First.

22 0 0
                                    


Paano ko ba dapat 'to simulan?

Has it ever come to your mind? Na may mga bagay na nahihirapan tayong simulan minsan, na parang may pintuan na hindi natin agad mabubuksan. Sabi nila nasa timing daw. Pero paano kung hindi naman? Hindi ka pinipigilan ng oras, hindi rin ng chance. Kasi ang totoo, alam mo sa sarili mo na una pa lang hindi naman dapat talaga simulan. Nabibigatan ka kung paano at kailan mo uumpisahan dahil may kaakibat na takot sa puso mo na kapag nagsimula... merong wakas.

°

°

°

°

°

(Taong 2013)

"Kaklase kita?" halata sa tono ng pananalita niya ang gulat at pagkadismaya. Pilit akong ngumiti at tumango. Ibinaling niya ang tingin sa palibot ng classroom. Nang makitang wala ng ibang bakanteng upuan maliban sa tabi ko, wala siyang nagawa at naupo rin dito.

First year high school. First day of class.

Hindi ko inexpect na sa dami ng pamilyar na mukha na pwede kong makita sa loob ng silid na ito ay ang dati ko pang kaklase sa elementary, si Jaya, salutatorian ng batch namin.

Sa bungad pa lang niya ng makita ako alam mong 'di talaga kami close. Tama bang sabihin na normal lang siguro na ganun? Dahil maliban sa hindi talaga kami magka-ugali, I'm the valedictorian of our batch. Mabait si Jaya, sobrang friendly nga niya, sadyang ako lang itong mailap sa mga kaklase ko noon. Competitive kasi ako, wala akong inatupag kundi mag-aral at sumali sa mga competitions nung elementary kaya madalas wala rin ako sa klase. Pero sa totoo lang sobrang draining para sa akin ng ganun. I need to be a consistent top one. Jaya's smart pero hindi naman talaga siya ang tinuturing ko na kakompetensya noon. It's my older sister. The comparison really burdened my young mind. Inilayo niya ako nito sa kalayaan na gusto ko. Sa mga oras din kasi na yun, ayaw kong ma-disappoint ang mga magulang ko. Pero nakakapagod lang.

Kaya naisip ko, ayaw ko ng ipagkait ulit yun sa sarili ko. At ang pagpasok ko ng high school ang magiging bagong simula ko. I'll be free, sa pressure at expectations nila. Mag-aaral pa rin naman akong mabuti pero hindi na iyong level na kailangang nasa top. Tama na sa akin yung pasado.

"May kasama ka ng mag-lunch, Jaya?"

"Uhm, wala eh."

"Sabay na tayo? Ang lawak kasi ng campus, hindi ko alam kung nasaan yung canteen." I shyly spoke.

Kita ko ang confusion sa mukha niya. Hindi rin siguro niya inexpect na ako iyung unang nag-approach. Nang nag-umpisa kasi ang klase kanina ay hindi na rin kami nag-imikang dalawa.  Ngumiti siya. Hindi na iyong pilit. Halata na excited siya. Tumango siya at sabay nun, hila na niya ang braso ko palabas ng classroom.

"Next subject na pala natin ang Math?"

Naglalakad na kami pabalik ng classroom ni Jaya. One hour lang din kasi ang lunch break namin.

"Aahhh, ba't naman panghapon yung Math? Nakakaantok naman."

Napangiti lang ako sa naging kumento niya. Hanggang sa makarating kami ng classroom, panay reklamo ang naririnig ko kay Jaya. Magkaiba nga talaga kami. Kung gaano niya kaayaw ang Math, paboritong subject ko naman ito.

"Ay, rinig ko sa mga kaklase natin ang pogi at bagets daw ng magiging Math teacher natin." Naglabas naman agad siya ng polbo, suklay at pabango.

"Kailangan mo talagang mag-ayos?"

"Gwapo raw si Sir eh." Kilig na kilig ang boses niya habang nagsimula na siyang maglagay ng polbo at magsuklay. Pinilit pa niya ako na mag-ayos din dahil nasa aisle at malapit sa unahan ang upuan namin, kitang kita raw kami ni Sir. Pero hinayaan ko na lang siya at inilabas na ang notebook ko.

Wala pa man ay nakaramdam na ako ng antok. Naparami yata ang kinain ko nung lunch. Pero naagaw ang atensyon ko ng may lalaking pumasok at dumeretso sa harapan. Hindi siya nakasuot ng school uniform pero halata na bata pa ang mukha niya. Naka-dark blue na polo siya at brown na khaki pants. He's also wearing a glasses. Nung una ay walang may nakapansin sa mga kaklase ko, pero nang magsalita na siya at bumati ng good afternoon, natahimik ang buong klase.

"My name is Marco Apollo Aragon, and I will be your Math teacher."

Ang intimidating ng aura niya. Kung hindi lang siya nagpakilala bilang teacher aakalain kong nasa upper class lang namin siya. His face is too young for his age, I guess. Hindi rin siya katangkaran. Ang puti niya. Marunong kaya 'tong mag-joke?

Naagaw ang tingin ko ng mga bulungbulungan ng mga kaklase ko, lalo na ang gigil ng katabi ko.

"Ang gwapo ni Sir." Pagbulong sa akin ni Jaya na siya namang pagkunot ng noo ko.

Hindi naman, sakto lang.

Halatang narinig ni Sir ang komentong iyon ni Jaya kaya napatingin siya sa gawi namin. I saw him smiled bago ako napaiwas ng tingin at yumuko. Nailang ako. Hindi ko alam bakit.

Nagsimula ang discussion ng klase. Dahil unang araw pa lang, basic intro ng Grade 7 Mathematics ang naging ikot ng buong discussion. Hindi ako nagbibiro ng sabihin kong paborito ko ang Math. Pero hindi ako makapag-concentrate sa pakikinig at pag-take down notes. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa panay na pagbulong ni Jaya sa tabi ko o dahil sa madalas na pagtatama ng mga tingin namin ni Sir? Ang alam ko lang, wala akong ma-gets.

Humagikgik si Jaya. Napabaling ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Ano bang tinatawa ng babaeng 'to? Hindi naman siguro siya napansin ni Sir dahil tuloy pa rin naman ang pagsasalita niya sa harap.

"Pansinin mo si Sir, paatras abante yung lakad niya sa gitna. Hehehehe." At nagpipigil na naman siya sa pagtawa. Napailing na lang ako sa kanya. Kung ano-ano ba naman kasi ang naiisip.

Mali rin na binulong iyon ni Jaya sa akin. Mas lalo akong nawala sa focus na makinig. I just found myself also giggling nang mapansin ko rin iyong sinabi ni Jaya. Ang seryoso naman kasi ng mukha ni Sir habang nagtuturo at ang lakad pa niya ay paabante paatras nga. Nasa aisle pa naman ang upuan ko kaya napapansin ko talaga ang paglakad niya.

"Nakakatawa diba?"

Humagikgik kaming pareho na sana ay hindi ko ginawa.

"Miss Salazar." 

Biglang napalitan ng kaba ang kaninang pagpipigil ko ng tawa. I heard him call my surname.

"Are you Miss Salazar, right? Please stand up." 

Nasa harap ko siya. I could sense that I got all his stares now, maging lahat ng mga kaklase ko. Tumayo ako na ang tingin ay nasa lalaking tumawag ng pangalan ko.

"Ye-ss, Sir." 

"Do you know what I hate the most? 'Yung taong hindi marunong makinig lalo na kapag ako 'yong nagsasalita." He is serious, galit na ba siya?

"Sorry po Sir." Yumuko ako bago pa niya mahalata na naiiyak na ako.

Naramdaman ko ang paghakbang niya papalapit sa akin. He smells so nice na siyang nagpadagdag lalo ng kaba ko.

"Mukhang matalino ka. Can you define what a number system is?"

 Can you define what a number system is?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang araw ng pasukan. 

First year high school. 

One afternoon in his Math class.

I first met him.

I was 13 years old and he was 22 years old.

I was just his student, and he was my teacher.

In our very not so good first interaction, everything started... all wrong.





Someday, I'll Tell Him About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon