Chapter 14

18.1K 556 26
                                    

Crizel

MASAKIT ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw. May naririnig akong mga busina ng sasakyan at mga sigawan. Pero nangingbaw ang malaking boses ni Kester.

"Crizel! Crizel! Fuck! Are you ok huh?" 

May naramdaman akong mainit na kamay na humahaplos sa pisngi ko.

Bahagya akong dumilat. Umiikot ang paningin kong nanlalabo. Pero marami akong mukhang nakikita. Ang iba ay mga mukha ng tauhan ko na nag aalala. Bigla namang lumitaw sa paningin ko ang mukha ni Kester na nakaguhit ang labis na pag aalala.

"Answer me Crizel please!"

"Hmm.." Ungol lang ang tanging naisagot ko. Sinubukan kong igalaw ang isang braso pero napangiwi lang ako sa sakit at napapikit.

Narinig ko naman ang malutong na mura ni Kester. Bahagya pa nyang inangat ang ulo ko at tinanggal ang helmet.

"Sir huwag nyo ho muna syang galawin. Hintayin ho muna nating dumating ang ambulansya. Baka ho may bali sya sa katawan mapasama pa lalo."

"I know! But -- fuck! Bakit ang tagal ng ambulansya?"

"Eh ser, katatawag lang po namin sa ambulansya. On the way na daw."

"Tangina ang bagal!"

Muli kong naramdaman ang kamay ni Kester sa mukha ko at marahang humahaplos.

"Inaantok ako.." Nanghihinang anas ko.

"Crizel hold on. Paparating na ang ambulansya. Huwag kang matutulog ha. Please idilat mo ang mata mo."

Umungol lang ako at dinilat ang mata kahit nahihilo. Tumingin ako kay Kester.

"Kester.." Nanghihinang sambit ko sa pangalan nya.

"Yes I'm here.. I'm here.." Hinaplos hinaplos nya ang pisngi ko.

Kahit nanghihina ay ngumiti ako. Para kasing pinapagaan ng mainit nyang kamay ang nararamdaman kong bigat sa katawan.

"Madam huwag kayong matutulog ha. Paparating na ang ambulansya." Ani Amelia.

"Oo nga madam, labanan nyo yang antok nyo at baka forever na kayong makatulog."

"Kausapin nyo lang sya ng kausapin para manatiling gising."

Hindi umalis sa tabi ko si Kester hanggang sa dumating ang ambulansya. Sinuri muna ng mga paramedic ang pulso ko at ibang parte ng katawan ko bago nila maingat akong nilagay sa stretcher at pinasok sa loob ng ambulansya. Sumama din sa loob si Kester at hinawakan ako sa kamay.

"Pupunta na tayo sa hospital kaunting tiis na lang ok?" Malambing ang boses na sabi nya.

Ngumiti lang ako sa kanya at pinisil ang kanyang kamay. Sa buong byahe namin papuntang hospital ay di binibitawan ni Kester ang kamay ko at lagi nya akong kinakausap. Patingin tingin nga sa amin ang dalawa naming kasamang paramedics pero wala akong pakialam sa kanila at hindi ako nahihiya. Nababawasan ni Kester ang bigat ng pakiramdam ko.

Pagdating sa emergency room ay agad akong inasikaso ng mga nurse at nagtawag na ng doctor. Paano ba naman kung makautos si Kester ay parang pag aari nya ang hospital. Sinasaway ko na nga sya dahil nakakahiya. Sa kanya na kasi nakatingin ang lahat ng tao. Di ko alam kung naeeskandalo ba ang mga ito sa kanya o nagwagwapuhan. Wala naman kasi silang reklamo eh. Ang isang nurse nga na sinigawan nya kanina ngiting ngiti pa at patingin tingin pa sa kanya habang sinusuri ako.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang doctor at agad na rin akong sinuri.

Lumingon ako kay Kester na gustong lumapit pero di sya pinayagan ng mga nurse at bawal. Nagpumilit pa sya kaya pinagsabihan ko na. Doon lang sya kumalma at lumabas na ng emergency room. Alam ko namang nagaalala lang sya akin.

DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon