Chapter 1

19 4 0
                                    

Luna Faith Luistro

"San ka na?"

Chat ko sa boyfriend ko, si Lawrence.

Since grade 8 kami na. Ang bata 'no? Pero may permission naman ng parents namin at alam namin ang limitations kaya okay lang.

First day namin ngayon ng grade 9.

"Nakita nyo si renz?" Tanong ko pagkakita ko sa mga best friend ko nung 1st year.

"Hi Luna, hindi namin nakita." Si Angela. Kasama nya ang best friend ni Lawrence na si Charles.

Nagkwentuhan pa kami bago namin nakita si Paul at Hans na papalapit.

"Hi ate, namiss kita." Si Hans. Lalaking lalaki tinginan pero deep inside babae yan.

"Anong section mo, Luna?" Si Paul. Matangkad sya at maputi.

"Section 2, building 1." I proudly said.

"Daya, section 6 ako." Reklamo ni Paul na tinawanan namin.

"Papasok na ko, malelate pa ko e." Paalam ko sakanila at pumasok na.

Madali lang naman makita ang room namin dahil first floor lang. Tinginan ko muna ang list of students na nakadikit sa pintuan ng classroom para sure.

Nang makita ang pangalan ko don ay nahihiya pa akong pumasok. Puro lalaki ang karamihan.

Pero kaysa naman malate, pumasok na ko.

Umupo ako sa bandang likuran para hindi makita ng teacher.

Maganda at malawak ang lamesa namin. May lagayan rin ng gamit sa ilalim, hindi kagaya ng armchairs nung elementary.

Drafting ang specialization namin kaya ganito ang table namin.

Pagkapunta ng adviser namin sa unahan ay hinanda nya na ang powerpoint na nakaconnect sa TV ng classroom.

"Good morning section buttercup. I'm Mrs. Castillo, I will be your adviser and also, your math teacher." Pakilala nya habang nakangiti. Nagsalita pa sya sa unahan at saka kami inisa-isa para magpakilala.

Unang tinawag ang katabi ko. "I'm Jennie Lynn Madrid and I'm 14 years old. Thank you." Pakilala nya at umupo na agad.

Hindi alphabetical order ang tawag ni ma'am Castillo kaya medyo kinakabahan na ako.

Binabanggit nya rin ang average ng bawat nagpapakilala last school year.

Mataas naman ang average ko pero nung narinig ko ang average ng mga kaklase ko ay parang nanliit ako.

"Garcia?" Tawag ng adviser namin para sa sunod na magpapakilala.

May tumayo galing ding dulo. Matangkad sya at maputi. Malinis ang gupit at maayos ang uniporme.

Brown ang mata nya at halatang-halatang mayaman.

Ito siguro ang escort.

Naghiyawan ang mga katabi nya sa likuran kaya napakamot sya sa batok.

"Alexander Jake Garcia. 14 years old." Saad nya at tumingin kay ma'am na nakatingin lang din sakanya na parang hinihintay ang sunod nya pang sasabihin.

"Yun lang ma'am." Mahinang sabi nya pero rinig sa buong room. Tinawanan sya pero hindi naman sya nahihiya.

"94% average."

Wow, matalino siguro 'to.

Ilang tawag pa bago ako tinawag.

"I'm Luna Faith Luistro. 14 years old, call me Luna. Thank you." Sa sobrang hiya ko ay deretso lang ang tingin ko sa pader hanggang likuran.

Mabilis akong umupo sa sobrang hiya.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now