Solaria Pov
"E-evan......" takot na bulong ko habang nakatitig sa dalawang taong nasaktan dahil sa namuong pagmamahalan namin ni Evan.
Ito na ba lahat ng consequences ng bawal na pagmamahalan namin ni Evan?
Hinawakan ni Evan 'yong braso ko bago inilagay ako sa likod niya. Tahimik ang buong paligid at tanging liwanag lamang na nanggagaling sa street light ang siyang ilaw namin. Napatingin ako kila Tristan at Talie na parehong may mga galit at sakit sa kanilang mga mata.
"How could you do this to me, Frith? Pa'no si Tantan!?" may kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko ang kaniyang munting mga hikbi.
Lumapit si Talie sa'min at bahagyang hinila si Evan ngunit nanatili lang itong nasa tabi ko. Kumbaga nasa likod ako ni Evan habang nasa harap naman niya si Talie na umiiyak. Si Tristan naman ngayon 'yong nasa harapan ko ngunit malayo ng konti ang pagitan namin.
"I'm sorry, Talie," rinig ko ang pagkabigo ng boses niya at alam kong pati siya ay nahihirapan rin lalo na't kahit papaano alam ko ring mahal niya pa rin ang asawa niya.
Oo may nararamdaman sa akin si Evan at masaya na ako ron pero hindi ko rin maipagkakaila na mahal niya pa rin sa Talie at alam kong hinding-hindi na mawawala 'yon.
"SORRY? FRITH NAGTIWALA AKO SA'YO! NAGTIWALA AKO SA PLANO MO SA KANIYA PERO TANG*NA NAHULOG KA SA SARILI MONG PLANO!" umiiyak na sigaw ni Talie at ramdam ko kung pa'no niya tinulak-tulak si Evan dahil bahagyang tumatama ang katawan nito sa akin.
"SANA UNA PA LANG PINIGILAN NA KITA! SHIT SANA NAKITA KO NA PWEDENG MANGYARI 'TO LALO NA'T.....medyo nagkakalabuan na t-tayo pero sapat ba 'yon para pagtaksilan mo ako!? SAGUTIN MO AKO KUNG SAPAT BA 'YON HUH!?"
"Talie, hindi ko sinadya...damn," bulong ni Evan.
"Huwag mo akong lokohin at gawing tanga, Frith! Cheating is not a mistake but a choice you bastard!" Narinig ko ang pagsampal ni Talie kay Evan pagkatapos ay umiyak na parang bata.
"Ito ba ang gusto mo, Soercia? Manira ng buhay ng ibang tao? Sirain ang buhay na meron tayo?" seryosong tanong ni Tristan na bahagyang nakapagpayuko sa akin, "kahit mahal niyo pa ang isa't isa ay hindi pa rin magbabago na kabit kayong pareho."
"Sorry-----"
Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang malakas na pagtawa ni Tristan na parang may narinig siyang nakakatawa sa akin. "Bagay nga kayo ng gagong 'yan pareho kayong nagsosorry sa kasalanang ginusto niyo naman. Kahit ilang milyong sorry pa ang sabihin mo ay hinding-hindi kita mapapatawad. Dahil ang paghingi niyo ng sorry ay hindi dahil gusto niyo pero dahil nahuli kayo sa kababuyan niyo. Hindi ko akalaing nagmahal ako ng taong mamatay tao at malandi...."
"Huwag mo siyang insultuhin!" Sigaw ni Evan nang marinig niya ang pag-iyak ko.
Shit....bakit ganito? Bakit nandito kami ngayong apat sa ganitong sitwasyon? Bakit naging ganito 'yong mga buhay namin? Dahil ba sa pinili naming landas? Dahil ba nagmahal kami ng iba?
"Shut the fuck up!" galit na sigaw ni Tristan na halos makita ko kung paano lumabas ang mga ugat niya sa leeg dahil sa sigaw niyang 'yon.
Umiiyak na umiiling ako kay Evan bago unti-unting humakbang palapit kay Tristan ngunit wala pa man ay bigla na lang niyang tinutok 'yong baril sa akin.
"Huwag kang lalapit," bantang sabi niya ngunit kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit upang mapawi ang sakit na idinulot ko.
Sa paghakbang pa ng isang kong mga paa ay bigla na lang siyang nagpaputok malapit sa paa ko dahilan para mapatalon ako sa gulat. "I said do not come near me. You chose to cheat then bear the consequences,"
YOU ARE READING
Affair across the sky (Completed)
RomanceTama bang magmahal ng taong nakatali na sa iba? She wanted him unknowingly and he was her definition of new beginning. The only thing that could bring her back into her normal state are his touch, lips, hands, and his presence. She would follow him...