Chapter 1
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na agad kami sa bahay. Buti nalang at mabilis lang at mawawala na din sa paningin ko itong si Ysaac.
"Salamat."
Pasasalamat ko sakanya bago bumaba ng kotse. Mabilis kong sinara iyong pinto ng kotse niya tsaka naglakad na papasok ng bahay namin.
"Wait!"
Tumigil ako sa kakalad at humarap sakanya, "Bakit po?"
"Can I have your number?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Anong dahilan at gusto niyang makuha ang numero ko?
"A-ahh. Hindi pwed--"
"Oops, you can't say no."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ba't hindi ako pwedeng humindi?
Itatanong ko sana sakanya kung bakit ng biglang bumukas ang pinto sa likod ko. Si Inay.
"Oh, anak. Andyan kana pala. Kanina pa kita hinihin--"
Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil napatingin ito kay Ysaac na ngayon ay nakalabas na sakanyang sasakyan. Bigla akong kinabahan dahil sa tingin na binigay sakin ni Inay. Ang mga mata niya ay tila ba'y nagtatanong kung sino itong lalaking nakikita niya.
"Ahh. Inay, si Ysaac po.." Napatingin ako kay Ysaac na para bang naghihintay sa susunod kong sasabihin, "Kaibigan ko po."
Minsan ang pagsisinungaling ay mas nakakabuti para protektahan ang sarili mo. Tulad ngayon. Kung hindi ko sasabihin kay Inay na kaibigan ko si Ysaac ay pagkakamalan niya itong nanliligaw sakin na siyang ayaw niya munang mangyari. Pinagbilinan niya kasi kami na 'wag muna magpaligaw hangga't hindi pa kami nakakatapos ng pag-aaral.
"Ysaac, nanay ko pala."
Inilahad niya ang kamay niya sa Inay ko at ngumiti, "Nice meeting you po."
Tinanggap iyon ni Inay at ngumiti ito pabalik. "Ganoon din sayo, ijo."
"Sige po, nay. Aalis na po daw siya."
Napatingin silang dalawa sakin at nakita ko naman ang pagsimangot ni Ysaac. Hindi ko maiwasan ang makyutan sakanya dahil ngayon ko lamang siya nakitang sumimangot.
"Ay, ganon ba? Iimbitahin ko sana siyang kumain dito ng hapunan."
Malungkot na sabi ni Inay at tumingin ito kay Ysaac.
"Ayos lang po ba?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Ysaac. Ang sabi niya kanina ay ihahatid niya lang ako!
"Oo naman, ijo. Tutal kaibigan ka naman ng anak ko."
Nangi-ngiting sagot ni Inay. Ang kaninang nakasimangot na si Ysaac ay abot na hanggang sa tenga ang ngiti nito. "Pasok na tayo?" Pag-aanyaya ni Inay. Tumango naman si Ysaac.
Naunang maglakad si Inay at naiwan kami ni Ysaac dito. "Akala ko bang ihahatid mo lang ako?"
Napasimangit ulit ito, "Ganyan ka ba tumanggap ng bisita?"
Napatikom ang bibig ko sa sinabi niya. Nagmumukha akong mataray sa inaasta ko ngayon. Ngayon lang ako umasta ng ganito sa bisita sa bahay namin. Napabuntong hininga ako.
"Oo na. Pero sana huwag kang malikit ha? Ayaw ni Inay ang malikot."
Tumango siya at naglakad na kami papunta sa sala ng bahay namin. Umupo siya sa sofa at inilibot ang tingin niya sa kabuuan ng bahay namin. "I like your house. It's simple but it makes it beautiful. Parang ikaw."