Hindi napapawi ng tubig ulan sa gitna ng kadiliman ang mga luha niya habang pilit na tinatakasan ang tatlong lalaki na gusto siyang gawan ng masama. Takot na takot siya. Ang katuwaan na naramdaman niya na inakala niya na si Emre na ang kumakatok sa pintuan ay napalitan ng takot ng makita ang tatlong lalaki na basang-basa ng ulan.
Pwersahan siya pinasok ng mga ito pero dahil kay Budyo ay nakatakas siya pero labis na pagdalamhati niya ng marinig ang putok at huling iyak mula sa alaga niyang si Budyo.
"Bilisan niyo! Hindi pa yun nakakalayo! Tama nga siya! Nandito nga nakatira ang babaeng aswang! Puta! Napakaganda niya!"
Nanginginig sa lamig at takot si Sannem na nagkubli sa mga ugat na malalaki. Madilim ang paligid at maputik kaya hirap din siya makatakbo dahil maaari siyang madapa at makagawa ng ingay na pwedeng malaman ng humahabol sa kanya kung nasaan siya.
Walang deriksyon ang pagtakbo niya kaya hindi niya alam kung saan parte na siya ng kagubatan.
Nanginginig na daliri ay tinakpan niya ang mga labi upang hindi makagawa ng ingay ang pag-iyak niya.
Si budyo!
Ang kawawang alagang aso niya!
"Miss?! Lumabas ka na! Hindi mo kami matatakasan!"sigaw ng isang lalaki.
Nagtawanan ang mga ito. "Mag-eenjoy ka samin. Kaya sige na! Magpakita ka na!"sabi naman ng isa.
Nanlaki ang mga mata niya sa kaba ng marinig ang papalapit na yabag.
Bago pa man tuluyan makalapit ang mga yabag na iyun sa kinatataguan niya ay tumakbo na muli siya.
Isang liwanag ang tumama sa kanya kung kaya mas lalo siya natakot ng mabilis siyang habulin ng mga ito.
Hindi!
Emre!
Sigaw ng puso at isipan niya ang pangalan ni Emre habang nililigtas ang kanyang sarili sa kamay ng tatlong lalaki na hindi niya alam kung paano ng mga ito natunton ang kinaroroonan niya.
"Ayun siya! Bilisan niyo!"
Ang derederetso pagtakbo ni Sannem ay wala ng katiyakan pa at ang mga paa niya na walang sapin ay namalayan na lang na wala na iyun inaapakan pa hanggang sa maramdaman niya ang pagkahulog niya.
"Ugh!"
Pabalikwas na nagising si Sannem mula sa bangungot na iyun. Nakaraan na akala niya ay unti-unti na niyang nakakalimutan.
She living in that nightmare kung bakit nag-iisa na lamang siya ngayon at kung bakit wala na ang kanyang mga magulang.
Siya lang ang nakaligtas mula sa kamay ng humahabol sa kanya sa panaginip.
Pawisan na binuhay ng dalaga ang lampshade sa gilid ng kama niya.
Limang taon na ang lumipas mula ng nangyari ang bangungot na iyun.
Bumaba siya ng kama at lumapit sa wallglass kung saan tanaw ang kalawakan ng Manila.
Kababalik lang niya ng Manila mula sa Amerika ng payagan siya ng Tita Aimee niya.
Alam niyang may gusto siyang balikan sa bansang ito pagkatapos ng mapait ng nakaraan niya.
Tita Aimee is not her relative. Ito ang nagligtas sa kanya. Ito ang nakakita sa kanya na palutang-lutang sa dagat habang sakay naman ito ng yate na pag-aaari nito.
Iniyakap niya ang sarili.
There is something missing inside her. Hindi niya matukoy kung ano yun at natitiyak niyang bukod pa iyun sa mga magulang niya.
YOU ARE READING
The Hoodie Girl by CallmeAngge
RomanceEmre Elixho is a bachelor billionare businessman. Sa edad 30 ay may sarili na itong pinamamahalaan Empire. Marami babae ang naghahangad na makuha ang atensyon niya pero hindi pa siguro dumadating sa kanya ang tamang babae na pag-aalayan niya ng oras...