Chapter 32

20.4K 639 66
                                    

Crizel

MULA ng ipakilala ako ni Kester na nobya at soon to be fiance and wife sa buong madla ay naging palangiti na sa akin ang mga empleyado nya. Yung kumag na yun binibigla ako. Hindi tuloy ako nakaimik sa stage kanina. Pero aaminin ko sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Halos sumabog na nga ang puso ko sa tuwa. Ang sarap sa pakiramdam na ipagmalaki ng taong mahal mo.

Hindi ko pa nakokompronta si Kester dahil busy sya ngayon kausap ang ilang guest. Nag excuse lang ako saglit para kumuha ng dessert. Maingay pa rin sa paligid dahil nagumpisa na ang program. Nagbibigay ng iba't ibang award para sa mga empleyado at hindi rin biro ang mga premyo. Bukod sa cash na malaking halaga ay may mga branded na kotse, sasakyan at mamahaling mga motor. Merong ding mga appliances na di rin biro ang halaga. Sana ol na lang talaga. Sa susunod na taon kapag maganda ang kita ng eatery ay ile-level up ko na rin ang papremyo para sa mga tauhan ko.

Nag iisip ako ng dessert na ilalagay sa platito ko. Marami kasing klase ng dessert at lahat ay masasarap. Aalukin ko nga sana si Kester pero mamaya na lang dahil busy pa sya sa mga kausap.

"Oh look who's here. Ang hilaw na fiancee ni Mr. Belleza."

Natigilan ako ng may babaeng nagsalita sa aking likuran. Humarap ako. May magandang babae ang nakatayo sa aking harapan pero mataray ang bukas ng kanyang mukha. Mukhang bata pa sya. Nakita ko sya kanina kasama ang may edad na lalaki na mukhang kanyang ama na kausap ni Kester.

Tumikhim ako at nagpalinga linga. "Ahm ako ba ang kinakausap mo miss?"

Umikot ang kanyang mata at humalukipkip. Sa hitsura nya at kilos ay halatang brat na nasusunod ang lahat ng gusto. Wala namang dudang anak mayaman sya.

"Sino pa ba sa tingin mo ang kaharap ko? Stupid."

Umawang ang labi ko sa tinuran ng babae. Tila sumakit ang tenga ko ng sabihan nya akong stupid. Sya lang taong sinabihan ako ng ganoon.

"My gosh.. hindi ka naman pala ganun kaganda sa malapitan at maputi ka lang. You're just average looking. Nothing special. Ano bang nagustuhan sayo ni Mr. Belleza? Mayaman ka ba? Anak ka ba ng kilalang politician? O anak ng isang ceo ng well known company like me? Or isa kang gold digger social climber na feeling nakajockpot." Nanunuyang dagdag pa ng babae at binigyan ako ng mapangmatang tingin na para bang kilala nya ang buong pagkatao ko.

Napataas ang kilay ko. Binaba ko ang platitong hawak sa buffet table dahil baka maisampal ko ito sa pasmadong bibig ng babae. Alin lang sa dalawa, naging babae sya ni Kester na bitter at hindi pa maka move on o babaeng hindi pinansin at nagpapapansin. 

"Hindi ako mayaman at hindi ako anak ng kung sinomang kilala mong mayaman. Lalo na hindi ako gold digger at social climber. And yeah I'm just average looking so what?" Mataray din na sabi ko.

Nanunuyang ngumisi sya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Hindi ka nababagay sa kanya -- "

"At sino ang nababagay sa kanya ikaw?" Putol ko sa sasabihin nya at tiningnan din sya mula ulo hanggang paa. "Eh hindi ka rin naman maganda makinis ka lang. Hindi rin katangusan ang ilong mo at parang plywood ang katawan mo. Ang tapang pa ng pabango mo. Mayaman ka lang pero wala kang good manners and right conducts." Bira ko sa babae. 

Umawang ang labi nya at namula ang mukha sa inis. "What did you say!?"

"Are you deaf?" Sarkastikong sabi ko sabay ngisi at talikod.

Mamaya na lang ako kakain dahil baka kapag nagtagal pa na kaharap ko ang babae ay kung ano pa ang masabi ko. Importante nakabawi ako sa pang iinsulto nya. Hangga't kaya kong umiwas sa mga gaya nya ay gagawin ko. Siguro ay dapat ko ring ihanda ang sarili para sa mga babaeng gaya nya lalo na at mas marami ng nakakaalam ng relasyon namin ni Kester.

DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon