simula

240 18 10
                                    

WORK OF FICTION: NOT RELATED TO ANIME/MANGA, THIS IS MY OWN STORY!!

*****

*****

SYNOPSIS

Tatlong buwan nag pahinga si sakuragi dahil sa tinamo nitong injury sa likod dahil sa laban nila sa sannoh, kasalukuyan itong nasa rehabilitation center nagpapagaling, sa tatlong buwan na iyon hindi na isip ng mga kasamahan nito sa team na kamustahin si sakuragi dahil si haruko naman ang nag babalita sa kanila na okay lang ito. But after three months, bigla nalang nawala na parang bula si sakuragi at walang nakakaalam kung saan ito pumunta.

Makalipas ang dalawang taon, muling nag babalik si hanamichi sakuragi sa shohoku high para bawiin ang pagkatalong naranasan sa laban ng aiwa gakuin. And that would've be hanamichi sakuragi the unbeatable genius.

*****

SIMULA

   "That was crazy, paano nasira ang team natin dahil lang sa pagkatalo sa aiwa? Hindi ba obvious na lahat tayo pagod na pagod matapos ang laban sa sannoh? Bakit ganon ang pag iisip nila? Tapos isisisi nila kay sakuragi, eh siya ang dahilan kung bakit nanalo tayo laban sa sannoh e. Sannoh is unbeatable here in tokyo, pero natalo natin sila.. and that's how amazing sakuragi is." Pag pahayag ni miyagi sa proud na tono, nalaman kasi nila matapos ang laban sa aiwa gakuin na wala raw silang kagana gana sa laban nila, hindi nila nagawang talunin pero natalo nila ang sannoh.

Naisama pa sa usapan si sakuragi na isinugod na sa  hospital during the game of aiwa gakuin and shohoku third game at para matignan na rin pero napaka walang kwenta ng pag iisip na meron ang mga tao sa mga oras na iyon para isisi pa kay sakuragi ang pagkatalo ng shohoku. Sakuragi almost sacrifice himself just to win the game even if he got injured.

"Yun na nga mismo ang kinagagalit ko, kahit ilang beses ko nang sinabi sa interview kanina ang nangyari ay paulit ulit parin itinatanong iyon na parang sirang plaka." Nagkaroon kasi ang shohoku nang interview kanina at lahat ng mga issue ay napansin na nila during the third round game kaya nagtatanong sila kahit walang alam sa nangyari.

"Tama na yan, kahit naman magalit kayo dyan, tapos na ang lahat. Makakabuti rin sana kung hindi ito makakaabot kay sakuragi, knowing him. Baka isisisi na naman non sa sarili ang nangyari, naalala ko tuloy iyong Laban natin sa kainan noon, nung nag kamali siya nang pagpasa, sobrang sinisi niya ang sarili niya dahil doon. At ayoko nang mangyari pa ulit iyon." Ani akagi sa seryosong boses habang tinitignan ang bawat member. Tumango ang mga ito bago bumuntong hininga.

"Imposibleng hindi niya malaman, sa lawak nang news dito sa tokyo alam kong alam niya na ang tungkol dito. Siya pa naman pinakahighlight." Ani kogure na inayos pa ang salamin sa mata

"At kahit ganon pa man ang mangyari, normal parin kayong makipag usap sakanya na parang hindi big deal para sainyo ang nangyari at wag niyong pangungunahan." Pag papaalalang ani akagi sa seryosong paraan ng tono. Naiintindihan naman nang lahat kaya hindi nalang sila nakipag talk, ang mahalaga lang naman ngayon ay matapos ang issue na kinahaharap ng team nila dahil sa pag aakusa ng mga audience sa laban nila.

Ang mga manunuod mismo ang nag lalagay sa kinasasaglakan ng team shohoku, sa mga salita nila nadidiin sila at sinasabing nagiging pabaya na sila. Ang naaapektuhan nang sobra ay si sakuragi nasa hospital ngayon na parang hindi nila nakita na nainjury ito during their game.

"Tama si gore, mas mabuting wag na nating isipin ang mga sinasabi nila. Alam naman natin kung ano iyong nagawa ni sakuragi para sa team natin, iyon ang mahalaga." Panayam na saad ni mitsui, tinap pa nito ang braso ni miyagi at kogure.

"O siya, tama na yan. Mag asikaso na kayo at mamaya ay aalis na tayo, babalik na tayo ng kanagawa at muling mag eensayo para mas lumakas pa. Walang ni isang mag rereklamo? Naiintindihan niyo ba?" Ani akagi sa seryosong boses, napalunok naman sa takot ang mga ito bago walang hesitation na tumango, tumalikod ang mga ito at dali daling tinungo ang kani kanilang kwarto.

The Unbeatable genius |hanamichi sakuragi's story|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon