"Hi ate Luna."
Masiglang bati ni Rheeze saakin. Nandito kami ngayon sa Music Room dahil nagpapractice kami. May pa-activity kasi ang head ng music club. Bubuo kami ng bagong band since gagraduate na ang band nila dati.
Sabado ang audition para sa banda at practice kami ngayon.
Excused naman kami kaya okay lang.
Kasama nya si Julia, best friend nya. Di ko sya nameet nung unang audition dahil puro representative.
"Hello sainyong dalawa." Bati ko.
Nginitian lang nila ako at nagsimula nang mag practice. Pinapanood ko lang sila magpractice dahil kanta ang talent ko. Mas prefer ko mag practice sa cr kaysa dito na maraming nanonood.
Gitara at ukulele lang ang instrument na alam ko tugtugin. Nagpapaturo ako ngayon kay Abigail mag piano, sya lang kasi ang mabait at mukhang approachable. Yung iba ay mukhang...you know...
Nakailang practice na ako pero hindi ko parin makuha. Nakakainis! Kaya tinigilan ko na.
Pag-iipunan ko, bibili ako ng organ. Hindi kami mayaman, pero hindi rin mahirap, middle class—ika nga o may kaya.
Kung may mayaman man kaming kapamilya ay yun ang lolo ko, father ni daddy. Only child lang ang daddy ko kaya sakanya pinahawak ang kalahati ng mga pag-aari ni lolo. At kung sakali mang madedz sya, saka lang mapupunta kay daddy yon.
Kinukulit nya si kuya na magpakasal sa apo ng best friend nya pero ayaw ni kuya.
Kahit may kaya kami dahil madaming kumpanya ang hawak ni daddy ay hindi kami sa mansion nakatira. Ayaw ni mommy. Gusto ko sana kaso ayaw talaga ni mommy. Gusto ni mommy ng simpleng buhay lang, kaya ayun ang masusunod. Naniniwala daw kasi si daddy na happy wife, happy life.
Korni ano?
"Excuse daw po sa mag-aaudition sa band." Saad ng babae sa pintuan. AP time namin ngayon. Nagsitayuan ang mga kasama sa music club, kasama ako syempre.
Pagkarating namin ay nagpeperform na ang mga first year. Tumabi ako kila Rheeze.
"Ako na sunod, ate." Bulong ni Rheeze sakin.
Nginitian ko sya. "Kaya mo yan."
Time na nya magperform kaya chineer namin sya ni Julia.
Tumugtog sya sa unahan pero medyo may sumasabit dahil siguro sa kaba.
Hindi sya natanggap pero okay lang daw. 2nd year sunod na magpeperform.
Pagtapos nila ay 3rd year na, kami.
"Luistro." Tawag ng isang teacher.
Tumayo ako at pumunta sa unahan.
Syempre kumanta ako.
Tatlo kaming pinagpipilian ng mga teacher kaya babalik ulit kami bukas. Pagtapos ng batch namin ay pinabalik na kami. Wala nang 4th year sa audition dahil graduating sila.
"Excuse po kay Luna Luistro." Yung babae ulit na tumawag saamin kahapon.
Pagkarating namin doon ay nandoon na yung dalawa pag pagpipilian. Kakanta ulit kami. Dalawa kaming 3rd year at isang 2nd year.
Naunang kumanta yung 2nd year, kumanta sya ng A thousand miles ni Vanessa Carlton.
Maganda ang boses nya pero mahinhin kaya hindi masyadong bumagay sa kanta. Kinakabahan rin sya kaya medyo hindi sya nakafocus sa kanta nya.
"Next! Luistro!" Tawag ng isang teacher.
Tumayo na ko sa unahan. Kita ko na nahihiya yung 2nd year kanina. Nakayuko lang sya.