5th Entry: Interview pt. 2

272 12 0
                                    

~continuation...~

Reporter: How are you, Kyle?

Nakita ko yung irritation sa mukha niya dun sa lame na question. Pero nawala rin naman. 

Sinagot niya naman yun ng paloko.

Kyle: Ayos naman. Pero guys, alam kong kating-kati na kayong mamersonal. Wag na kayo mahiya. Fire away. *wink*

Nagtawanan yung mga nandun. Pero wala namang gustong magtanong. Professional questions na lang yung tinatanong nila.

"Landeeeeeee" 

"Sinong malandi?"

Pumasok si kuya na may dalang tray ng pagkain. Inabot ko naman yun at nagsimulang inibble yung bread. Di na ko nagreklamo kung bakit bread at milk lang yung dala niya. Gutom ako masyado. Besides, super late na.

"Ayang Kyle ooh! Kumikindat pa. Di naman bagay. Tapos sabi kanina, HOTTEST daw! Yaaaaaak!"

Natawa naman si Kuya at nakikain na rin.

Nahiya naman ako. Nakapagdinner siya e makikishare pa sa food ko. tinapay na nga lang e! Wahaha. sorry, gutom xD

"Oy Kuya!" 

"..."

Aba! Di ako pinansin. Busy sa phone. Sinilip ko nga yung text niya.

'Iana, itext mo na lang ako kapag di ka na busy. I miss you already. Uwi ka na ng Pinas soon pl'

Napahinto siya ng pagtatype.

*batok*

"Araouch! Kuya naman eee" 

"Tsismosa kaaaa!!" 

"Yeaaaah. Bakit ka namumula? Iana pala ha! Sino yun? Ha? Ha? Ha?" 

"Wag ka ngang--"

Napahinto kami at napatingin sa tv.

R: Saan ka naglagi nung mga panahong umalis ka para 'mag-move on'?" 

Kyle: Oh. Nag stay ako sa bahay nung best friend ng manager ko. And I would like to thank them kasi pinatuloy nila ko sa kanila at tinuring na hindi iba. 

R: Where exactly? 

Kyle: *smirk* As much as gusto kong protektahan ang privacy nila, I'm pretty sure alam niyo kung saan. Full address pa nga siguro.

Tumawa siya pati yung mga nandun.

Galing makipagplastikan neto sa mga plastic na reporters. Kung ako yan e, nabato ko na ng kung anuman yung mga yun.

Bakit kasi parang ibang tao siya sa TV?

R: Siguro nawindang ka nung nakita mo yung pictures. May alam ka ba kung sino yung source nun? 

Kyle: Honestly, di ako nawindang. Inaabangan ko ngang lumabas yung pictures e. Oh wait, wag muna magreact. Chill.

Tawanan na naman.

Kyle: Si Kuya Ralph kasi yung nag take nung pictures. E nanakaw yung phone niya. Ayun.

Ngumiti na naman. In fairness, gwapo naman nga pala talaga. Di ko napansin nung andito pa siya. Wahahaha.

*toomph!* 

Ouch! 

Napatingin ako kay Kuya na todo ang ngiti. Problema nun?

"Namention yung pangalan ko sa TV!" 

Ay grabe nemeeeeen.

R: Sino naman si Ralph?

Hinampas na naman ako ng loko.

"Oo na! Namention na. Baka may fanclub ka na rin" =_="

Kyle: Big brother siya ni Llian 

R: So, yung girl na kasama mo sa pictures. Llian, right? 

Kyle: *nod* 

R: Saan mo sila nakilala? 

Kyle: Member sila nung family na pinagstayan ko.

At ayun. SIKAT na kami ng Kuya ko >.<

Guys, gawa niyo kaming fanclub. (note the sarcasm)

Pinanuod ko yung Q&A portion sa TV. Nabore na rin si Kuya kaya nauna nang lumabas at pumunta ng room niya. Matutulog na rin sana ko nung may nagtanong na nung inaabangan ko.

R: Halatang close kayo nung Llian. Magprangkahan na tayo, ano mo siya? 

Kyle: *smiles a shy smile*

BAKIT PARANG...

... KINIKILIG SIYA?

Tapos yung pagkakasagot niya, para siyang nahihiya na ewan.

ANO BANG GUSTONG PALABASIN NETO?!!!

R: hmmm. KINIKILIG ka ba Kyle? 

Kyle: Si Llian, siya yung babaeng mabait at maaalalahanin. Di niya ko nakikita sa panlabas na itsura. Tinuring niya kong normal. Sa totoo lang, di niya nga alam na artista ako eh. Puro characters lang sa libro ang kilala niya. Maganda siya at-- 

Nice one. Galing mong umarte na kunyari nagbbluff kan Wag kang magpapakita sakin Kyle Ramireeeeez!

R: Looks like she's special. Pero bago ka tuluyang kiligin, I share mo naman samin kung sino siya sa buhay ng isang Kyle Ramirez.

Di nakasagot si Kyle agad. Namumula siya. What the?!

Nagtawanan naman yung mga reporters. Nag bblush daw kasi si Kyle.

Naging seroso naman yung expression niya.

Kyle: Bago ko sagutin yan, gusto ko pong malaman niyo na di siya tulad ng iniisip niyo. Nakilala ko siya AFTER nung break up namin ni Audrey. And thankful ako dahil nakilala ko siya. Sa mga panahong yun, napatunayan kong di lahat ng babae, nananakit.

Tumingin naman siya directly sa camera at kinausap ako. Este, parang lang.

"Thank you, Llian. For everything. We will take more than ten days to shoot this interview kung iisa-isahin ko yung mga dahilan . Thank you. See you soon, babe!"

Nagtilian yung mga nandun. 

Panigurado lahat nung nanunuod kinikilig na rin.

EXCEPT ME.

Kumukulo dugo koooo!

R: Babe ba kamo? 

Kyle: Oopps. *tawanan*

R: So, girlfriend mo na nga?

Humarap na naman siya sa camera. Tokwa.

Wag na wag kang magkakamali ng sagot. T.T

"How I wish"

Sheeeems. Babalibagin ko na yung flat screen. Konti na lang.

BTVL 2: Entering A Heartthrob's Heart (UNDER-CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon