Chapter 2

6 4 0
                                    

"Saan kayo sasaling club?"

Tanong saamin ni Jia, katabi ko. Apatan ang upuan dito at sa gitna ako.

"Music Club parin." Sagot ko.

"Math Club ata ako." Hindi siguradong sagot ni Althea.

Wala ang teacher namin ngayon sa science kaya nagkkwentuhan lang kami. Nang mapunta ang atensyon nila Althea ay humarap ako kay Jia.

"Hiwalay na kami." Bulong ko kaya napatingin din agad sya sakin.

Niyakap nya ako at umiyak naman ako ng tahimik.

Nag-open lang ako sakanya at nakikinig lang sya. Si Gelyn at Althea ay nakikipagdaldalan sa mga classmate pa namin.

Kakatapos ko lang umiyak nang kumatok ang teacher namin sa Mapeh.

"Sino dito ang gustong sumali ng music club, art club, sports club at health club?" Tanong nya.

Nagtaas ako ng kamay at pinatayo ang mga nagsitaasan ng kamay. Pinapili kami ng representative bawat club at ako ang representative ng music club.

Sports club si Garcia at sya ang representative. Mukhang napilitan nga dahil sya ang tinuro ni sir pero wala naman syang choice.

Naghiwa-hiwalay kami ng room dahil iba-iba kami ng club. Nandito kami ngayon sa building 3 2nd floor. Pumasok ako sa kwarto na may nakalagay na MUSIC CLUB.

Pagpasok ko ay may mga familiar faces akong nakita pero iilan lang. May mga bago rin dito dahil grade 7.

Pinapila kami para sa audition kemerut ganito ganyan para tingnan kung may passion kami sa music. Kung wala ay lilipat ng ibang club at hahanap ng bagong representative.

Yung mga representative ay halatang kinakabahan. Ako hindi, pangatlong year ko na dito sa music club kaya confident ako na makukuha ako.

Nakaupo lang kami habang isa isang nag peperform ang mga mag aaudition.

"I'm Rheeze Valerhie Mendes po." Pakilala ng grade 7 sa unahan. Hindi sya masyadong maputi pero maputi sya kumpara sa balat kong morena. Maalon din ang buhok nyang hazel brown.

"What's your talent?" Tanong ng isa sa mga teacher na nagjajudge.

"Guitar and singing po."

Napangiti ang tatlong teacher at sinenyasan syang mag-umpisa na.

Maganda at malinis ang pagkakakanta nya. Maayos din ang pag-gigitara, matatanggap 'to.

Nginitian nya ko nang mapansing nakatingin ako sakanya. Pagtapos nya kumanta ay tumabi sya saakin. Ako naman ang sunod.

Kanta rin ang talent ko. Kaya ko tumugtog ng instrument pero di ako nakadala dahil nakalimutan ko.

Pagkatapos kong kumanta ay nakangiti lang silang lahat.

Tumabi ako dun sa 1st year na Rheeze ang pangalan. Nagkwentuhan kami kaso saglit lang dahil pinababalik na kami ng room.

Saktong paglabas ko ay paglabas rin ni Garcia sa sports club. Nagkatinginan kami pero umiwas din ako. Nagkasabay kami papuntang room pero hindi kami nag-usap.

Nandoon na rin sila Jia, nagkkwentuhan.

"Ano? Natanggap ka?" Tanong ni Althea pagkalapit ko sakanila.

"Syempre." Balewalang sagot ko. Tinawanan nila ako.

Simula nung naghiwalay kami ni Lawrence ay sinusundo na ako ni kuya.

Hindi nya ko pinapauwing mag-isa at nagcchat sya pag malelate sya para aantayin ko sya.

Kasabay ko laging naghihintay si Garcia pero madalas marami syang kausap.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now