Chapter 9

14 1 0
                                    

Solaria Pov

"I thought your not coming here?" Marahang tanong ko kay Tristan habang pinaglalaruan ko ang mga kamay ko.

Nakaupo siya sa gilid ng kama at diretso ang tingin sa akin. Nanatili naman akong nakayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya dahil baka bumuhos lalo ang emosyong nararamdaman ko.

Damn it! I cheated on him......I cheated.....

Pa'no nangyari ang lahat ng 'yon? Bakit ko hinayaang mahalikan ako ng ibang lalaki? Bakit ko kailangang maramdaman ang bagay na 'to sa taong may asawa na rin katulad ko? Ano bang nangyayari?

"Why don't you look at me? I thought you want to see me that's why I came here," seryosong ngunit may diin na sabi niya.

Ilang beses akong bumuntong hininga bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Kumunot ang noo ko at bahagyang lumunok dahil tila may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

"I'm s-sorry....." halos pumiyok pa ako sa pagkakasabi ko sa kaniya.

Pasensiya na at hindi ko sinasadya....

Dahan-dahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at bahagyang hinila ang ulo niya upang maipagdikit ko ang aming mga noo.

Pumikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Sobrang akong naguiguilty sa mga nangyayari.

"Mahal na mahal kita, hon. Mahal na mahal," wala man akong nakuhang tugon ay naramdaman ko naman ang paghalik niya sa noo ko at nanatili ang kaniyang labi roon ng matagal.

"You have to rest, Soercia," sabi niya bago ako inalalayang mahiga sa kama.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya habang inaayos niya ang kumot sa katawan ko. Nang akmang tatayo siya ay mabilis na nahawakan ko ang kamay niya.

"Stay...." bulong ko dahil pakiramdam ko sobrang nakakapagod ang araw na 'to kahit wala naman akong ginagawa.

Tumango na lang siya at nanatiling naupo sa gilid ng kama. Napapikit ako nang marahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Masarap sa pakiramdam pero bakit ganun.....parang may kulang.

Parang may mali. Hindi ko alam kung ano at bakit? Naiiyak na naman ako dahil pakiramdam ko may mali sa lahat. Pero sa t'wing iniisip ko 'yong mali na 'yon ay parang panatag ang loob ko.

"Relax your mind, Soercia. I can see your frown," mabilis na iminulat ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Talagang kilalang kilala niya na ako.

"I'm sorry talaga....." naiiyak na sabi ko dahil sobrang nakokonsensiya ako sa lahat ng nangyayari.

"Sleep, hon." mahina ngunit rinig kong sabi niya.

Pinunasan niya ang pisngi ko bago ako binigyan ng isang tipid na ngiti. Hinawakan ko ang kamay niya at ipinagpahinga ito sa tiyan ko bago ako pumikit.

Nakagat ko ang labi ko dahil tila may mali at natatakot ako na alam ko ang bagay na 'yon. Natatakot ako sa dahilan kung bakit hinahanap ko ang presensiya niya. Natatakot ako sa nararamdaman ko.

Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na naman pala ako.

"Sir, you have to tightened your security. You are the main target of that incident." Nanatili akong nakapikit kahit na may naririnig akong mga boses na nag-uusap sa paligid ko.

"I said I'm not the target! Damn it. Ni wala nga akong nakaka-away..." ramdam ko ang frustation sa boses ni Tristan.

Target? So it means tama si Frith na siya ang target at hindi ako. Pero bakit? Tama si Tristan dahil kahit na nagbago siya ay isa pa rin siyang mabuting negosyante. Kahit nga mga employees niya ay alam kung gaano ito kabuting boss sa kanila.

"Sir nandito ako para tulungan ka. Kailangan natin malaman ang rason kung bakit ikaw ang target nila. Mas maaga natin malalaman ay mas mabuti. Dahil kung hindi ay mas lalong mapapahamak ang mga mahal niyo sa buhay," seryosong sabi ni Frith.

Narinig ko ang buntong hininga ni Tristan pati na tin ang mga yabag niyang paulit-ulit na tila aligaga sa kung ano ang pwedeng mangyari.

"I can't lose my wife, Frith," seryosong sabi ni Tristan, "kaya pumapayag na ako na ikaw ang mamuno sa pagiimbestiga nito kahit pa meron ng tinalaga ang daddy ko para sa imbestigasyon. You have to find out as soon as possible the reason why I became their target."

"Noted sir,"

Nagdesisyon na akong imulat ang mga mata ko at saktong nagtama ang paningin namin ni Frith. Tila may kumalmang bagay sa akin nang makita ko ang kaniyang mukha.

"Are you okay?" Umiwas ako ng tingin at saktong nagtama ang paningin namin ni Tristan na kunot noo ang mukha.

Ngumiti ako ng tipid at tumango sa kaniya. Inabot ko ang kamay niya at mahigpit itong hinawakan.

"I'm scared with our situation. What if mas malala 'yong nangyari sa'kin? What if ikaw na 'yong mapahamak?" Lumunok ako bago umiling sa kaniya, "I can't lose you. I c-can't," bahagyang nanginig ang boses ko.

Sino bang hindi matatakot? Ano mang oras ay pwede kaming mapahamak lahat. Nakakatakot lumabas dahil parang anytime ay may tatamang baril sa mga katawan namin.

Lumapit si Tristan sa'kin bago marahang hinaplos ang noo ko.

"Frith will protect you," seryosong sabi niya dahilan para maramdaman ko na naman 'yong guilt sa nangyari sa amin.

"I'm sorry, hon. I'm sorry......." bahagya akong yumuko dahil hindi ko kayang tignan ang kaniyang mga mata.

"Bakit ka ba humihingi ng tawad? May ginawa ka na naman ba?" seryoso ngunit bakas ang diing tanong niya.

Bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"W-wala....." utal na sabi ko dahil alam kong mas grabe ang magiging galit niya kapag nagsabi ako ng totoo sa kaniya.

Ilang segundo lang ay rumahan ang hawak niya sa kamay ko. Binitiwan niya ang kamay ko kaya mabilis ko itong hinaplos ng patago.

"Then nakapagdesisyon na ako......"

Sabay kaming tumingin ni Frith kay Tristan dahil sa tinuran niya.

"Soercia, kailangan mong sumama kay Frith sa bahay niya na nakalaan for your protection. Saka ka na lamang uuwi ng bahay kapag naayos na namin lahat ni Frith."

"W-wait...what!?" Halos pasigaw na sabi ko kay Tristan.

Nahihibang na ba siya? Hindi pwede.....dahil natatakot ako sa kakahinatnan ng lahat once na tumira kami ng bodyguard ko sa iisang bahay!

"Bakit may kailangan ba akong malaman? Titira ka roon para malayo ka sa kapahamakan at nandun si Frith para sa proteksiyon mo. That's my final decision,"

Wala na akong nagawa kundi ang tumango sa kaniya. Lord....kayo na po bahala sa akin. Please po, lagi niyo sa aking ipaalala na may asawa na po kami pareho at mali lahat.....

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now