Seen.

12 0 0
                                    

'A number system is defined as a system of writing to express numbers. It is the mathematical notation for representing the numbers of a given set by consistently using digits or other symbols. It provides a unique representation of every number and represents the arithmetic and algebraic structure of the figures.'

Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari, sana naging handa ako o kaya iniwasan ko na lang. But it has already happened. 'Di ko nasagot ang tanong niya. Sa unang pagkakataon ay napahiya ako. 

Paano ba maka-move on? Makalimot? It's been a month already. Marahil ay limot na rin ng mga kaklase ko. Pero sa tuwing nakikita ko si Sir, bumabalik. I saw the disappointment in his eyes. Naluluha pa rin ako sa kahihiyan sa tuwing naaalala ko ang araw na 'yun.

"Absent daw si Sir Apollo, pero may iniwan siyang seatwork. Copy and answer then to be submitted daw today." Rinig ang malakas na boses ng aming president sa harap. May hawak din siyang puting papel.

"Kanino ipapasa?" Ilang boses ng mga kaklase ko ang humabol magtanong.

"Sabi ni Sir, si Clara ang magko-collect." 

Hindi ko alam kung bakit kaba agad ang sunod kong nararamdaman sa bawat tawag ng pangalan ko. Sa mga normal na sitwasyon ay sanay na ako, pero hindi na kapag alam kong konektado na naman sa subject niya at sa kanya.

Paano ko ba maibabalik na parang walang nangyari? Na parang hindi ako apektado? Bakit ganun na lang ka-big deal sa akin lahat?

"Ang hirap masyado nung assignment natin. Hindi ko talaga makuha yung sagot."

Nagkukumpulan ang ilan kong mga kaklase at kaibigan dito sa isang mahabang mesa sa canteen. We tried to finish our lunch in less than 15 minutes. Maghahabol pa raw kasi kami na sumagot ng assignment. Hindi nila natapos na sagutan kagabi dahil nahihirapan sila. Pero matapos ipagkalat ni Jaya na natapos ko yung assignment namin, ito at nakisabay na lang din silang mag-lunch sa amin for 'that' purpose; ang kumopya at magpaturo after.

Halos lahat ng napapadaan sa mesa namin ay napapatingin sa kaingayan namin. Ang dami nilang naging tanong na sinusubukan ko namang sagutin ng pa-isa isa. Sa totoo lang ang hirap naman talaga ng assignment namin, pero dahil kinahiligan ko na talaga ang Math, nakayanan ko naman siyang intindihin at sagutan kahit papaano. Ayaw ko sanang magmukhang pabibo o kaya magbigay ng 'smart vibe' sa mga kaklase ko, dahil ayaw ko ulit ma-pressure, ayaw ko ng competition. Gusto kong mag-aral ng malaya at masaya. But I am in this situation again. Gusto ko na lang makatulong sa kung ano ang kaya ko lang.

"Sobrang thank you, Clara!"

"Saviour ka talaga, salamat!"

"Grabe, kapag si Clara yung nag-i-explain ba't nagi-gets ko? Hahahaha"

Samot-saring mga komento, puri at pagbibiro ang naging laman ng ingay ng grupo namin. Napapailing at napapayuko na lang ako. Ako kasi ang nahihiya. Ako pa naman itong nakatayo sa gitna habang silang lahat ay nakaupo. Gusto ko rin kasi na nakikita nila yung ini-explain ko para hindi na rin pauli-ulit.

"Sir Apollo, hi!"

Halos mapaupo ako sa gulat at kaba sa naging sigaw ni Jaya. Gusto ko sanang umalis o kaya magtago, pero ramdam ko na ang presensya niya sa likuran ko.

"Mukhang busy kayo. Are you done with your lunch?" Halos hindi ako makahinga nang marinig ko kung gaano siya kalapit sa kinatatayuan ko.

"Yes Sir. Ginagawa po namin yung assignment niyo." Walang pagdadalawang isip na sabat naman ng isa kong kaklase.

"Oh I see. Group discussion?" 

"Yes Sir, tinuturuan kami ni Clara."

Wala naman akong ginagawang masama pero ang kabado ko. Pansin din kaya ng mga kaklase ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Someday, I'll Tell Him About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon