Prologue
"Life is stressful. Show trust, respect one another, and communicate with love. Trials can bring you up higher than you think."
Kanina pa ako basa ng basa ng mga qoutes na tungkol usa mga pagsubok. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para magbasa ng mga ito.
"Ysabelle, paki-bili na muna nga ako ng mga rekado sa lulutuin ko para sa hapunan natin."
Lumabas na 'ko ng kwarto ko at nagpunta sa kusina na kung saan naroon ang aking ina. Nadatnan ko siya na may sinusulat sa papel, nang matapos siyang magsulat, inabot niya sakin ang 1/4 na kapiraso ng papel. Nakasulat doon ang mga kailangan na bilhin ko.
"Ayan ang mga bibilhin mo. Nakasulat na lahat diyan ang mga kailangan ko kaya dapat ay wala kang dapat kalimutan."
"Opo, Inay." Ngumiti ako sakanya bago ako nagtungo palabas ng bahay.
Wala ng ibang mauutusan ang nanay ko ngayon kundi ako lang. Ako ang panganay sa aming magkakapatid at iyong dalawa ay parehong nasa eskwelahan nila. Samantalang ang pasok ko naman ay sa susunod pa na linggo. Hindi naman kami mayaman para kumuha ng katulong pero hinsi din kami mahirap. Sakto lang. Hindi kami gaanong nahihirapan sapagkat buwan-buwan namang nagpapadala ang itay ko galing sa ibang bansa.
Inayos ko ang buhok ko ng nasilayan ko na ang palengke. Hindi tulad ng mga nakaraang araw ay mukhang mas madaming tao ngayon. Ngumiti ako sa kawalan at binilisan ko pa ang paglalakad ko.
Tatawid na sana ako para makapunta sa kabilang bahagi ng daan ng biglang may bumusina na sasakyan sa gilid ko.
Itinabi niya ito sa isang gilid at maangas na bumaba sakanyang kotse. "Hoy, miss, hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo? Anong satingin mo dito? Isang daan sa paraiso at dadaan ka nalang basta-basta? Palengke 'to, madaming sasakyan."
Napayuko ako ng maramdaman kong madaming mamimili sa palengke na napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa banda namin.
"Pasensya na po." Sabi ko sa mahinang boses at napakagat ako sa ilalim na labi ko.
Ni minsan hindi pa 'ko napahiya ng ganito.
"Well, it's fine. It's just that ayoko pang makasagasa ninuman kaya ganoon. Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo."
Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. Maganda ang mga mata nito at tila bang ginawa ang mga iyon pra sakanya talaga. Matangos din ang ilong nito, pointed na pointed. Ang kanyang pulang labi na tila nang-aakit para halikan ito. Kitang-kita din ang kayang adam's apple sa kanyang leeg. Para siyang diyos na bumaba mula sa langit. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagwapong ginoo sa buong buhay ko.
"Uhmm, miss?"
Nabalik ako sa huwisyo ko ng ulit siyang nagsalita.
"A-ah. Salamat."
Pagkatapos kong magpasalamat sakanya ay agad na 'kong lumipat sa kabilang bahagi ng daan. Nagbuga ako ng malalim na hininga.
Hindi pa ako nakakalayo ay nadinig ko ulit ang kanyang boses, tinatawag ako.
"Miss!"
"Hey!"
"Miss!"
Tumigil ako sa kakalakad at pumikit ng mariin bago muling humarap sakanya.
Laking gulat ko dahil andito na agad siya malapit sakin. "B-bakit?"
"A-ahh.. Can I have your name?"