Nakailang beses ng pagsusuklay sa harapan ng maliit na salamin si Sannem sa kanyang mahabang buhok.
Isang tahol mula sa alagang aso na si Budyo ang nagpatanto sa dalaga.
Bakit nga pala kailangan pa niyang magsuklay o mag-ayos hindi naman iyun makikita.
Napabuntong-hininga ang dalaga sa realisasyon iyun at saka inilapag sa maliit na mesa ang suklay na hawak.
Tinitigan ang sariling mukha sa salamin. Bata pa lang siya iba na ang angkin kagandahan niya na siya pala magdadala sa kanya sa panganib noon at sa kaniyang mga magulang.
Mapait na ngumiti si Sannem. Tama lang na ikubli ang mukhang nakikita niya ngayon...habambuhay.
Isang message tone ang pumukaw sa dalaga. Agad na dinampot ang aparato saka binasa ang mensahe.
Emre : I'm here and waiting to see you.
Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Sannem. May pananabik na kaagad na dinampot niya ang kulay itim na kapa na nilabhan niya ng nakaraan gabi.
Nanuot ang amoy sa kanyang ilong ang amoy-bulaklak na bango niyun mula sa bulaklak na alaga niya na siyang ginawa niyang pinaka-fabric ng kanyang kapa. Sa tagal ng kanyang paninirahan mag-isa ay natuto siyang magdiskubre ng mga bagay-bagay gamit ang nasa paligid niya.
Ilang ulit na tahol mula kay Budyo ang nagpatawa kay Sannem. Tila ba ay mas excited ito kaysa sa kanya. Yumukod siya saka hinimas ang ibabaw ng ulo nito.
"Gustong-gusto mo na ba makita si Emre?"
Isang tahol ang sinagot nito na kinatawa niyang muli.
"Halina na. Baka naiinip na si Emre sa paghintay satin,"aniya saka lumabas na ng kubo niya.
Ito na ata ang pinakamabilis na nagawa niya sa paglalakad. Narating kaagad nila ni Budyo ang talon. Ang malakas na lagaslas ng pagbuhos ng tubig ay siyang musika sa buong paligid.
Tahimik lang sa tabi niya ang alaga.
Mula sa kinatatayuan niya ay hindi niya nakita ang lalaki. Tanging isang malaking basket ang nasa gilid ng batuhan at di kalayuan ay nakatali ang puting kabayo nito. Hinagilap ng mga mata niya ang buong paligid pero wala roon ang binata hanggang sa bigla na lamang may lumitaw na hubad na katawan ngunit nakatalikod ito mula sa kanya.
Napaawang ang mga labi ni Sannem habang nakatitig sa basang likod ng lalaki. Hinagod ng isang kamay nito ang basang buhok pababa sa batok nito.
Mabilis ang tahip ng dibdib niya at may kung anong di pamilyar na pakiramdam ang biglang gumapang sa buong katawan niya.
Sanay na siya sa init na hatid ng pagsusuot niya ng kapa pero kakaibang init ngayon ang nararamdaman niya.
Isang tahol mula kay Budyo ang kumuha ng atensyon sa lalaki na kaagad naman napalingon ito sa kinatatayuan niya kung saan na gilid ng paa niya ang alaga.
Agad na umaliwalas ang basa nitong mukha ng makita siya. Bigla siya nakaramdam ng kahihiyan ng tuluyan itong humarap sa kanya hanggang sa may beywang nito ang tubig ay lantad na lantad sa harapan niya ang malapad nitong dibdib.
Hindi man nito nakikita ang kanyang mukha na ikakahiya niya sa mga sandali iyun. Ito ang unang beses na nakakita siya ng hubad na lalaki maliban sa kanyang tatay noong bata siya at ng mga lalaking nagtatrabaho noon sa may sakahan. Ngunit iba ang lalaki nasa harapan niya. May binubuhay ito sa kaloob-looban niya na hindi naman nangyayari noon sa mga lalaki na nakikita niyang hubad-baro.
Humugot ng malalim na hininga si Sannem. Pakiramdam niya mapupugutan siya ng hininga. Kung hindi pala tumahol ang alaga niyang aso baka nakatulala lang siya rito.
YOU ARE READING
The Hoodie Girl by CallmeAngge
RomanceEmre Elixho is a bachelor billionare businessman. Sa edad 30 ay may sarili na itong pinamamahalaan Empire. Marami babae ang naghahangad na makuha ang atensyon niya pero hindi pa siguro dumadating sa kanya ang tamang babae na pag-aalayan niya ng oras...