chapter 2

119 11 6
                                    


CHAPTER 2

"Sakuragi? Mabuti naman at nakita na rin kita, kanina pa kita hinahanap e." Bungad ng nurse kay sakuragi, napakunot noo si sakuragi sa nurse na kaharap.

"Bakit po? May kailangan ba kayo sakin?" Tanong ni sakuragi, umiling naman sakanya ang nurse subalit may kinuha ito sa bulsa ng white uniform nitong pang nurse. May hawak itong papel kaya napakunot lalo ang noo ni sakuragi sa pag tataka.

"Ate nurse, gusto mo bang kunin number ko? Pasensya na, may nag mamay ari na ng puso k--." Ngumiwi ang nurse sa sinabi ni sakuragi bago natawa.

"Haha! Hindi, may nag abot sakin kanina na mailman, sinabi na para sayo raw itong sulat, galing pa raw ito sa kanagawa e." Inabot naman ng nurse ang sulat kay sakuragi, nang makaalis ang nurse pinagmasdan muna ni sakuragi ang hawak hawak na sulat bago naglakad patungong kwarto niya.

"Sino naman kaya ang magtatangkang sumulat sakin?" Tanong ni sakuragi sa kanyang sarili. Nang makarating siya sa kanyang kwarto, agad siyang tumungo sa kama at naupo doon.

Binuksan niya na ang puting sobre bago kinuha ang papel na nasa loob, kulay pink iyon at agad na pumailanlang ang bango na nanggagaling doon.

Nang buklatin ni sakuragi, automatic na napalaki ang kanyang mata sa gulat, naramdaman niya rin ang pagbilis ng tibok nang kanyang puso.

"Hakuro my loves." Bulalas na ani sakuragi bago sinimulang basahin ang liham.

LETTER

        Hi, sakuragi! Si haruko ito. Kamusta kana? Pasensya na kung hindi kami nakakadalaw sayo, busy na rin kasi ang lahat sa pag hahanda para sa spring tournament. Alam mo ba, araw araw ka nilang tinatanong kay coach anzai kung kamusta kana, nagrequest sila sakin na sulatan ka para ipaalam sayo na namimiss ka na nila. Mag pagaling ka nang husto at nang makauwi kana dito para makasama ka rin sa pag eensayo ng buong team.

                                                        - HARUKO

Tiniklop ni sakuragi ang papel na hawak bago ito inilapag sa table, bigla siyang nahiya nang maalala ang mga sinabi niya sa mga kateam. Buong akala niya kasi'y hindi na siya naalala ng mga ito at isinisisi din sa nangyari laban sa aichi ngunit kabaliktaran pala ang iniisip nito sa totoong dahilan.

Nakaramdam ng lungkot si sakuragi nang maalalang nag eensayo na ang mga ito para sa spring tournament, samantalang nandito siya sa hospital nag papagaling parin walong araw na rin kasi siyang nandito ni wala pa nga siyang isang buwan pero gustong gusto niya nang umuwi.

Napapaisip din si sakuragi bigla, kung sakaling umuwi siya sa kanagawa, may uuwian pa ba siya? I mean, meron siyang mauuwian pero ang makita siya ni coach anzai na bumalik doon at hindi sinunod ang gusto nito at tiyak na ikinakabahala ni sakuragi.

Gusto niya rin kasing mapabilang sa pag eensayo ng mga kateam niya. Ngunit imposible na para sakanyang gawin pa iyon, mukhang wala na rin naman siyang choice kundi ang sundin na lamang ang nais ng kanyang coach.

Naisambit niya na rin sa team toyotama na kabilang na rin siya sa okinawa high, malalim na lamang napa buntong hininga si sakuragi. At naisipang sulatan na rin si haruko at ipaalam ang buong kalagayan niya sa hospital, except lamang doon sa pinag usapan nila ni coach anzai tungkol sa dalawang taong pag eensayo niya kasama ang okinawa high.

"Para sa team shohoku, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para kami naman ang maging numero uno sa buong japan." Ani sakuragi sakanyang sarili

KAGANAWA, SHOHOKU GYMNASIUM (court)

The Unbeatable genius |hanamichi sakuragi's story|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon