang kanina ay basang-basa dahil sa patak ng ulan.
"Wala akong paki! Umalis kana lang!" Agad ko naman syang tinulak pero hinawakan niya lang ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako mata sa mata.
"Tignan mo ako sa mata at sabihin mo saakin na gusto mo na akong umalis at agad akong aalis." Aniya.
Hindi ako maka tingin sa kanya dahil ayaw ko naman talaga syang umalis at naiilang ako sa pangyayare. Alam ko ring naririnig kami ni mommy.
Nabigla ako nang nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap. Hindi ko napansing niyakap niya na pala ako habang nakatulala parin ako. Hindi na ako umimik at niyakap ko nalang sya nang mas mahigpit pa.
"Papunta sila Annalese dito at si Mommy para mapakilala ko sya saiyo ng pormal." Aniya.
Misunderstanding ang nangyare. Mali ko rin dahil hindi ko kinomperma muna kung sino ang babaeng iyon. Ayoko naman kasing mag mukang tanga kung mag tatanong pa ako kasi baka pagsinungalingan lang.
___
October 2023
BINABASA MO ANG
Short story dump
ContoCompilation of short stories I've made since I'm not good at completing a story lol.