1st Entry: Another revelation yet to be uncovered

419 18 1
                                    

[Llian's POV]

"Ugh"

Tumingin ako ulit sa may bintana.

Shems. Andaming tao!  

Lahat sila, gustong makakuha ng interview.

3days nang nakalipas after nung napanuod kong news na nag labas ng pictures. 

May kumalat na ako yung third party sa hiwalayang 'Kyldrey'. 

Kung anu-anong chismis ang kumalat.

Bwiset na news yan. Dahil lang sa nabalitaang andito yung damuhong na artista na yun e ganto na. Pano kaya nalaman nung mga yun ang address KO?

Parang kelan lang e iniisip nila kung sino ako. And now, they're outside my house!

Fudgeeeeee.

Wala pa naman dito parents ko.

PERO PAPASOK PA RIN AKOOOO.

"Manang!"

"Yes Maam?"

"Please Lang po. Wag kayo mag papa-interview sa mga nasa labas."

"Opo ma'am. Pero si Kyle po ba talaga yung si Sir Luke?"

Ayoko nang alalahanin pa.

Tumango na lang ako.

"Sabi ko na nga ba eh kamukha! Kaya pala ang poging bata."

Nginitian ko na lang si Manang at pinahanda na yung sasakyan kay manong. Papasok talaga ako!

***********************

"What the?!"

Hanggang sa may gate ng school may media pa rin? Lecheng Kyle Ramirez yan!  

Buti na lang kilala nung guard yung kotse, pinapasok niya agad.

Bumaba na ko ng kotse. Didiretso ako sa office ng dean.  

Kinakabahan ako. I failed her. >.<

Lalakad na nga lang ako ng payapa e may nagbubulungan pa. 

At dahil mahilig ako sa information, makikisagap ako.

"Totoo ba yung nasa news?" 

"Oh my." 

"How dare she?! BITCH"

Naririnig ko naman sila e. Bulong pa ba tawag dun? O.O

"Kapal ng mukha na agawin sakin si Kyleloves." 

"Pangit kaya niya. "

So, ako pala pinag-uusapan nila.

E ano naman ba kung di sila yung kasama nung Mr. Malas na yun sa news? Akala ba nila e masaya?  

Besides, kasalanan ko ba na di nila napansin?

Sila Manang nga na sa tv lang nakakabalita e nahalata, sila pa kaya na hanggang corridors ng school e gumagamit ng Internet para I-search ang mukha ng kung sinu-sino?

"HEY!"

Huh? Lumingon ako.

"Uhh, ako ba kausap mo?"

"Mukha ba kong duling?"

What's with the hostility?

"Ano PO ba ang kailangan mo PO sakin?"

"Well, ako lang naman ang girlfriend ng lalaking nilalandi mo!"

"O.o"

Nilalandi? Ni wala nga akong boyfriend or ka-MU e.  

Chill Llian. She must be mistaken.

"Uhh, you're Grace, right? I think nagkakamali ka. Are you sure I'm the person you're really looking for?"

"Aba't dinedeny mo pa? Malamang kilala kita. Ikaw lang naman ang babaeng kunyari ay inosente at harmless PERO ang totoo, MAKIRI KA!!!"

"Gee. Kalma, pwede? Pa explain naman sana. Di yung gumagawa ka ng scene dito. Look, wala akong lalaking nilalandi. Besides, ni wal--"

"LIAR! You stole Luke from me!"

Eh? 

Gara pala. Ni Hindi nga kami nagkakausap ng kahit anong cheesy e, lalandiin ko pa yun? Malas lang naman yun sa buhay ko. T.T

Ang alam sa mundo nila (show business)' kabit ako. 

Pati ba naman sa Acad e may assumptions? 

Tae. Inagaw ko naman ngayon? Ugh.

Hay Naku. Magsasayang pa ko ng oras at boses sa babaeng toh e tungkol lang naman pala Kay Ramirez. Bwisit na camera yan. No. Bwisit na burarang kapatid ko pala. :((

Pero ni Hindi ko nga alam na close sila ni Luke eh. Imbento naman masyado toh. Porke nalamang artista at di lang normal na gwapo si Luke e maghahabol na.

"Look. I don't have time for this, okay? May pupuntahan pa ko."

"Don't you--"

At tinalikuran ko na siya.

Nun ko lang napansin na Madami na palang nakatingin. Ugh. 

She's getting all the attention na gusto niya. Scandalous na babae. 

Girls like her makes me irritated. Pampam.

Didiretso na dapat ako ng alis. Kaso...

"YOU BITCH! UNA SI SAM, NGAYON SI LUKE. MANG-AAGAW KA. MALANDI KA!"

What the?!  

Liningon ko siya.

"Anong sinabi mo? Bakit pati best friend ko e dinadamay mo pa?"

I saw her grin. Nakuha niya ang attention ko eh.

"That caught your attention, huh?"

"Ano bang sinasabi mo? Wait."

Tiningnan ko ng masama yung mga gumagamit ng phones at nakapalibot samin. 

"I'm the president of this school's student council. I want you all to keep your phones or I'll be forced to confiscate those. Besides, magsstart na ang mga klase niyo. Ayaw niyo naman sigurong mabad-shot sa remaining days niyo sa school."

"Psh. Pasalamat siya president siya." 

"Sayang naman" 

"Tara na nga. Kapag yan nagalit! Patay tayo, guys."

Ayun naman pala eh. Hinarap ko na ang nakakahiyang babae.

"You're saying?"

"A-Akala mo b-ba e takot ako sa p-posisyon mo? Section 1 ako at 2 ka lang."

Wow ha. 

"Actually, 1 dapat ako eh. E Ikaw? Ikaw dapat yung 2 Diba? If only wala kang tagalakad. Besides, lumipat ako sa 2 kaya nagkaron ka ng slot sa 1. Answer me na lang. Ano yung tungkol Kay Sam?"

Sorry Lord. Napapalabas ng babaeng to ang bad side ko. Badtrip pa man din ako >.<

"As if Hindi mo alam na inagaw mo siya sakin! Tapos ngayon e si Kyle naman?!"

INAGAW ba yung narinig ko? Ako pa sisisihin niya ngayon?!

"Excuse me lang po. Di ko inagaw sayo si Sam. Ever. How dare you?! YOU BROKE HIS HEART!"

"Ako pa? Siya ang nakipaghiwalay!"

Wait. Naguguluhan ako.

"Sabi sakin ni Sam Ikaw ang nakipaghiwalay. You dumped him!"

Something changed sa expression niya. And with that napatunayan kong naging seryoso RIN siya kay Sam. Napayuko siya. Naluluha na siya.

Nag-evaporate yung init ng dugo ko.

"Yun yung sinabi niya sayo."

"What do you mean?"

And then she smiled. A sad smile.

"Pinili ka niya."

BTVL 2: Entering A Heartthrob's Heart (UNDER-CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon