Uno

1 0 0
                                    

Sigawan at mga kumakalansing na pagtatagis ng mga espada.

Iyon ang gumising sa akin sa saglit na pagkawalan ng ulirat.

Bumungad sa akin ang  malapad na likuran ng isang lalaki. Tila ginagawa nitong pananggalang ang sariling katawan upang protektahan ako sa kung ano mang nasa harapan nito.

"A--ama..."

Naliligo ang buong katawan niya sa sariling dugo. May mga tama ng pana sa ilang bahagi ng katawan nito. Gayunpaman ay matatag pa din itong nakatayo upang protektahan ako.

"Hindi ninyo malalapitan ang aking anak. Mamamatay muna ako bago nyo siya malapitan!"

Kapagdaka'y isang pana ang mabilis na tumama sa bandang dibdib nito. Nanlaki ang aking mata nang makita kung paanong sumuka ng dugo ang aking ama.

"A-ama!"

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Unti-unti ay bumagsak ang kanyang katawan sa lupa.

"Ama! Hindi! Ama!", panaghoy ko. Tila nahinto naman ang lahat sa pakikipaglaban. Dama ko ang kanilang mga titig habang dahan dahan at nanginginig kong pinangko si ama.

"Ang mahal na Datu!", sabay sabay halos na sigaw ng aking mga ka-tribo.

"Ama hindi. Ama ko, huwag mo akong iiwan!", humahagulgol kong sigaw habang yakap yakap siya.

"Anak..",hinawakan nito ng mahigpit ang aking kamay.,"P-patawarin mo ako.."

"Hindi! Ama ko! Huwag mo kong iiwan!"

Ngunit kahit anong pagsusumamo ko ay tuluyan na nitong ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa aking mga palad.

Isang mas nakabibinging katahimikan ang sumunod. Walang ibang maririnig kundi ang aking mga hikbi at garalgal na tinig.

Lumisan na ang aking ama. Ulilang lubos na ako ngayon. Pareho ng wala ang aking mga minamahal na magulang.

Sunod-sunod na hiyawan at panaghoy ang naririnig ko sa aking paligid. Dinig ko ang nagngangalit na tinig ng aking mga ka-trino. Ngunit sa sandaling iyon na hinaplos ko ang pisngi ni ama ay tila wala akong ibang marinig kundi ang aking mga hikbi. Muli kong naramdaman ang isang kakaibang enerhiya sa loob ng aking katawan. Ito ang enerhiyang lumukob sa akin bago ako panawan ng ulirat kanina.

"Maia!  Gumising ka! Huwag mong hayaang muli kang makontrol ng iyong kapangyarihan!"

Dinig na dinig ko ang sigaw ni Ysahk sa aking utak. Ngunit tuluyan ng nanlabo ang aking paningin. Nabalot ako ng labis na poot. Mas sumidhi ang aking pagnanais na wakasan ang buhay ng aking mga kalaban.

"Maiaaa! Hindi! Tumigil ka!"

Tila walang buhay na tumayo ang aking katawan. Hinanap ko ang 'taong' dahilan kung bakit humantong kami sa situasyion na iyon.

Ang 'traydor' na lalaking nilapastangan ang aking tribo. Ang sumira sa tahimik na mundong aking ginagalawan.

Ang taong gumising sa aking natutulog na damdamin ngunit kalaunan ay siya rin palang papatay dito.

"Miguel..", walang reaksiyon kong sambit sa pangalan nito.

Nagtagpo ang aming mga mata. Nakikita at nababasa ko ang labis na kalungkutan mula rito.

Hindi ko mawari kung bakit.

Bakit sya malulungkot kung siya naman ang dahilan kung bakit kami nasa isang digmaan? Ano ang kanyang karapatan upang magpakita ng mga emosiyon na hindi nararapat na maramdaman ng isang tulad niyang traydor?

"Isinusumpa ko kay Bathala, ikaw ay mamamatay sa aking mga kamay.",puno ng poot kong wika.

"Maia! Hindi mo maaring gawin yan! Alam mo kung ano ang magiging kapalit oras na kumitil ka ulit ng buhay!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon