I'm cold as ice, but when I'm with you. I'll melt. -Ares Storm De Mevius.
XARIA AGATA HERNANDEZ.
"I'm sorry to break this news to you Ms. Hernandez, pero ubos na ang savings mo sa bangko."
May halong pagkadismayang balita ni Attorney Perez habang matamang nakatingin saakin.
Halos mabingi ako sa narinig at napatulala nalang sa kanya. Pagkuwan ay tumawa ako ng malakas at napailing-iling, habang nakatingin naman ito sa akin na para bang nasisiraan na ako ng bait. But I didn't mind. Patawa ang isang 'to!
"Sure ka na d'yan Attorney? 'Wag mo nga akong ene-echos." Patuloy na pag hagikhik ko di'to. He just stared at me and sighed afterwards.
"You don't have a choice kundi ibenta nalang itong mansyon n'yo. Since I'm your father's friend, I can help you find a buyer Xaria. Marami akong ka kila-"
Hindi na n'ya natapos ang sasabihin dahil pinutol ko agad ito.
"No, hindi ko ibebenta ang bahay."
Mariin ang bawat salita na tugon ko sa kan'ya, nawala ang ngiti na pilit kong pinapakita at napalitan agad ito ng seryosong tingin.
There's no way in hell I would sell our house! Magkamatayan man, pero hinding-hindi ko ibebenta ang bahay namin. It holds very special memories in my heart.
Ito nalang ang meron ako.
Napabuntong-hininga ulit si Attorney sa naging sagot ko. Inaasahan n'ya na sigurong ito ang magiging sagot ko sa kan'ya, pero hindi ko ito pinansin at sa halip ay mas pinaseryoso ko ang mukha.
"It's up to you Xaria, but may I remind you na may utang pa si Romeo sa bangko, hija. At kung hindi mo ito mababayaran agad ay itong bahay na ito ang kukunin bilang kabayaran."
Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa naging sagot n'ya. Nanghihina akong napabuntong hininga at pinigilan ang sariling umiyak sa harapan nito.
Huwag na huwag kang iiyak Xaria Agata! You're better than this! Don't you ever fucking cry!
Malungkot naman akong tinignan ni Attorney Perez.
"You have to decide quickly, hija. Sa susunod na linggo ay babalik ako dito upang kausapin ka ulit, at kung sakaling maibenta mo man itong bahay ay may matitira pang pera para saiyo. So think wisely." Anito at tumayo.
Napayuko na lamang ako at hindi na nagawang e hatid si Attorney sa labas. Tila nawalan na ako ng ganang tumayo at ihatid pa ito hanggang gate ng bahay.
Nang maramdaman kong nakaalis na ito ay saka ako tumingala at napatitig sa buong bahay.
Noon ay sobrang aliwalas nito at punong-puno ng sigla ang buong paligid. Nakikita ko pa ang sarili ko kasama ang Mama at Papa ko'ng naghaharutan dito sa sala.
Pero ngayon ay sobrang tahimik na ng mansyon na ito, at bakas ang sobrang kalungkutan.
Napabaling ako sa itaas ng bahay kung saan nandoon ang mga kwarto namin.
I remembered my younger self every time it rained hard, tumatakbo ako patungo sa kwato nila Mama at sumisiksik sa gitna nila dahil takot ako sa kulog at kidlat.
YOU ARE READING
His Whore
RomanceShe's deprived of everything. He have everything in this world. She's like a fire, enough to light the way and burn anything attempting to stop her. While he's cold as ice, and hard as rock. She's a bitch. He's an ass. Are they going to make it? Or...