Chapter 24

175 14 0
                                    

Aria

2 weeks passed simula nung incident. The issue died down, pero kasabay non ay yung madalas na misunderstandings namin ni Allison.

Oo hindi sya naglalaro ngayon pero she's working behind the scenes. Mas madalas din silang magkasama nung coach nila na ex nya pala. Kailan ko lang din nalaman, mukha naman kasing wala syang balak sabihin kung hindi pa nadulas si Addie.

Di rin naman kami madalas magkita ngayon kaso tuwing free sya busy ako sa trabaho, kapag naman free ako siya naman tong busy sa laro at publicity kasama ex nya.

"Bes! Hoy!"

"Oh? Bat ka ba sumisigaw?"

"Kanina pa kasi kita tinatawag, ikaw tong lutang nanaman. Isip ka ng isip diyan, di ka naman nirereplyan."

"Busy nga kasi, may laro team nya ngayon."

"Eh ano naman? Siya ba maglalaro don? Pwede naman syang magmessage sayo kahit simple update. Bare minimum na nga lang di pa magawa."

"Ngayon lang naman to, nagsabi naman siya na magiging busy siya kapag nagumpisa na yung season."

"Sige ipagtanggol mo pa. Araw arawin mo yang katangahan mo, wag kang iiyak iiyak sakin kapag di mo na kaya."

Di na ko nagsalita pa ulit. Tama naman kasi si Faith. Nagscroll scroll na lang ako ulit sa X app.

Nakikita ko yung mga pictures nila na magkasama, kuha ito ng mga fans na nakakakita sakanila.

May nag-qrt pa nga tapos sabi "Ang cute cute nila, bagay na bagay. Power couple in ML community."

Power couple??? Baka kami yon. Tska anong cute dito? Eh mukhang paa tong si Oliver.

"Sige beh, pagselosin mo pa lalo sarili mo. Dagdagan mo pa sama ng loob mo. Tama yang gawain mo na yan."

"Bat naman ako magseselos? Eh ang pangit pangit netong ex nya."

"Pangit nga pero siya yung laging kadate hindi ikaw na jowa."

Tangina mo faith :( paiyak na nga yung tao oh.

"Tikom mo na nga lang yang bibig mo, wala namang magandang salitang lumalabas dyan."

Allison

Kakatapos lang ng game ng team ngayon at nanalo kami. So far, maganda naman yung pinapakita nila. Wala pa nga kaming talo. Kinongrats ko lang sila bago ko kunin yung cellphone ko sa bulsa ng jacket ko, para tawagan girlfriend ko.

Nagriring lang pero walang sumasagot.

Baby. Tapos na yung game. Panalo po team namin.

Puntahan kita. Day-off ko bukas. Movie night tayo hmm? Magdala ako favorite snacks mo.

Wait for me, wag ka muna matulog.

I love you po.

Nagpaalam na ko kila Addie at binulungan na pupuntahan ko si Riri. Palabas na ko nung tawagin ako ng Coach namin.

"Allison? San ka pupunta?"

"Uwi na Coach. May importante lang na lakad, ilalabas ko si Mama."

The Melody In My Heart (FreenBeck)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon