Chapter 2- Finding job

6 0 0
                                    

Chapter 2

Pag dating nila Amara sa loob ay ipinapakilala na yung magiging speaker nila kaya nag madali narin silang umupo ng kaibigan nya.

"Ladies and Gentlemen, it is my distinct pleasure to introduce our esteemed guest speaker for today's seminar. Not only is he a highly respected attorney, but he also shapes minds as a professor. A proud alumnus of our institution, he graduated summa cum laude with a Bachelor of Arts in Political Science. Known for his commanding influence and unparalleled expertise, he has earned the reputation as one of the most powerful attorneys in the Philippines. Please join me in extending a warm welcome to Atty. Conor Jaze Valdez Thompson!" Pag papakilala ng host sa speaker nila at agad namang nag palakpakan at nag hiyawan ang mga tao sa loob ng malaking room na yun at si Amara lang ang hindi.

What the... Nasabi na lang ni Amara sa isip nya habang nakangangang nakaturo sa binata na ngayon ay nasa stage na. Napansin naman iyon ni Sarinna at natawa ito sa kanya.

"I know na handsome yung brother ko but your so oa ah." Natatawang sabi ni Sarinna kay Amara.

"K-kuya mo yun?!!" Gulat na gulat niyang tanong habang nakaturo parin sa binata at naglalakihan ang mga mata.

"Hahahah yes he's my brother. Nabanggit ko na sya before, remember kuya Cj? Sya tinutukoy ko." Natatawang paliwanag ni Sarinna at tumingin na ulit sa stage at mag sisimula nang mag salita ang speaker.

Shete na yan.. kuya pa ni Sarinna!

Mura niya sa kanyang isipan habang nakatingin na sa stage. Iniisip pa lang niya ang nangyari kanina ay agad siyang dinadapuan ng hiya sa katawan. Bakit ba naman kasi hindi siya tumitingin sa dinadaanan nya hindi sana mangyayari yun kung nag iingat lang sya. Paulit ulit ang paninisi niya sa kanyang sarili pero agad din niya itong inalis sa isip nya at itinatag nya sa isip nya na aksidente ang nangyari hindi nya ito sinasadya. At saka mag sorry naman na siya dito kaya wala dapat siyang ikatakot o ikakaba.

Natapos na ang seminar nila at nag papasalamat si Amara na merong pumasok sa kanyang Kaalam kahit papaano. Kahit na mas pinag bibigyan niya ng pansin ang kagwapuhan ng attorney kaysa sa mga sinasabi nito about sa law. Paano ba naman hindi sya madidistract eh napakagwapo nito sa salamin na soot at ang black longsleeve nito na hapit na hapit sa katawan nya kaya lalong nakikita ang kagandahan ng katawan nito. Idagdag mo pa ang napakalalim nitong boses na talaga namang nakakapag pataas balahibo kapag maririnig mo.


"Babe let's go. Samahan mo akong salubungin si kuya sa backstage." Sabi ni Sarinna at hinde na hinintay nito ang sagot nya at hinila na siya nito papuntang backstage. Di mapakali si Amara habang makasunod sa kaibigan na hila-hila ang kamay nya papuntang backstage at paulit ulit siyang nang mumura sa kanyang isip habang nag iisip ng kung ano ba pwedeng idahilan sa kaibigan para mauna na siya umuwi sa kanila.

"You know you should apply kay kuya cj scholarship para matulungan mo yung family mo. Don't worry tutulungan kitang kausapin sya." Suggestion ni Sarinna sa kanya habang nag lalakad sila papunta sa backstage.

"Okay salamat heheh" tanging sagot nya na lang dahil di talga sya mapakali knowing na makikita nya yung lalaking nabunggo nya kanina.

Pero kailangan nya talaga ng trabaho dahil alam niya sa sarili niyang hirap na yung magulang nya sa pag hahanap buhay para lang mapag aral silang apat na mag kapatid. Bilang panganay ay nararamdaman niya na dapat ay tumutulong na sya sa mga ito dahil habang tumatanda sya ay nakikita nya yung hirap sa nanay nya na nakikikatulong at nakikilaba para lang May pang baon sila. At yung papa nilang ofw na contraction worker sa ibang bansa. Awang awa siya sa papa at mama nya dahil doon ay naisipan nyang maghanap ng trabaho para matustusan yung pangangailangan nya at ng mga kapatid nya ng hindi humihingi sa magulang.

Conor Thompson The First Born (Thompson series#2) Where stories live. Discover now