Chapter 5
"So tell me. You like my brother Conor don't you?" Nakangising tanong ni Sarinna habang nag lalakad silang dalawa ni Amara para pumasok na sa room nila.
"P-pinag sasabi mo dyan bhie? Hindi ah." Tanggi niya sa kaibigan. Di siya makatingin ng diretso dito kaya agad naman nabasa ni Sarinna ang reaksiyon nya at natawa ito.
"Oh C'mon babe. Wala kang matatago sa akin Hahah I'm your friend and I know you very well." Conyo na sabi nito at nag flip pa ng buhok nya na nagpa mukhang mataray sa kanya.
"Don't worry I'll help you to get closer to him." Excited pa nitong hirit kaya natawa naman si Amara dito.
"Ikaw bahala. Pero narinog mo naman ng sabi n'ya kanina diba? Sabi n'ya masyado pa akong bata para sa kanya."
"C'mon eme nya lang yun. Im very sure na maiinlove din sya sayo because you're very pretty and kind. It's imposible kung hindi sya mag kakagusto sayo."
"Binobola mo lang ako e hahahah" natatawang biro ni Amara sa kaibigan kasi masyado itong seryoso.
"Babe I'm serious. And I can't wait to see you two together." Excited nitong sabi at kilig na kilig sa sarili nyang salita.
"Ito!Hahahah ewan ko sayo Corinne Sarinna Thompson." Iiling iling na lang na sabi ni Amara habang natatawa sa kaibigan.
Pero seryoso umasa rin sya sa sinabi ni Sarinna na magugustuhan din sya nito.
Someday....
Shit. Paulit ulit na mura ni Conor habang nag dadrive papuntang sa trabaho niya. At iniisip kung talaga bang na saktan si Amara sa sinabi nya dahil hindi siya nito pinansin. Pero ano naman ngayon kung hindi siya pansinin nito? Mas maganda nga iyon para mapalayo siya dito dahil hindi na niya talaga nagugustuhang ang nangyayari sa kanya tuwing malapit si Amara sa kanya. Nagiging baliw siya napapangiti siya ng walang dahilan makita lang niya ang dalaga hindi niya alam kung anong meron sa dalaga pero sumisigla ang katawan niya pag nakikita niya ito at walang tigil ang pag tibok ng malakas ang puso nya. And that's what he hates the most. At hindi sya pinanganak lang kahapon para hindi nya malaman ang ganung pakiramdam.
F*CK!
He hates that feeling!
Pagod na pagod si Amara dahil sa pag tayo niya sa laboratory. Nagluto sila ng nagluto ngayon araw dahil ngayon ang actual ng pinag aralan nilang recipe. Nakakapagod medyo mahirap itong gawin lalo na ang pagdedesign ng plate ay hindi niya magawa ng maayos. At isa sya sa pinaka huling na tapos kaya medyo disappointed siya sa sarili.
Nang matapos ang klase ay dumiretso na sila ni Sarinna sa locker room para kunin ang gamit nila at makapag palit narin ng damit dahil Naka uniform pa sila.
"Oh before I forget. Congrats babe!" Masayang sabi nito sa kanya habang binubuksan ang locker nito.
"Para saan?" Takang tanong ni Amara dito.
"Sa ginawa natin kanina. I'm so proud for the both of us kasi nagawa natin ng maayos yung task and we learned new recipes."
"Ah oo. Thank you. Pero kasi di ko nagustohan yung design ko e hahah" pekeng tumawa si Amara dahil pakiramdam kasi niya ay naawa lang sa kaniya ang instructor nila kaya tinanggap na yung gawa nya. Kitang kita naman ni Sarinna ang lungkot sa mukha ng kaibigan kaya hinarap niya ito sa kanya.
"Oh C'mon babe don't be nega ang ganda kaya ng design mo as a newbie. And your not alone marami pa kayang di nagawa ng maayos yung design but they're proud of their work. So you should be proud of yourself babe!" Nakangiting sabi niya sa kaibigan pinapagaan ang loob ng kaibigan. Napabuntong hininga naman si Amara at ngumiti din sa kaibigan. Alam na alam talaga nito kung paano pagagaanin ang loob nya.
YOU ARE READING
Conor Thompson The First Born (Thompson series#2)
RomanceConor Jaze Valdez Thompson is the first born of Liliana and Cohen Thompson. Mabait siyang anak, matalino, gwapo,mayaman at talented gaya ng kanyang ama. Nguni't hindi gaya ng kanyang ama ay hindi nya gusto ang showbiz. Napaka introvert niyang tao at...