Ikalimang kabanata: Sa silid-aklatan

14 0 0
                                    

Nagpatuloy sa paglayag ang barko. Tumunog na ang sinasabi nilang hudyat ng pagbabawal sa mga pasahero na lumabas sa kanilang mga silid o magpalalad-lakad sa barko. Ito ay upang masiguro na ligtas ang lahat ng pasahero at upang maiwasan ang nakawan.

Maulan at malakas ang hampas ng alon ngayong gabi. Nagtipon at natili sa isang ligtas na parte ng barko ang ilang pasaherong walang kakayahang umukupa ng silid. Maaga namang nagpahinga si Ligaya sa nakakapagod na araw.

Sa isang madilim na pasilyo, naroon si Amera na matiyagang naghihintay na makatulog ang mga gwardya upang makahanap siya sa ng pagkakataong magtungo sa pribadong silid-aklatan ng barko.

Alam niya na ang bawat barko ay may koleksyon ng mapa na maari nilang magamit pagdaong ng Maynila.

Nang makatiyempo ay maingat niyang sinuyod ang bawat silid.

Ang lahat ay mahigpit na nakasarado at walang pag-asang makapasok na hindi lilikha ng ingay.

Sawi, nagpasya na itong bumalik ngunit mabilis na pumihit ito patalikod at itinapat ang bitbit na lampara nang mapansin ang isang nakauwang na pinto.Maingat na hinawakan ni Amera ang seradura ng pinto at pumasok.

Napangiti ito ng malaki nang mapagtanto na ito nga ang silid-aklatan ng kapitan. Agad na siniyasat niya ang bawat hanay ng libro. Napahawak na lamang si Amera sa sintidido nang malamang nakasalin sa ibang skripto ang mga libro.

Itinapat nito ang ang lampara sa mesa. Nakakita ito ng mga nagkalat na rolyo ng papel. Inilapag ni Amera ang lampara sa mesa at ibinuklat ang mga iyon. Hindi ito mapa bagkus ay guhit ng mga gusali at ilang mga simbolismo. Hindi nito napansin na matagal na niyang pinagmamasdang ang mga guhit. Tiyak na nakahuhumaling pagmasdan ang mga disenyo ng gusali kung ito'y magiging totoo. Tila siya ay hinihila ng mga ito sa kanilang mundo.

Sa pagkamangha sa mga guhit ay hindi ni Amera napansin na hindi siya nag-iisa sa silid.

"Tila naliligaw ka binibini"

Nanlaki ang mata ni Amera at agad nilingon ang pinagmulan ng boses. Itinapat nito ang lampara sa lalaki. Tila na estatwa rin ang ginoo sa ginawa nito.

Sa liwanag ng lampara nakita muli ng lalaki ang diwatang nagligtas sa kanya. Nakaladlad ang maalon nitong buhok. Ang balat nitong kulay labanos. Suot lamang ang isang puting bestidang pantulog. Nasisiguro niya na siya ang babaeng iyon. "Imposible", sa isip-isip nito at pilit iniwaksi ang ideya na sila ay iisa. Hindi na rin naman niya gaanong maalala ang mukha ng babaeng iyon.

Nabalot naman ng pagtataka si Amera sa itsura ng ginoo. Tila ito'y nakakita ng multo. Tama! magpapanggap na lamang siya na espiritu at maglalakad palabas ng pinto. Dahan-dahang naglakad si Amera patungo sa pinto.

"Mukhang kailangan ko nang tawagin ang mga nagbabantay dahil may isang binibini na nawawala sa kanyang silid" wika ng lalaki.

Naging balisa naman si Amera dahil sa pagbabanta ng ginoo. Alam nitong hindi siya makikilala ni ginoong Lucas dahil wala itong suot na belo at iba ang kasuotan nito. Hindi rin niya nais isiwalat na siya ang babaeng tinilungan niya dahil hindi naman niya lubos na kilala ang lalaki.

"Paumanhin, hindi ko nais makaabala sa iyo. H-hinahanap ko ang..palikuran! tama! Iyon nga" pagdadahilan nito.

"Tutuloy na ko ginoo" pagpapaalam nito at mabilis na naglakad papunta sa pintuan.

Tila kidlat ay mabilis na pinatay ni Lorenzo ang mitsa ng lampara at hinila ang binibini sa pagitan ng aparador ng mga aklat. Hindi pa lubos maisip ni Amera ang bilis ng mga pangyayari at ang kalapastanganang ginawa ng ginoo nang makarinig sila ng mga yapak.

"May tao ba riyan?" tawag ng isang guwardiya.

"S-sa iba na lamang tayo mag-ikot" suhestyon ng isa.

"Tiyak akong may liwanag mula sa loob ng silid na ito at mga anino na tila nag-uusap" Napakamot na lamang ito sa pagtataka habang inililibot ang paningin.

"Hindi kaya't m-multo iyon ni Don Emanuel? ang d-dating may-ari ng barko na pinatay ng kanyang kaibigan sa pagtatalo?" kwento ng isa habang dinadama ang malamig na ihip ng hangin.

"Tigilan mo nga ako Roberto. Kalalaki mong tao. Halika at bumalik na tayo para mag-ulat. Nais na magpahinga ng katawang lupa ko." Ikinandado na ng guwardia ang silid at pumihit pabalik.

Tanging ang buwan lamang mula sa bintana ang nagbibigay ng liwanag sa silid. Payapa na ang karagatan ngunit tila nakabibingi ang bawat hiningang pinakakawalan ng bawat isa.

Naghihintay na isa sa kanila ang magkusang umalis.

"M-auna ka na binibini" wika ni Lorenzo sa takot na magdikit muli ang kanilang katawan.

Malamig ang simoy ng hangin buhat ng malakas na ulan kanina ngunit ang buong silid ay tila malapit sa pugon.

"Paumanhin sa aking inasal binibini. K-kalimutan na lamang natin ang tagpo na ito" wika nito sabay iwas ng tingin.

"Mukhang kailangan ko rin sumaklolo sa mga guwardiya dahil may ginoo na nawawala sa kanyang silid...at pwersahan akong isinilid kasama niya" napangiti na lamang si Amera sa sarili. Mukhang magagamit niya ang lalaking ito sa paghahanap ng mapang lokasyon ng Maynila. Namutla naman si Lorenzo sa tahasang sinabi ng dalaga. Hindi niya naisip na magagawa nitong maliktarin ang sitwasyon.

Sinubukan ni Amera na buksan ang pinto ngunit bigo ito dahil sa labas ang tanikala na nakapalibot sa seradura ng pinto. Lumilikha lamang ito ng ingay kaya huminto na rin ito.

Abala naman si Lorenzo sa paghahanap ng paraan upang buhayin muli ang lampara.

Pinalibutan nila ang mainit na lampara. Niyakap ni Amera ang kanyang sarili. Ngayon ay pinagsisisihan na niyang lumabas siya sa ganitong kasuotan. Bagamat naitatago ang kanyang mga paa ay manipis ang pagkakahabi nito.

Napansin naman ni Lorenzo na marahil ay nilalamig ang binibini kaya inilahad niya ang kanyang panlamig na tinanggihan ng dalaga.

"Maari ko bang malamang ang iyong ngalan binibini?" tanong ni Lorenzo kahit nababatid niya na hindi ito sasagot.

"Hindi ka naligaw sa silid na ito tama? Maari ko bang malaman ang iyong sadya?" pag-uusisa ni Lorenzo.

"Sa katunayan...hindi ako marunong magbasa" pagtatapat ni Amera.

"May bagay akong kailangan sa silid na ito at batid kong tutulungan mo ako" tuwiran nitong sabi.

Napakurap-kurap naman si Lorenzo sa pagtatapat ng dalaga. Sa itsura nito ay tila siya ay mula sa mayamang angkan kaya't papanong hindi siya marunong bumasa.

"Maari kitang turuan magbasa kung iyong nanaisin ngunit hindi ko magagawang hayaan kang angkinin ang ano mang bagay sa loob ng pribadong aklatang ito" Ikinagulat ni Amera ang reaksyon ng binata. Nahihimigan niyang mahalaga ang silid na ito sa lalaki at hindi siya nito pagbibigyan kahit manguwalta ito sa paraan ng pananakot at iungkat ang nangyari kanina.

Pareho silang nabalot ng katahimikan.

"Ano naman ang sadya mo sa silid na ito?" pabalik na tanong ni Amera. Nabanggit naman ng ginoo na kaibigan niya ang may-ari ng barko ngunit sa pagtatago nila kanina ay naging kahinahinala ang ginoo.

"May nakalimutan lamang akong kuning papeles sa silid na ito. Pinayagan ako ng aking kaibigan na gamitin ang kanyang aklatan bilang pansamantalang tanggapan ngunit ako man ay pasahero pa rin ng barko kaya marapat lamang na sundin ko ang mga patakaran sadyang mahalaga ang mga papeles na iyon..sa aking sunod na kliyente.

Marahang itinulak ni Lorenzo ang isang aparador at tumambad ang isang maliit na pintuan na natitiyak niyang daan palabas.

Napatitig si Amera sa kamay ni Lorenzo nang ilahad nito ang munting lampara.

"Paano binibini? magkita tayong muli sa parehong oras at handa kitang turuan." wika ng ginoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DahuyoWhere stories live. Discover now