Chapter 20

171 15 1
                                    

A/N: Di ko na iddetail yung bawat gameplay and all. I'll be focusing na sa story. Short update muna tapos see you ulit after 6 months charot!!! hahahhaha bukas ulit.

~

Aria

Nasa mid-game na kami at sa nakikita ko hindi masyado maganda yung sitwasyon namin sa laro. I took a glimpse of Allison na nasa kabilang end nakaupo, she looks frustrated. My hero is about to respawn and I heard her voice sa comms.

"Ri, do not engage. Addi samahan mo siya habulin nyo yung gold para makahabol sya sa item. Kaya ko na to."

Medyo cold yung voice nya, I don't know kung baka dahil lang ba focused sya masyado sa game at competitive sya o naiinis na sya sakin. Hindi na ko sumagot as I gripped the phone tightly.

"Chill lang tayo Scarlett. Kaya pa to."

Addi lightly tapped me in the arm kaya medyo gumaan yung pakiramdam ko. Nagfocus na ko sa game and gaya nga ng inaasahan nakahabol ako sa item however we have no towers left and they are pushing towards our base na.

"Free hit mo lang Ri. Wag ka masyado lumapit sakanila."

The adrenaline rush through me and I was continuously tapping on my phone. I killed Cassie's hero but it was a bait Yuki caught me and killed my hero. Addi tried to save me which causes her to be killed as well.

"It's two against one!"

"Kaya kaya ng best jungle idefend ang base nila?!"

I heard the announcer said I watch as Allison struggled to defend napatay nya pa si Maddie pero naipon na yung minion wave at low hp na din sya.

I clutched my hand tightly at napayuko na lang.

"Cassandra's team took game 1!"

Naglakad na kami pabalik sa meeting room. Kita sa mukha ni Allison yung pagkadismaya. Natatakot ako kausapin sya. Gusto kong magsorry kasi parang kasalanan ko kung bat kami natalo kung di lang sana sunod sunod namatay yung hero ko baka sakaling nanalo kami.

Nasa malalim akong pag-iisip nung naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Bat yung mukha mo parang katapusan na mundo?"

Si Addi na tinatawanan ako. Gagong to nakita na ngang malungkot yung tao tatawa pa.

"Edi sana all masaya."

"Game 1 pa lang masyado mo namang dinadamdam."

"Kasalanan ko kasi bat tayo natalo."

"I agree."

Sabi nito at tumango tango.

"Ay wow Addi salamat sa suporta ha? Napagaan mo yung loob ko. 🙄"

Sagot ko dito at inirapan lang ito. Napatingin ako kay Allison, nakaupo lang ito habang nakapikit.

"Wag mo masyadong alalahanin yan, ganyan talaga yan kapag may laro. It's her way to calm her nerves at magstrategize. Malamang pinagpplanuhan nya na pato tatalunin yung kalaban. Kaya wag mo na damdamin yung pagkatalo, treat it as a warm-up."

Muling tinapik ako sa balikat ni Addi at umalis na sa tabi ko. Kahit papano nawala yung kaba at inis ko sa sarili ko nung nakausap ko sya.

Maya maya pa ay nag-umpisa na ulit yung game 2. At gaya nga ng sabi ni Addi, pinagplanuhan nga ata talaga ni Allison kung pano matatalo sila Yuki. Wala kaming ibang ginawa ni Addi kung hindi sundin lang yung mga sinasabi nya. 12 minutes ay natapos namin yung Game 2 at kami ang nanalo.

The Melody In My Heart (FreenBeck)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon