[1] END

1 0 0
                                    


Date Finished: April 12, 2020

Status: Finished

This story was done during my Art Appreciation class as a final output. Heavily inspired by "Saan Kami Pupunta?" by ruerukun. I recommend you reading the story! I will never forget how that story made me feel like I was transported to that world. Still waiting for the sequel after all these years.

***

Petsa'y ika-tatlo ng Pebrero. Pagkatapos magpasa ni Samuel ng kanyang sinulat na obra para sa screening ng patimpalak sa pagsusulat ng kanilang paaralan, balak niyang pumunta ng plaza para bumili ng bulaklak. Inasar-asar pa siya ng kanyang mga kaibigan.

"Para kay Shaira? Ayaw pang aminin!" Sabi ni Levi, isa sa mga katropa niya.

"Kapag wala kayong nakitang bulaklak sakin bukas, anong gagawin ko sa inyo?", panunuya ni Samuel. "Sabihin ko..." sabay tingin kay Frans, isa pa niyang katropa, "...na may gusto ka kay—"

"Hoy! Huwag mong subukan." sabi ni Frans, habang ginagaya ang pagsasalita ni Presidente Duterte na nagmistulang meme. "Para kanino nga kasi yung bulakla—"

"Sa nanay ko nga! May trabaho si mama buong araw bukas kaya walang time para magcelebrate ng Valentines!" Isa-isa niyang tinignan ang kanyang mga kaibigan na mukhang natauhan sa kanilang pang-aasar. "Mga malilisyoso mga isip niyo, pare-parehas naman kayong torpe. Hayskul na kayo aba!" aniya. Ako naman ang mang-aasar, hahaha.

"Hoy! Grabe ka makasalita!"

"Ingat! Maghugas kayo ng kamay! Kalusugan muna bago landi! Una na ako!" Nagpaalam siya sa dalawa pagkatapos ay binelatan sila, tsaka siya naglagay ng face mask. Ilang araw na ring naglalagay ng mga malalaking alkohol ang kanilang paaralan sa estasyon ng sekyu sa labasan nang mabalitaang marami na ang mga persons under investigation ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya pinaigting nila ang seguridad at kalinisan.

Nagtungo siya sa plaza upang dumaan sa mga flower vendors sa tabi-tabi. Ramdam pa rin ang esensiya ng Valentines day sa kabila ng pagkabahala sa COVID-19. Marami-rami din ang mga taong nakamask na iba't-ibang klase't kulay, may iilan na naka-N95 mask na maaaring ginamit noong pagputok ng bulkang Taal. Naalala niya na muntikan nang hikain ang nakababata niyang kapatid dahil sa amoy ng abo sa labas ng kanilang bahay.

"Iho?"

"Ay!" Nagising ang kanyang diwa nang tapikin siya ng tindera ng bulaklak sa harapan niya.

"200 pesos iho." Sabi ng tindera. Isa itong maliit na balot ng bulaklak na naglalaman ng sunflower at mangilan-ilang gerbera.

Napakamot sa ulo si Samuel. "... Wala na po bang bawas?"

Napairap ang tindera't tumingin sa kanya, ngunit unti-unting lumambot ang kanyang mukha't sinabi, "Sige. 180 pesos nalang. Mukhang estudyante ka pa naman." Sabay masid niya sa uniporme ni Samuel.

"Salamat po!" Nang makabayad siya sa tindera ng bulaklak ay dumeretso siya sa mini mart upang bumili ng tsokolate at donuts na rin para sa kanyang nakababatang kapatid. Kulang na ba ang allowance ko? Tanong niya sa sarili. Inipon niya ang kanyang baon para gastusin sa Valentines day. May matitira pang 40 pesos sa pitaka niya, sobra pa para sa pamasahe pag-uwi. Tumingin siya sa kanyang relo. 5:30 na pala. Kaya naman ay dali-dali siyang pumila sa cashier upang magbayad.

Nang biglang...

BANG!

"Lumilindol!" Nagpanic ang mga tao nang biglang bumulagta ang malakas na pagyanig. Pagsusumamo't pag-iyak ay humahalo sa dagundong ng delubyo.

Sa Loob ng Kulungan ng Sindak (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon