Chapter 43

596 32 5
                                    

Subject: Sokiya McArthur
28yrs.old.
Mother's Name : Aimee McArthur, 50 yrs.old
Brother's Name: Garren McArthur,32 yr.old.
Background: They live in New Jersey,NY. Ms.Aimee owned a clothing line in New Jersey. GARREN,is a pshychiatrich doctor.

Nakatitig si Emre sa files na pinasa sa kanya ng PI through Email.

Ilan lang iyun sa nakuhang inpormasyon ng PI niya. Ayon dito ay pribadong mga tao ang mga ito lalo na isang lowkey successfull businesswoman ang ina ng mga ito kaya hindi ganun kaexposed ang buhay ng mga ito.

Pero naniniwala siya na si Sannem si Sokiya. Marahil hindi ganun kalalim ang paghahalungkat ng PI niya tungkol sa mga ito.

He know by heart. Sokiya is Sannem. Hindi sapat sa kanya ang mga nabasa kaya kailangan niya ng paraan upang malaman ang katotohanan sa katauhan ni Sokiya.

Naikuyom niya ang mga palad. Saka sinara ang laptop.

Pagkasikat ng umaga pa lang ay inabangan na niya ang report at iyun ang inuna niya bago siya lumabas ng silid niya.

Nakabandage pa rin ang kamay niya. Ngayon lang niya nararamdaman ang kirot at sakit.

Napatigil siya ng marating ang dining area at madatnan ang isang matabang babae. Isa ito sa anak ng caretaker ng mansion at naroon ito para asikasuhin sila ni Tanya habang nasa mansyon.

Kaagad na bumati ito sa kanya. "Magandang umaga ho,Sir!"

"Magandang umaga,"tugon niya.

Naghahanda ito ng pagkain sa lamesa.

Doon niya napansin na isang plato lang ang nilagay nito.

Napansin naman iyun ng matabang babae.

"Ah,Sir. Pinapasabi po ni Ma'am Tanya na nauna na po siyang lumuwas ng Manila dahil may tawag daw po sa kanya sa pinagtatrabuhan niyang ospital,"anang ng babae.

Nang marinig iyun ay saka niya naalala ang pag-uusap nila ni Tanya ng nakaraan gabi.

Komprotahan nila na nauwi na naman sa hindi pagkakaunawaan.

Dinukot niya ang celpon na nasa bulsa ng suot niyang sweat pants. Pero kaagad din binulsa ng maisipan na mainam na hayaan na muna ito at huwag muna kausapin.

Maraming beses naman na nangyari sa kanila ni Tanya ang pagkakaroon ng komprontahan pero sa huli nag-uusap pa din naman sila.

Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aalmusal ng magring ang phone niya at kaagad na sinagot iyun ng makita ang sekretaryo niya ang tumatawag na hinihintay talaga niya tawagan siya.

"Goodmorning,Sir!"

"Morning,"maiksi niyang tugon.

"May ibibilin ka ba,Sir Emre? Pasensya na hindi na tayo mag-aabot dyan pagbalik ko,"saad nito.

Ngayon araw ang pagbalik niya ng Manila kasama sana si Tanya. Ngunit dahil sa pagkikita nila ni Sokiya nagbago na ang lahat.

"Hindi muna ko babalik ng Manila. You stay there and...i take care here,"wika niya.

"Biglaan naman? Di ba sabi mo hintayin mo muna matapos ang rest house?"

"Change plan..and no more question. Give to me,Sokiya's number,"deretsahan niya sabi.

Hindi kaagad nakasagot ang kausap niya.

"Oh,Okay."

"Update me everytime first thing tomorrow when you in the office,"habilin niya.

Nang matapos ang tawag ay kaagad na natanggap niya ang forward number ni Sokiya.

He save it and name it to Sannem.

The Hoodie Girl by CallmeAnggeWhere stories live. Discover now