Friend-zoned

8 0 0
                                    

"Hindi ko talaga ma-gets eh! I was doing everything for him tapos ganon ganon lang?!" Singhal ni Karylle habang na-iyak, nasa condo kasi siya with Vice, kakatapos lang nila mag-break ng boyfriend niya. "You don't deserve him! Hayaan mo na siya, iiwanan din siya ng kinakasama niya. Karma will hit!" Sabi naman ni Vice habang hinihimashimas ang likod ni Karylle. "I still love him Vice! Hindi ko siya pwedeng hayaan nalang basta-basta!" She cried harder, naawa naman si Vice sa kaibigan at niyakap nalang ang kaibigan. "You don't deserve him Karylle, you deserve someone better" Like me, Bulong ni Vice pero hindi naman narinig ni Karylle. "Im sure, may nakatabi talaga para sayo" Dugtong pa nito, napaangat naman ang ulo ni Karylle at tumingin kay Vice. "Kung merong nakatabi para sakin, bakit wala pa siya? Sawang sawa nako sa mga ganito" Sabi naman ni Karylle, pinunasan ni Vice ang mga luha ng dalaga at tumingin ng sinseryo sa mga mata nito. "Time will come Karylle. Siguro hindi pa siya tuli or hindi pa si— Aray!!" Nahampas naman siya ni Karylle sa mukha "Nagawa mo pang magbiro." Umalis naman si Karylle sa yakap ng natatawa "Atleast napatawa kita, aminin havey yun!" Natawa naman ang dalawa.

"Ewan ko sayo Viceral, pero thank you for always being there for me." Sabi naman ni Karylle habang pinupunasan ang mga luha niya. "Love kita eh" Sagot naman ni Vice, "I love you too Vicey, thank you for being my friend". Friend, yun ang salitang naiwan sa utak ni Vice. He laughed awkwardly and agreed with Karylle. "Uwi nako Kurba, mag-iingat ka ha?" Sabi ni Vice at tumayo na. "Ikaw din, and thanks for being here. Goodnight Vicey!" Karylle pulled him and gave a peck on his cheeks. Namula naman si Vice at ikinatawa naman iyon ni Karylle.

Pagkauwi naman ni Vice sa mansion nila ay agad bumungad sakany ang kanyang nakakabatang kapatid na si, Anne na kumakain ng ice cream. "So? Did you confess na?" Sabi ni Anne at sabay subo ng ice cream, "Hindi pa" Sagot ni Vice habang tinatanggal ang sapatos niya. "Akala ko ba mag-cwocwonfwess ka nma" Sagot ni Anne habang may ice cream sa bibig at nakasunod sa kuya niya na papanik sa kuwarto, "Alam mo, ubusin mo kaya muna yang ice cream na nasa bunganga mo. Atsaka sino sabi sayo na mag-coconfess nako?" Natatawang sagot ni Vice at sumubo sa ice cream na kinakain ng kapatid. "Ikaw. Sabi mo kaya last week mag-coconfess- Kuya!!" Tampong sambit ni Anne nang kunin ni Vice ang ice cream na kinakain niya. "Oo sinabi ko na mag-coconfess ako pero di ko sinabing ngayon na." Sabi ni Vice at naupo sa couch na nasa loob ng kuwarto niya at sumubo ng malaki sa ice cream ni Anne, pagkasubo niya ay ibinalik ni Vice ang kokonting ice cream kay Anne at kinuha ang kanyang laptop. "Eh ba't di ka pa nagconfess ngayon, sige ka maagawan ka pa pag di mo pa binakuruan" Bulol na pagkasabi ni Anne, "Bina- ano?" Natatawang sambit ni Vice. "Binkauran! Ugh! Basta simething that has to do with fences!" Naiiritang sagot ni Anne at natawa naman si Vice dito. "Binakuran kasi yon, and binakuran ko naman na yon. Di ko siya basta-basta ibibigay" seryosong sagot ni Vice. "Then confess na" Pagpupimilit ni Anne sa kuya, "Pag-nagheal na siya. Mahirap mag-confess pagkakabreak lang." Sabi ni Vice, tumingin naman siya kay Anne ng seryoso, "And once na nakapagheal na siya, then i'll make my move. Mark my word Anne Curtis Viceral."






The next day Vice woke up sa ingay, dahil sa pagkaingay di na niya natiis at bumangon na. He did his rituals, saturday naman ngayon kaya wala siyang ganap sa opisina ng companya nila. He wore his plain black tee, along with shorts with socks and slippers. He got out of his room, habang baba na sana siya nakita niyang nakabukas ng slight ang pinto ng kuwarto ni Anne. Naririnig niya na sigaw ng sigaw ang mga tao sa loob, kaya pinasok nalang niya iyon.

"Anne, its 9 am at ang— Woah.." Di natuloy ang pagsasalita ni Vice nang makita niyang andun sina, Vhong, Jhong, Karylle,. Nagsi-tiningan naman sila Anne kay Vice ng gulat na gulat, "Oh kuya! I-Uh..ah.. Gising ka na pala! Goodmorning!" Uutal-utak na sabi ni Anne at tsaka tumayo para besuhin ang kuya. "Anong nangyayare? Reunion? Ba't andito kayong dalawa? Ba't andito kayo sa kuwart—." Pinigilan naman siya ni Jhong nang takpan ang bibig nito. "Daming tanong brad, aga aga daming tanong. Goodmorning sayo!" Sabi naman ni Vhong, ang bestfriend ni Vice. "Eh paano di mag-tatanong eh halos lahat kayo andito" Sagot naman ni Vice pagkatapos niyang alisin ang kamay ni Jhong. "Ang tanong din namin, ba't andito ka?" Tanong ni Jhong, na ikinuot ng mukha ni Vice, "Bahay namin to malamang. Bobo!" Bwisit na sagot ni Vice, natawa naman si Jhong. "Ano nakakatawa kingkong?" Mayabang na tanong ni Vice, "Ang hard nun ah, ang ibig kong sabihin bat andito ka sa kuwarto ni Anne." Sagot ni Jhong, napamewang naman si Vice dahil sa sinabi ni Jhong at akmang kukunin ang lampshade ni Anne at ibabato ito kay Jhong, "Kuya! Lampshade ko yan!" Sigaw ni Anne para tumigil and dalawa, "Ito kasing si boots eh, eh malamang napakaingay niyo kaya ayan chineck konkung sino sino ba yung mga nagsisigawan" Sabi ni Vice habang nilalapag ang lampshade. Dahil sa ingay nila Vice sa kuwarto ni Anne ay pinuntahan sila ng tatay nila Vice at Anne. "What is going on? Ba't andito kayong lahat?" Wika ng tatay nila Vice, umagang umaga kasi ay napakaingay nila at minsna ay nadidisturb ang tatay nila. "Goodmorning Dad" Bati ng magkapatid, "Goodmorning din po tito" bati naman nila Vhong at sabay yumuko. "Goodmorning to all of u, why are you all in my daughter's room?" taas kilay na tanong ng tatay nila Vice. isang minuto ang lumipas ngunit walang sumagot, hanggang nagsalita na si Karylle. "Uhm.. Tito.. nag-plaplan po kasi kami ng roadtrip so that's why dito po kami nag-uusap-usap." pag-eexplain ni Karylle. "Oh, yun lang naman pala. Well, i hope you all haven't ate yet, sabayan niyo nalang kami mag-pamilyang mag-breakfast. And, Mr. Viceral, after eating i want you in my office." At umalis na ang tatay nila Vice, nakahinga-hinga na silang lahat at ngayon naman ay kinakabahan si Vice dahil pag-pinapatawag siya sa opisina ng tatay niya ay may ginawa siya. inaya na ni Anne ang mga kaibigan kasama narin si Vice, na nagtataka parin at nirerevise ang mga ginawa niya.

Sa dining table naman ay umupo na silang lahat, andun nadin ang nanay nila Vice at ang panganay nilang ate na si Tina. Magkakatabi ang tatlong magkakapatid, at kaharap naman nila ang mga kaibigan nila. Nasa left na dulo ang nanay nila Vice, at sa right na dulo naman ang tatay nila Vice. Kumain na sila at walang gustong magsalita, puro tunog lamang ng utensils, Hanggang sa nagsalita si Anne. "Uh.. Dad?" napatigil naman ng pagkain ang tatay nila Vice at tumingin kay Anne, giving her a sign to continue. "Pwede ba kaming mag-overnight? Sa Batanes?" Nahihiyang tanong ni Anne, hindi naman kaagad sumagot ang daddy nila at napabuntong hininga nalang si Anne. "Sino-sino kayo my dear?" Nagsalita narin sa wakas ang daddy nila Anne. Nanlaki naman ang mga mata ni Anne at na-excite. "Uh-Uhm.. Me, Kuya, Vhong,Jhong and Karylle." Anne said habang pinagtuturo ang mga taong nabanggit niya. Tumingin muli si Anne sa tatay niya na busy kumakain, "Okay sweetie. How many days kayo doon?" a smile formed at Anne's face at tumayo para yakapin ang daddy niya. "Thank you Dad!! Well maybe baka 6 days or we do-.", "Make it a week" Singit ni Vice. Tinignan naman ng lahat ang daddy nila Vice at nag nod naman ito. "Yes!" sabay na sabi ng magkapatid at nag-highfive. Natawa naman ang Ate Tina nila sa dalawang bunso.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta na si Vice sa opisina ng daddy niya, habang sina Anne naman ay nasa movie theater nanonood. Pagkapasok niya sa office ng daddy niya ay nakita niyang busy ito nagsusulat, umupo na siya sa couch na nasa harap ng desk at kinakabahan. A silence was formed for minutes not until nagtanong ang daddy ni Vice, "Son, bakla ka ba?" Vice's eyes widen when he heard that question. "What?! No! Bakit mo naman na tanong if i am gay?! May bakla bang laging nakikipag-halikan sa babae sa club?" Sagot ni Vice. "Relax Viceral, Tintanong lang naman. Kasi napapansin ko your liking pink, from your hair to your-.", "Im doing it for someone." Di na pinahpatuloy ni Vice ang kanyang daddy sa pagsasalita, maconfused naman and daddy niya. "What I mean is, ginagawa ko to for someone. It all started nung sa birthday ni Anne. I was dared to dye my hair pink" Mahinhin na sagot ni Vice, "And for who exactly." Tanong ng daddy ni Vice, "For Karylle.".

"Guys, I got to go na. Nag-text kasi si Zia na she needs help in decorating the house for her party later" Pagpaalam ni Karylle. Tumango nalang sina Anne at bumeso na kay Karylle. Pagkalabas ni Karylle sa movie theater ay nakasalubong niya si Vice. "San punta?" Tanong ni Vice. "Oh, Uuwi na. Zia said she needs help for her party mamaya eh." Sagot ni Karylle habang inaayos ang sapatos niya. "Okay, can i help too?" Masayang tanong ni Vice, binigyan naman siya ni Karylle ng confused na look. "Why would you want to help? We can manage naman na, so no need na friend." Sabi ni Karylle at pinat ang ulo ni Vice. Naiwan namang nakatulala si Vice dahil na friendzoned nanaman siya, "A-Ah sige." Tipid na sagot ni Vice. "I got to go na, basta before 6pm yung party ha? Bye Vice!" At umalis na si Karylle. Di na siya nakapag-bye manlang

"Mukhang na friendzoned ka dun ah" Natatawang sambit ni Vhong, lumingon naman si Vice at nakita na natatawa sina Anne,Vhong at Jhong dahil sa reaction ni Vice. "Whatever pango, lets watch nalang nga!" Inirapan ni Vice si Vhong at nauna na sa movie theater.

-*-*-*-*-*-*-*-

Hello po! So may changes po dun sa prologue sa first part. Thats all thank you!!

WishWhere stories live. Discover now