Chapter 35

18.4K 628 43
                                    

Crizel

"LOVE." Nakangiting bati sa akin ni Kester sabay hapit sa aking bewang at dampi ng halik sa gilid ng aking labi.

Napangiti naman ako at hinaplos ko ang kanyang likuran. Masaya ako na nandito sya ngayon sa tabi ko. Ewan ko ba parang namiss ko sya bigla lalo na ang kanyang amoy. Pero kung ako masaya yung babae namang kasama nya ay hindi yata dahil nakasimangot na ito at huling huli ko pa ang pag irap sa akin. Nararamdaman ko at alam ko may gusto ito sa nobyo ko. At nakakaramdam na ako ng inis dahil bakit kasama nya ito.

Bahagya kong tinulak si Kester. Pero hindi sya bumitaw sa akin at nakakapit pa rin sa aking bewang.

"Sino sya love?" Pilit ang ngiting tanong ko.

"Oh, sya ang anak ng business partner ko love. Nagkita na kayo noong year end party pero hindi ko pa yata kayo naipapakilala sa isa't isa. Anyway love, she's Stella. Stella this is my girlfriend Crizel. You can call her ate." Pagpapakilala ni Kester sa aming dalawa ng babae.

"Nice to meet you ate." Matamis ang ngiting sabi ni Stella. Pero amoy na amoy ko naman ang kaplastikan.

"Nice to meet you too Stella." Ngiting plastic din na sabi ko.

Plastic nga sya dahil kapag nakatingin sa kanya si Kester ay matamis ang kanyang ngiti pero kapag hindi ay nakairap sya sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga at pasimple kong hinila palayo si Kester kay Stella. Doon kami sa pwestong wala pang customer.

"Bakit kasama mo ang anak ng business partner mo?" Mahina ang boses na tanong ko.

Nawala naman ang ngiti ni Kester at napalitan ng pag alala ang mukha. "May ka-meeting ang ama nya. Ayaw naman nya sumama kaya iniwan na lang sya sa opisina ko."

"Magkasama kayo sa opisina mo? Kayong dalawa lang?" Nandidilat ang matang tanong ko.

"Yes -- aww!" Napadaing sya ng kurutin ko sya ng pino sa likod. Sinamaan ko rin sya ng tingin.

Tumawa sya. "Yes love, nagpaiwan sya sa opisina ko pero nandun naman ang secretary ko. At isa pa di ko papatulan yan no. Di ako pumapatol sa bata parang kapatid ko lang yan -- aray!"

Lalo ko pang diniinan ang kurot sa kanyang likuran. Aaminin ko nagseselos ako na kasama nya si Stella.

"Eh kung hindi sya bata papatulan mo?" Lalong nandilat ang mata ko. Isang maling sagot lang nya pupukpukin ko sya ng kawali.

"Of course not. Ikaw lang ang babaeng papatulan ko." Natatawang sabi nya. Parang enjoy na enjoy sya na nakikitang naiinis ako.

Binitawan ko sya at inirapan. Tiningnan ko si Stella na naglilibot libot sa loob ng eatery. Nakaguhit sa kanyang mukha ang pagkadisgusto sa nakikita. Ngumingiwi pa nga sya habang tinitingnan ang mga nakadisplay na pagkain sa counter na para bang nakakadiri ang mga yun. Hindi ko nagugustuhan ang kaartehan nyang wala sa lugar.

"Love trust me hindi kita lolokohin tamaan man ako ng kidlat ngayon."

"Dapat lang dahil kapag niloko mo ko puputulin ko yang bayag mo at isasahog ko sa mami." Kunwaring banta ko sa kanya sabay irap.

Sinapo naman nya ang harapan ng pantalon at nangingiting kumagat labi.

Bumuntong hininga ako. "Pero alam mo hindi ko gusto ang babaeng yan. Malala ang attitude. Tingnan mo o, parang diring diri sa mga nakikita dito sa loob ng eatery."

Tiningnan ni Kester si Stella at nakita nya itong nakangiwi.

"At hindi lang yun, alam mo bang inokray okray ako nyan noong year end party."

DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon