Solaria Pov
It's been 3 days when I got confined to the hospital and also 3 days of no Tristan appearance. I get it, I know its my fault but also I know he cannot understand where I am coming from.
I was a raped victim from my own father in law.
"Stop crying, ma'am. Its not good for your recovery," seryosong sabi ni Frith habang nag-aayos ng pagkain ko.
Nanatili akong nakahiga sa kama at nakatagilid na nakatalikod sa kaniya. Nakaharap ako sa pintuan at nagbabaka-sakaling bigla na lang pumasok si Tristan.
"Where's Tristan?" bulong ko habang patuloy na lumuluha.
Rinig ko ang buntong hininga niya dahil mukhang nakukulitan na rin siya sa akin dahil halos araw-araw at oras-oras kong tinatanong at hinahanap sa kaniya 'yong asawa ko.
"He is at the company. May emergency meeting raw po siya kaya hindi ka niya nabibisita these past few days,"
"Or maybe he didn't want to see me," napahikbi ako ng tuluyan kaya mabilis ko itong pinunasan.
Hindi ko alam kung bakit naging emosyonal ako after umalis ni Tristan.
"I miss him, Frith." Humihikbing sabi ko dahil sa pangungulilang nararamdaman ko.
Hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita. Alam ko naman ako ang dahilan kung bakit naging ganoon ang treatment ni Tristan sa akin kaya kahit masakit ay iniintindi ko na lang siya.
Rinig ko ang mga yabag ni Frith hanggang sa nakita ko siyang pa-squat na naupo sa harapan ko. Seryoso niya akong tinitigan hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mga kamay niyang hinahaplos at pinupunasan ng marahan ang mga luha ko.
Tila nahigit ko ang aking hininga dahil sa pagdampi ng kaniyang kamay sa aking pisngi. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan.
"W-what are you doing......." utal na bulong ko dahil sa kinikilos niya.
Tila bigla siyang natauhan sa inakto niya dahil mabilis na lamang siyang tumayo at tumikhim.
"Shit....this is not right," bulong niya kaso hindi ko gaanong naintindihan hanggang sa nakita kong paulit-ulit niyang hinahalikan ang kaniyang singsing hanggang sa nagpaalam siya na sa labas na lang siya maghihintay.
Kumunot na lamang ang noo ko bago umiling at kumain na lamang. Ayoko namang masayang 'yong effort niya sa pagbibili ng aking pagkain.
Inilagay ko ang pagkain sa maliit na table sa kama at doon na sinimulang ang pagkain ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ko sa gilid ng unan.
Kinuha ko ito nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hello...." sabi ko habang ngumunguya ng pagkain.
"......." wala akong nakuhang sagot kundi tanging tunog lamang ng paghinga ng kung sino sa kabilang linya.
Bigla akong natigilan at bahagyang nangilid ang luha nang marinig ang buntong hininga niyang 'yon.
"T-tristan........" bulong ko habang natigil na sa pagkain.
"Did you eat already?" Seryosong tanong niya mula sa kabilang linya.
Nakagat ko ang labi ko upang hindi kumawala ang hikbing nagbabadya.
Ramdam ko ang kirot sa puso ko dahil sa nangyayari sa amin. Pero ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang makita at mayakap siya.
YOU ARE READING
Affair across the sky (Completed)
RomanceTama bang magmahal ng taong nakatali na sa iba? She wanted him unknowingly and he was her definition of new beginning. The only thing that could bring her back into her normal state are his touch, lips, hands, and his presence. She would follow him...