Chapter 8
Nagising si Amara sa malakas na tunog ng alarm clock sa kanyang maliit na lamisita sa gilid ng kama nya. Agad niya itong pinatay at sinubukang bumalik ulit sa tulog pero Dina sya makatulog. Nananatili lang syang nakamulagat at nakatingin sa bubong ng kwarto nya. Nasa bahay nila sya ngayon at sembreak na nila. At pinayagan sya ni Conor na mag bakasyon muna sa pamilya nya ng isang Linggo.
Matagal na silang dalawa na di nag uusap simula nung gabing yun. At mukhang ayaw din naman syang kausapin ni Conor kaya di na rin nya kinakausap ito. Saka lang pag uutusan siya nito pero todo parin ang iwas ni Amara sa binata dahil nahihiya na siya dito at isa pa nag disisyon na syang kalimutan na ang nararamdaman sa binata dahil alam naman niya na wala siyang pag asa dito. Dahil nakikita niya sa aksyon nito na ayaw nito sa kanya. At isa pa ang bata bata pa niya para dito kaya dapat nga talagang alisin ang nararamdaman dito at humanap ng natitipuhan na kaidadan nya.
Ilang araw na rin siyang nag i-stay sa bahay nila at bored na bored na sya dahil tagapag alaga lang sya ng makukulit nyang kapatid. Speaking of kapatid. Kailangan na nyang pakainin ang mga ito kaya bumangon na sya para mag luto ng almusal nila.
Pag kaayos niya ng sarili ay lumabas na sya ng kwarto nya at naabutan nyang nanonood ang mga ito ng anime.
"Asan si mama?" Tanong niya sa nakababatang kapatid na si Alia.
"Pumasok na sa trabaho'te." Sagot nito habang nakatingin sa tv.
"Ate ko! Ate ko! Lutuan mo ko hatdog." Tumatakbong salubong sa kanya ng bunso nyang kapatid at nagpabuhat pa sa kanya.
"Aysus ang bunso namin. Ano pang gusto mong iluto ni ate?" Malambing nyang tanong bunsong kapatid. At hinalikan niya ang matabang pisngi nito.
"Yun bilog pa po ate ay. Tapos lagyan mo chocolate." Sabi nito na May aksyon pa kaya natawa si Amara sa kapatid.
"Ano yun?" Natatawang tanong niya dito kahit alam na niya kung ano yung gusto nitong ipaluto.
"Yung bilog po ay. Tapos lagyan ng chocolate madaming madami chocolate." Ulit muli ng bata at napaka inosente nito.
"Ah pancake. Gusto mong pancake?" Nakangiting tanong niya sa kapatid. At inosente naman itong tumango.
"Opo yung madaming chocolate."
"Ganun? Kiss mo muna si ate." Pang-uuto nya sa kapatid at humalik naman ito sa pisngi nya. Na ikinasama ng puso ni Amara.
"Sige doon ka muna kay ate Allia mo at mag luluto na si ate ng hatdog at pancake mo." Sabi n'ya sa kapatid at nilapag na ito.
"Thank you po." Masayang sabi ng bunsong kapatid nya at muling humalik sa kanya at masayang bumalik sa panonood ng tv. Natawa naman siya sa ka-cute-an ng kapatid.
Agad naman siyang kumilos at nag luto ng gusto ng kapatid nya at tinimplahan pa niya ang mga ito ng hot choco.
Pag katapos niyang mag luto ay inihanda na nya ang lamesa at tinawag na ang mga kapatid. Masaya namang lumapit sa hapag kainan ang dalawa.
"Mag dasal muna bago kumain." Palala nya sa mga kapatid nya at nag lead na sya ng prayer ng makakain na sila ng umagahan.
Pag katapos nilang kumain ay nagsimula na si Amara sa pag tatrabaho sa gawaing bahay. Ikot nya lahat nilabhan nya na din ang mga damit nila, kaunti lang naman iyon kaya nilabhan na nya. Dahil sigurado siyang di na mahaharap ng ina nya yun sa dami ng nakapila na labahin nito.
Pagod si Amara na naupo sa tabi ng kapatid niya. Buti nalang ay maaga nya ding natapos ang trabaho di sya inabot ng tahalian. Nag papahinga lang sya saglit dahil mag luluto nanaman siya ng pagkain nilang pananghalian.
YOU ARE READING
Conor Thompson The First Born (Thompson series#2)
RomanceConor Jaze Valdez Thompson is the first born of Liliana and Cohen Thompson. Mabait siyang anak, matalino, gwapo,mayaman at talented gaya ng kanyang ama. Nguni't hindi gaya ng kanyang ama ay hindi nya gusto ang showbiz. Napaka introvert niyang tao at...