KABANATA 2

12 1 0
                                    

XARIA AGATA HERNANDEZ.

Tunay ngang mapag biro ang tadhana, dahil kahit anong gawin kong pagsusumikap para makabangon ay pinipilit din naman akong hinihila nito pababa.

Alas-dose na ng madaling araw nang naka uwi ako ng bahay. Sobrang nakakapagod ang araw ko ngayon. Ang daming kailangan gawin sa school at lalo na sa trabaho. Nananakit na ang buong katawan ko ngunit hindi ko ito pinansin. Dumeretso ako sa kusina, nagugutom ako pero hindi parin pala ako nakakapag-grocery. Sobrang pagod na rin ako para mag abala pang kumain. Ang gusto ko nalang ngayon ay matulog at mag pahinga.

Uminom nalang ako ng maraming basong tubig at dumeretso sa kwarto ko. Which is kwarto ng mga magulang ko. Simula nong mawala sila ay dito na ako natutulog, namimiss ko kase sila.

Ramdam na ramdam ko ang pagod ko at parang tinatawag na ako ng kama ko na mahiga at matulog, pero naalala kong marami pa pala akong tatapusing homeworks at hindi ko ito dapat ipag pa-bukas.

Ito ang nagagawa ng isang working student na gaya ko. Kahit bogbog sarado na ang katawan sa kakatrabaho, kailangan ko parin mag aral upang makapag tapos. Hindi naman siguro habang buhay ay ganito lang ako at walang matinong trabaho. Sa ngayon ay ito muna, mag titiis muna ako para sa bahay namin.

Pilit kong binabalewala ang mga sinasabi saakin ni Attorney, sa pag-asang mababayaran ko rin ang utang ni Papa sa kakarampot na kinikita ko sa trabaho.

Kahit alam kong imposible, hindi parin ako nawawalan ng pag asa dahil itong bahay nalang ang pinagkukunan ko ng lakas.

Kung ano-anong raket na ang pinapasukan ko upang maka-ipon. Halos hindi na ako kumakain, at hindi ko na ata alam ang salitang pahinga dahil todo kayod ako ma umaga man at gabi. Para sa lahat ng bayarin sa bahay, sa school, at sa pang araw-araw kong gastusin.

Pinagkakasya ko nalang ang pera ko at ibang klaseng pag gigipit sa sarili na ang ginagawa ko. Ganito ako ka desperada, mas gugustuhin ko pang magutom kaysa mawala itong bahay.

Hindi ko na kase alam ang gagawin ko kung pati itong bahay ay mawala saakin.

Wala din naman akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko nalang. Kahit pagod na pagod na'ko at umaayaw na rin ng katawan ko ay pilit pa rin akong nag tatrabaho. Walang oras para sa pahinga. Kailangan kong makaipon. Iyan ang palaging sinisiksik ko sa utak ko.

Minsan gusto ko na nga lang wakasan ang buhay ko upang makapag pahinga na'ko. Ngunit sa tuwing naiisip ko ang taong sumira sa buhay namin ay mas tumitibay ako at nagkakaroon ng insipirasyon para mag patuloy, at para lumaban.

Magbabayad pa sya sa lahat ng kahayupang ginawa nya sa pamilya ko!

Pinikit ko ang mga mata ko ng mariin nang nakaramdam ako ng antok. I sighed and finished my assignments.

Sabado bukas at walang pasok, pero may trabaho ako sa isang laundry shop. Part time ko ulit. Humiga agad ako sa kama at natulog nang matapos ako sa ginagawa ko.

__

Nagising ako nang maka rinig ako ng malakas at sunod-sunod na doorbell sa baba.
May tao ba? Tumingin ako sa alarm clock ko na nasa gilid ng kama ko at nakitang alas siyete na ng umaga.

I lazily get up from the bed and went downstairs para pag buksan ang kung sinong istorbo na nag do-door bell.

"Sino ho sila?"

Bungad ko sa lalaking naka tayo sa labas ng bahay.

"Ikaw ba si Ms. Hernandez?" Tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko at tumingin sa likod n'ya, may dalawa pa itong lalaking kasama.

"Oo, ako nga. Bakit? Anong hong kailangan nila?"

Binalik ko ang paningin sa lalaking na'sa harapan ko. Tingin ko ay na'sa trenta anyos na ito pataas.

His WhoreWhere stories live. Discover now