Chapter 2
Kumuha ako ng limang pinggan at nilagay iyon sa mesa kung saan ay andon na nakahapag ang pagkain. Bawat plato ay binigyan ko ng tig-isang kutsara't tinidor. Napahawak ako sa bawyang ko at tinignan ang kabuuan ng mesa.
Nadatnan ko sa sala si Ysaac na nakatingin sa cellphone niya. Tumikhim ako na siyang kumuha ng atensiyon niya. "Kain na." Pag-anyaya ko sakanya. Tumango ito at tumayo.
Naglakad ako sa kwarto ni Ynah at kinatok ang pinto nito. "Ynah, kain na." Pinihit ko ang seradura ng pinto at marahang binuksan ito. Nakita ko itong sinusuklayan ang mahaba at bagsak nitong buhok.
Pumasok ako at kinuha sakanya ang suklay at ako mismo ang nagsuklay ng buhok niya habang tinitignan ang imahe namin sa salamin sa harap. Nang matapos ko itong suklayan ay inaya ko ulit 'tong kumain. Tumango naman ito.
Nauna akong lumabas at pupuntahan sana si Yvan sa kabilang kwarto nang mapansin kong naglalakad na pala ito papuntang kusina kaya naglakad nalang din ako papuntang kusina.
Umupo ako sa tabi ni Ysaac at sa harap ko naman ay si Yvan at si Ynah na katabi niya na kaharap si Ysaac. Sa gitna naman ay si Inay.
Mapayapa kaming kumain at itong si Ysaac ay kumuha pa ng panibagong kanin sa pinggan nito. Mukhang nasasarapan siya sa luto ni Inay. Napangiti ako. Kahit sinong bisita namin ay nasasarapan sa luto ni Inay dahil sa masarap itong magluto. Marahil ay namana ni Inay ang kahusayan sa pagluluto kay loli. Ang sabi niya ay noong maliit palamang siya ay pinapanood na niya si Lola kung paano ito magluto dahil sa paglaki daw niya ay gusto din daw niyang matututong magluto ng masarap na pagkain.
"Ijo, pakabusog ka ha?"
Masayang sabi ni Inay noong nakitang kumuha pa ng kanin si Ysaac. Nagawi ng paningin ko si Ynah na ngayon ay nagniningning ang mata sa kakatitig kay Ysaac.
Ynah probably like Ysaac. Napangiwi nalang ako sa inisip ko. Hindi naman sa ayaw ko si Ysaac na magustuhan ng kapatid ko kundi dahil sa estado namin sa buhay. Mayaman sila, di kami katulad nila. Ayokong dumating iyong araw na kamuhian ng magulang ni Ysaac si Ynah dahil hindi namin sila kauri at isipin na pera lang ang habol niya sa anak nila.
"Tita, thankyou po sa dinner. Sobrang nasarapan po 'ko."
Magalang na bati ni Ysaac noong nasa labas na siya ng bahay. "Naku, wala iyon, ijo. Kung gusto mo, kain ka ulit dito bukas. Welcome na welcome ka."
Tuwang-tuwa naman si Ysaac sa sinabi ng aking Ina. Si Ynah naman ay makikita mo sa mata niya ang kasayahan. "Inay-"
Hindi ako pinatapos ni Ynah sa pagtatanggi ng bigla siyang magsalita. "Oo nga kuya. Balik ka ulit dito bukas. Magluluto ulit si Inay."
Napailing nalang ako sa aking isipan.
"Really po?"
"Oo naman, ijo."
"Ayaw po 'ata ni Ysabelle eh."
Napatingin lahat sila sakin. Tinignan ko naman si Ysaac na pinagtataasan ako ng kilay tsaka ngumiwi. Ano bang ginagawa niya? Pinagmumukha niya akong masama sa harap ng pamilya ko!
"Ayos lang sayo iyon diba Ate?" Tanong sakin ni Ynah.
"Oo naman!" Nagkunwari pakong tumawa para pagtakpan ang sinabi ni Ysaac at binaling muli ang tingin sakanya. "Ayos lang sakin. Ano bang pinagsasabi mo?"
Ngumisi ito. "Oh. I thought you were against."
Umiling ako ng ilang beses. "Hindi ah. Okay lang talaga sakin."