Chapter 1: Truth or Dare?

2.3K 26 6
                                    

NAGSIMULA ANG LAHAT sa isang dare.

Isang dare na siyang nagbuklod sa aming dalawa ni Achilles (Aki).

Ako nga pala si Berg, at least iyon na ang nakasanayan nilang itawag sa akin pero ang totoong pangalan ko ay Benedict. John Benedict. Kayo na ang bahalang mag-isip kung saan nila nakuha ang Berg sa pangalan ko.

Final week na noon ng klase, nagpa-inom ang mga graduating boarders sa aming boarding house. Dahil last day na nila ay minabuti nilang gawing memorable ang huling stay nila sa boarding house kung saan sila tumira ng halos apat na taon.

Pinayagan naman kami ng aming landlord na mag-inuman ngunit sa isang kondisyon, once na naka-inom na kami ay bawal nang lumabas. Pumayag naman ang mga kasama ko.

Siyam kami sa boarding house. May dalawang kuwarto sa second floor, isa naman sa ibaba. Ako at si Russel ang nagbo-board sa kuwarto sa first floor. Si Russel ay isang bading, ang natatanging bading sa boarding house. Iyon ang alam nilang lahat. Alam ko sa sarili ko na isa akong bading ngunit wala akong balak na iladlad ang sarili ko. Sa awa ng Diyos ay sa tatlong taong pamamalagi ko sa boarding house namin ay hindi naman nila napansin ang pagiging beki ko. Maliban na lang kay Russel na malakas ang “gaydar”.

Una pa lang daw naming pagkikita ay naamoy na niya ako kaagad. Naki-usap naman ako sa kaniya na i-sikreto nalang namin ang lahat. Mabuti na lang at napakiusapan ko siya kaya hanggang sa ngayon ay wala pang nakaka-alam sa sikreto naming dalawa.

Sa itaas naman, sa unang kuwarto nagbo-board si Cyrus na isa sa mga graduating na nagpainom sa amin, roommate niya sina Aki at Eco. Sa kabilang kuwarto naman sina Kelvin, Aris, Lee at Joseph na katulad ni Cyrus ay ga-graduate na rin. Tanging kami na lang nila Aki, Eco at Russel ang matitira para sa susunod na semester.

Mabalik tayo sa kuwento ko, nang gabing iyon, doon nag-iba ang pagsasama naming dalawa ni Aki. Si Aki ang maituturing kong pinaka-close friend ko sa boarding house. Bestfriend kung baga.

Siya ang may pinaka-matipunong katawan sa aming lahat. Of course alam ko dahil palagi siyang half-naked sa boarding house. Wala siyang dapat itago kasi maganda naman ang katawan niya, palagi siyang nagwo-work out sa gym kaya maganda ang hubog ng katawan nito. Bukod sa pagkakaroon ng gandang lalaki nito ay matalino din siya, sa katunayan ay isa siyang Dean’s Lister kaya sa eskwelahan ay marami talagang humahanga sa kaniya.

Pero gayunpaman ay wala akong gusto noon sa kaniya, kahit guwapo siya at sexy ay never ko siyang pinagpantasyahan ngunit dahil sa isang dare ay naiba ang lahat. Ang dare na iyon ang bumuhay sa kung ano ang totoong nararamdaman ko sa kaniya.

Dalawang case ng Red Horse ang binili nila Kelvin. Treat daw nila iyon para sa amin.

“Hay naku, kung magti-treat na lang din naman kayo edi sana bumili na lang kayo ng pizza or kahit fries man lang sana ng McDo.” Reklamo ni Russel habang nag-aayos ng gamit. Natapos na kasi nito ang lahat ng requirements niya sa school kaya ready na siyang umuwi.

“Kung bibili ba ako ng pizza, hindi ka pa uuwi?” Tanong Cyrus sabay labas ng kaniyang wallet.

Playmates in Bed (Shelved)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon